TFH: 16

18 1 0
                                    

XVI. College Life

 

<Terrence's POV>

Dumating ang araw ng pasukan at balik klase na naman ako bilang isang Third Year college student sa university na pagmamay ari ni nanay Monica, ang Dra. Ancheta's College of Medicine. Kumuha ako ng kursong orthopedics na bihasa sa pang gagamot ng mga sakit sa buto, joints at muscles na sanhi ng sakit o mga aksidente tulad ng pagkabangga ng sasakyan.

Tatlong taon na agad ang lumipas simula noong nawala sa akin si Alfritz. Hindi ko akalain kaya kong mamuhay ng ganito katagal ng wala s'ya. Dahil pakiramdam ko sa bawat araw na lumipas ay katumbas ng isang taong pangungulila ang katumbas para sa akin. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon dahil matutupad na ang pangarap kong maging isang doktor o orthopedist. Pero nakakalungkot rin dahil hindi na ito makikita ni Alfritz sabay pa naman naming pinangarap at ipinangako sa isa't isa na magiging doktor ako at s'ya ang nurse. Pero sa kasamaang palad iniwan na n'ya ko. At ako na lang ang mag isang tumutupad sa pangako.

Pagkarating ko sa university ipinark ko ang aking blue na sports car na binigay sa akin ni nanay. Pagkatapos ako bumaba ako ng aking sasakyan. Napansin ko na lahat ng atensyon ng mga estudyante ay sa akin nakatuon. Karamihan ng babae ay nakatingin sa akin ng malagkit habang ang iba naman ay napatili. Hindi ko alam kung ano bang nakita nila sa akin eh katulad rin naman ako ng ibang estudyante na naka suot ng uniform pang doktor.

Sa tatlong taong pagpasok ko sa paaralang ito naiilang pa rin ako sa mga tingin at attensyon na nakukuha ko sa mga kapwa ko estudyante. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Ilang taon akong nabuhay ng simple kasama si lola Caridad hindi ko alam na ganito pala ang buhay mayaman. At hindi pa rin ako makapaniwala kahit tatlong taon na ang lumipas ay nagbago ang buhay ko ng ganito.

Lumakad ako papunta sa aking claasroom at inisip ko na lang na walang mga taong nakasubaybay ang tingin sa akin para hindi ako mailang. Pero sa bawat daraanan ko ay tila humahawi sila na para bang may daraan na prinsipe. Hindi talaga ako sanay ng ganito.

Sa unti unti kong paghakbang ay nagtilian at kilig na kilig ang mga babae na akala mo nakakita ng artista. Meron pang sumisigaw na "akin ka na lang," "crush na kita," "ang gwapo mo." At ang mas malala may nahimatay pa sa sobrang kilig. Nakakainis lang dahil ganito ba ka weird ang mga estudyante sa school ni mama para maging ganyan ang pag salubong nila sa akin? Noon naman hindi ako tinitilian ng ganito ng mga babae. Pero sa bagay iba na ngayon dahil para na akong isang prinsipe na may magarang kasuotan at pamumuhay.

Pero kahit marami na ang nag bago sa buhay ko tulad ng magarang sasakyan, pananamit, pananalita, masaganang pamumuhay at mga babaeng patay na patay sa akin hindi pa rin ako magiging masaya at kumpleto dahil wala si Alfritz sa tabi ko. At kahit sino pang babae ang iharap sa akin ng pagkakataon si Alfritz pa rin ang nag iisa at mangingibabaw sa lahat.

Mga ilang saglit ay may humarang sa daraanan ko na na isang magandang babae sa harap ko mistisa at maganda ang katawan dahil sa suot nitong maiksi at fitted na uniform.

"Hi handsome you're so hot today." Malanding sabi n'ya at nagflying kiss pa sa akin bago umalis.

Nakadrugs ba ang babaeng iyon? Hindi ko naman s'ya kilala kinausap ako.

Pagkatapos ng paglalakad ko ay nakarating ako sa aking classroom. Naabutan ko pang ang magugulo at maliligalig na estudyante sa loob na biglang tumahimik at napatigil sa kanilang ginagawa dahil sa pag dating ko. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at narinig ko ang bulong bulungan ng mga kaklase kong babae.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon