TFH: 15

15 1 0
                                    

XV. Have I told you?

 

<Terrence's POV>

Matapos ang masayang pagbabati namin ni nanay Monica, pumunta ako sa Heaven's Gate garden para humingi ng tawad sa pagkakamali ko kay lolo Juan.

Narealize ko na naging mabaet s'ya sa akin at itinuring n'ya akong parang isang tunay na apo. Naiintindihan ko rin na tama si Alfritz sa sinabi nito bago s'ya namatay.. "Kaya hindi mawala ang sakit dahil ayaw mong bitawan ang nakaraan. Matagal ng pinag bayaran ni lolo Juan ang nagyari."  Nagbulag bulagan ako sa katotohanan na nabasa ko sa journal ni lolo Juan na namatayan s'ya ng dalawang pinakamamahal n'ya sa buhay. Hindi n'ya intensyon na aksidenteng nangyari sa tatay ko at tama s'ya hindi n'ya talaga ito ginusto dahil meron s'yang mabigat na dahilan noon. Kaya dahil doon matagal na n'yang pinagbabayaran ang kasalanan na iyon. Sana noon ko pa iyon naintindihan para hindi na nawala sa akin si Alfritz. Tama nga ang sabi nila na nasa huli ang pag sisisi katulad ng pag sisisi at pang hihinayang ko ngayon. Kaya oras na para itama ko ang lahat. Oras na para mag patawad sa taong matagal ng pinagbayaran at pinag sisihan ang nangyrari sa tatay ko.

Pagkarating ko sa Heaven's Gate garden ay dumeretso ako agad sa bahay ni lolo Juan. Kumatok ako sa kanyang pinti at ikinagulat n'yang makita ako.

"Pwede po ba tayong mag usap?" Magalang na tanong ko.

Tumango lang ito bilang sagot at pinatuloy n'ya ako sa kanyang salas upang doon kami mag usap. Umupo ako sa sofa at inilapag ko ang aking dalang gitara.

"Iho bago ang lahat ikinalulungkot ko ang balita na nangyari kay Alfritz at sana patawarin mo ako sa mga naging kasalanan ko sa inyo." Malungkot na sabi nito.

"Iyon po ang dahilan bakit ako naparito. Gusto ko rin pong humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa inyo. Nadala lang po ako sa matinding galit ko dahil sa pagkamatay ng tatay ko."  Sincere na sabi ko.

Hindi kumibo si lolo Juan kaya naman ipinag patuloy ko ang aking sinasabi.

"Noong buhay si Alfritz ayaw n'ya akong maghiganti sa mga taong may dahilan ng madilim kong nakaraan. Gusto n'ya na matutunan ko ang magpatawad at doon ko narealize na ito ang tama kong gawin. Gusto ko na kahit wala na s'ya matupad ko pa rin ang mga gusto at kahilingan n'ya." Pagkwekwento ko.

"Mahal mo talaga s'ya iho." Malungkot n'yang sagot.

"Hindi lang po mahal. Mahal na mahal pa." Sagot ko at saka ngumiti ng matamis dahil naalala ko ang ngiti ng babaeng mahal ko.

"Alam kong mahal ka rin n'ya iho kaya hanggang sa huli binigyan pa rin n'ya ng liwanag ang buhay mo. Salamat sa inyo ni Alfritz. At salamat sa pagpapatawad mo." Masayang sabi ni lolo Juan.

"Tama po kayo. Pwede po ba pumunta sa hardin n'yo? Gusto ko pong sariwain ang masayang alaala namin ni Alfritz." Pag papaalam ko.

"Sige iho bukas ang tahanan ko at ang hardin ko para sa iyo." Masaya n'yang sagot at saka tinapik ang balikat ko.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon