TFH: 04

34 4 0
                                    

IV. Pag amin

 

<Terrence's POV>

Lumipas ang isang araw matapos ang aking klase nag punta na naman ako  sa heaven's gate garden para katagpuin si Alfritz.

Napansin ko na wala pa ang dalaga kaya pinuntahan ko muna si lolo Juan sa kanyang bahay upang kumustahin.

*toktok

"Pasok." Sabi ni lolo Juan.

Pumasok ako sa bahay ni lolo Juan at nakita ko s'yang nakaupo at nagbabasa ng dyaryo habang may nakalapag ng isang tasa ng kape at biskwit sa ibabaw ng mesa sa kanyang harapan.

"Magandang hapon po lolo Juan. Kumusta na po kayo?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Mabuti naman ako iho. Mag meryenda ka muna." Pag aaya niya.

"Salamat po lolo tapos na po akong kumaen. Eh 'yung sugat nyo po magaling na po ba?" Nag aalalang tanong kong muli kay lolo Juan.

"Medyo mabuti na iho. Salamat sa ginawa mo." Tipid na sabi niya.

Ngumiti na lamang ako bilang tugon.

"Iho matagal na ba kayong magkakilala ni Alfritz?" Biglaang tanong ni lolo Juan sa akin.

"Hindi po lolo. Noong araw na una akong nagpunta sa inyong hardin ay 'yon din ang araw na nakilala ko po si Alfritz." Magalang na sagot ko.

"Iho lagi ko kayong sinisilip dito sa bintana. At nakikita kong espesyal s'ya sa iyo." Sabi ni lolo Juan habang nakatingin sa mga mata ko.

"Naku lolo mag kaybigan lang po kami." Sabi ko sa kanya at saka nag iwas ng tingin. Tumawa ng malakas si lolo Juan sa hindi ko malamang dahilan.

"Lolo doon lang po ako sa hardin. Baka po kasi andoon na si Alfritz." Pag papaalam ko. Tumango naman si lolo Juan bilang sagot.

Naglakad ako palabas ng bahay ni lolo Juan at nagtungo sa swing para doon hintayin si Alfritz. Hindi pa rin kasi s'ya dumarating.

Sa paghihintay ko umaasa ako na darating si Alfritz handa akong mag hintay kahit ilang oras makasama at makita ko lamang s'ya. Ngunit habang umaandar ang oras wala pa rin si Alfritz. Nag aalala ako kung bakit wala pa rin s'ya hanggang ngayon sa hardin. Ano na kaya ang nagyari sa kanya at ano kayang dahilan bakit wala pa s'ya.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tawagan s'ya. Dinial ko ang number nya pero hindi ito nag ring. Marahil lowbatt s'ya o baka wala lang signal sa kanila. Kaya naman tinext ko na lang s'ya at nag baka sakali na mabasa nya.

"Sana makapunta ka. Andito na ko sa heaven's gate." Text ko sa kanya.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon