TFH: 07

27 7 0
                                    

VII. Heartbeat

<Terrence's POV>

Kinabukasan, pagkauwi ko galing sa school may iniabot sa aking sulat si lola Caridad. Binasa ko ang nakasulat sa sobre at nalaman kong galing ang sulat sa Dra. Ancheta's College of Medicine kung saan ako nag exam para sa pagpasok ko sa kolehiyo. Excited kong binuksan ang sobre at binasa ko ng dahan dahan ang sulat.

"Oh iho anong sabi sa sulat? Nakapasa ka daw ba?" Excited na tanong ni lola Caridad.

"Yes! Opo lola nakapasa po ako sa exam at pinapapunta nila ako doon sa exam para sa interview." Masayang masayang sagot ko.

"Ang galing talaga ng apo ko. Pagbutihan mo pa lalo ha? Congratulations apo." Masayang bati ni lola.

"Opo lola gagalingan ko po lalo. Lola ibabalita ko po 'to kay Alfritz." Masayang masayang sagot ko.

"Oh sige iho sigurado ako na magiging masaya s'ya. Lumakad ka na iho puntahan mo na s'ya." Masayang sabi ni Lola.

"Salamat lola." Masayang masayang sagot ko.

Hindi na ako nakapagpalit ng damit sa sobrang excited kong ibalita ito kay Alfritz. Napatakbo na lang ako papuntang Heaven's Gate ng nakasuot ng uniporme dala ang sulat mula sa unibersidad.

Pagkarating ko ng Heaven's Gate umupo ako sa swing para hintayin si Alfritz. At sa sobrang saya ko hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko dinuduyan ako sa cloud nine dahil sa sobrang saya. Unti unti ko na rin maabot ang pangarap kong maging doktor.

Mga ilang saglit pa ay natanaw ko si Alfritz kaya sinalubong ko na s'ya sa sobrang excited kong ibalita sa kanya ang tungkol sa exam ko.

"Mahal ko. Nakapasa ako sa exam. Eto oh." Masayang masayang sabi ko habang iwinawagayway ko ang sulat.

"Talaga patingin nga?" Masayang tanong nya.

Binigay ko sa kanya ang sulat habang naglalakad kami papunta sa swing ay binabasa nya ang laman ng sulat.

"Oo nga mahal ko. Ang galing mo namang congrats." Masayang bati n'ya sa akin.

"Tara punta tayo kay lolo Juan ibalita natin to sa kanya." Pag aaya ko.

Masaya kaming nagpunta sa bahay ni lolo Juan. Nag makarating kami ni Alfritz ay kumatok ako sa pinto ng bahay nya.

*tok tok

"Pasok!" Sabi ni lolo Juan.

Pumasok kami sa loob ng kanyang bahay at nadatnan namin s'yang nag kakape.

"Oh iho ang anong sadya nyo?" Tanong ni lolo Juan.

"Lolo nakapasa po ako sa exam para sa kolehiyo magiging doktor na rin po ako pag graduate ko at dahil po iyon sa inyo ni Alfritz. Kung hindi po ako nagpunta dito sa hardin nyo  hindi ko po makikilala si Alfritz na s'yang inspirasyon ko ngayon." Masayang sabi ko kay lolo.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon