TFH: 01

195 15 5
                                    

I. Hardin

<Terrence's POV>

Ako si Terrence Concepcion labing pitong taong gulang na ako. Hindi ako tulad ng mga tipikal na lalaking kaedad ko na astig, cool, mayaman o ano pa man. Simple lang akong lalaki, chinito, matangkad at maputi, matalino, suplado at seryoso ako palagi dahil na rin siguro sa ulila na ako sa ama at mga pinag daanan ko sa buhay. Namatay si tatay noong walong taong gulang pa lamang ako. Na-hit and run sya dahil sa sama ng loob noong makita ng dalawang mata n'ya si nanay na may kasamang ibang lalaki at magkahawak kamay pa silang dalawa..

Kitang kita ko noon kung paano sagasaan at takbuhan ng isang itim na kotse ang tatay ko. Wala silang puso at konsensya ni hindi man lang nila tinulungan ang tatay ko at hinayaan na mamatay sya sa harap ko.

Punong puno ng galit ang puso ko sa nangyaring pag kawala ni tatay. Ipinapangako ko sa sarili ko na gaganti ako sa bumangga sa kanya. Buhay ang kinuha nila buhay din ang dapat kabayaran sa ginawa nila.

At sa nanay ko na isa rin sa dahilan kung bakit ako nawalan ng tatay, araw araw n'ya akong pinahihirapan kapag nakikita ko ang mukha n'ya. Naalala ko ang mapait na sinapit ng ama ko. Kaya lumayas ako sa bahay namin at nanirahan kila lola ang nanay ng tatay ko.

Kinupkop ako ni lola Caridad; ina ng aking ama na may buong pagmamahal at pag aaruga para sa akin. Ibinigay ni lola ang kalinga at pagmamahal na hindi kayang ibigay na aking nanay. Pagmamahal na ipinagdamot n'ya sa amin ni tatay para lang sa lalaki n'ya. Isinusumpa ko pagbabayaran n'ya ang ginawa niyang pag traydor sa tatay ko.

"Terrence apo? Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala sa kwarto mo." Sabi sa akin ni lola  at umupo sa kama ko.

"Ah opo may ipaguutos ba kayo lola?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Pero may sasabihin ako sayo." Sagot n'ya.

"Ano po iyon lola?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam kong death anniversary ng tatay mo ngayon at hindi mo makalimutan yung nagyari sa kanya. Pero apo kaylangan mong matutunan mag patawad. Sigurado ako ayaw ng tatay mo na magkaroon ka ng sama ng loob sa nanay mo. At sigurado rin ako na ayaw ka n'yang lumaking masama." Payo ni lola.

"Lola ang hirap. Para nyo na ring sinabi na maliit na bagay lang ang pagkawala ni tatay." Malungkot na sabi ko.

"May awa ang diyos apo. Sa tamang panahon matututunan mo rin mag patawad." Payo ulit n'ya at saka lumakad palabas ng kwarto ko.

Hindi ko maintindihan bakit sinabi yun ni lola sa akin. Naguguluhan ako. Bakit ko kaylangan patawarin ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng tatay ko? Humingi man sila ng kapatawaran o hindi, hindi na nila maibabalik ang buhay ng tatay ko.

Sa sobrang sama ng loob ko ay lumabas ako ng bahay at nagpahangin. Naglakad lakad kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko at agad akong nag punta doon. Napakagandang hardin na puno ng mga makukulay at mababangong bulaklak, mga punong kay sarap akyatin at hitik sa bunga, mga damong berdeng berde, mga statwa ng anghel na tila ikaw ay nasa isang paraiso at payapang paligid nito. Ang sarap pagmasdan ng hardin na ito. Ang sarap din ng hangin na dumadampi sa pisngi ko mula sa paligid ng hardin.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon