TFH: 05

24 4 0
                                    

 

V. Inspirasyon

<Terrence's POV>

Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin at inaayos ko ang aking buhok ngayon kasi ang araw na sasagutin ako ni Alfritz pagkalipas ng isang buwan na pangliligaw ko sa kanya. Bawat araw naging pursigido akong ligawan si Alfritz. At tulad ng ipinangako ko sa kanya palagi ko s'yang pinapasan sa aking lukuran habang pauwi kami galing sa aming pagkikita.

Sabi ng ilan magastos ang mag mahal dahil kaylangan may dala kang tsokolate, bulaklak at teddy bear kapag aakyat ka ng ligaw sa isang babae. Bagay na hindi ko naibigay sa kanya. Pero sinikap ko na magipon mula sa aking baon sa school upang maibili ko s'ya ng rosas na kanyang paborito sa twing kami ay nagkikita. Hindi ko man sya mabili ng imported na tsokolate palagi ko naman s'yang binibilhan ng paborito n'yang ice cream sa twing may dadaan na sorbetero sa tapat ng hardin. Aminado ako na kulang pa iyon dahil gusto ko yung best para kay Alfritz kaya nga lalo akong nagsisikap mag aral at makakuha ng scholarship para sa future mabigay ko na lahat ng bagay na gusto at kaylangan n'ya.

Masaya rin ako kasi kahit na ganoon lang ang kaya kong ibigay sa kanya bilang manliligaw n'ya ay hindi pa rin s'ya nag babago. Simple at nakakaappreciate ng bagay na ibinibigay sa kanya. Kaya masasabi ko na hindi totoo ang sabi ng ilan na kapag nag mahal ka ay parang nagbubutas ka rin ng bulsa. Hindi iyon ang pinaramdam sa akin ni Alfritz. Pinaramdam nya sa akin na kahit sa simpleng bagay kaya nyang maging masaya at makuntento. At para sa akin walang katumbas na halaga ang pagmamahal mo para sa isang tao lalo na kung ngiti ang isinukli n'ya sa iyo.

"Apo tama na yang pag aayos mo ng buhok. Gwapo ka na." Pagbibiro ni lola Caridad.

"Si lola talaga. Lola tingin mo sasagutin ba ako ni Alfritz ng matamis nyang oo?" Tanong ko sa kanya.

"Aba sa gwapo ng apo ko sigurado akong oo." Masayang sagot ni lola.

"Si lola talaga binola pa ko." Natatawang sabi ko.

"Oh s'ya tama na yan iho. Baka mahuli ka na sa tagpuan nyo ni Alfritz mabasted ka pa n'ya." Pagbibiro ni lola.

Nag paalam ako sa kanya at umalis patungo sa Heaven's Gate garden dala ang isang kulay puting teddy bear na may pulang bulaklak sa tenga. Noong nakita ko itong maliit na teddy bear sa isang gift shop naalala ko agad si Alfritz dahil palagi n'yang nilalagay ang pulang rosas sa kanyang tengga sa twing binibigyan ko s'ya. Kaya naman nag ipon ako hanggang sa mabili ko ito.

Pagdating ko sa Heaven's Gate garden umupo ako sa swing at hinitay ang pag dating ni Alfritz. Mga ilang minuto pa dumating na s'ya at binigyan nya agad ako ng matamis na ngiti habang papalapit ito sa akin.

"Alfritz para sa'yo." Malambing sabi ko at iniabot ko sa kanya ang maliit teddy bear na dala ko.

"Salamat Terrence. Ang gwapo mo ngayon. Talagang pinaghandaan mo ang pambabasted ko sa'yo." Seryosong sabi n'ya bagay na ikinagulat ko.

"Okay lang basta masaya ka." Malungkot na sagot ko at saka yumuko para hindi nya makita ang reaksyon ko.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon