TFH: 12

22 2 0
                                    

XII. Aksidente

<Terrence's POV>

Nakahiga s'ya sa kama at pinapalibutan ng mga doktor at nurse. Maraming aparato na rin ang nilagay sa kanyang sugatan na katawan. Nagkaroon din ng mantsa ng dugo ang kanyang damit. Nagkalat din ang mga luha sa kanya maamong mukha.

Punong puno ng pag sisi at paghihinagpis ang aking puso sa mabilis na nangyari. Sana hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sana hindi ko na lang s'ya pinag salitaan ng makakasakit sa dadamin n'ya. Sana hindi ako nag padala sa aking galit hindi sana ito nangyari sa kanya Nang dahil sa akin kung bakit s'ya nagbangga ng sasakyan. Kung naging maingat lang sana ako ay hindi s'ya nakaratay ng duguan sa higaan ng ospital.

Hindi ako umalis sa kanyang tabi. Nakasubabaybay ang aking paningin sa kanyang muling pag gising. Habang pinang dadasal ko na sana ay maligtas s'ya sa panganib.

Walang tigil ang aking mata sa pag luha at pag hihinagpis sa nangyari. Heto na naman ang sakit sa aking puso na pinaramdam sa akin noon ng mapait na kapalaran. At lalo itong sumasakit dahil ako ang may kagagawan ng lahat.

Pansamantala akong pinaalis ng doktor sa tabi ni Alfritz. Hindi ako umalis sa harap ng pintuan kung saan s'ya binibigyang lunas ng mga doktor. Pakiramdam ko wala akong magawa para tulungan ang babaeng mahal ko. Sana ako na lang ang nabangga at hindi s'ya. Sana ako na lang ang nahihirapan at nasasaktan.

Lumipas ang mga oras lumabas ang mga doktor at nurse sabi ay nasa mabuting lagay na si Alfritz. Pumasok ako ng kanyang kwarto at nakita ko ang kanyang kalagayan. Bakas sa maamo n'yang mukha ang paghihirap at sakit. Hindi rin ako sanay na nakikita ko s'ya ngayon sa ganitong kalagayan taliwas ito sa pagiging masiyahin nya at masigla.

Nilapitan ko s'ya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Nagsimulang tumulong muli ang aking mga luha. Unti unting sumisikip ang aking dibdib parang hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ikamamatay ko na ang nangyari sa kanya. Hinalikan ko ang kanyang kamay at kinausap s'ya.

"Mahal ko, patawad hindi sana ito nangyari sa'yo. Ako na lang sana ang nakahiga dyab ngayon at hindi ikaw. Kasalanan ko itong lahat." Nag hihinagpis na sabi ko at saka ko hinalikan ang kanyang malambot na kamay.

"Ayaw kitang makita sa ganyang kalagayan. Kaya sana gumaling ka na agad. Diba sabi mo gusto mong ipakilala kita sa nanay ko. Sabi mo gusto mong patawarin ko si lolo Juan." Sabi ko muli sa kanya habang patuloy pa rin sa pag iyak.

"Marami pa tayong gagawin Alfritz. Magiging nurse ka pa at ako doktor. Ikakasal at mag kakaanak pa tayo diba? Kakantahan mo pa ako diba? Sasayaw pa tayo diba? Yayakapin mo pa ako, pangingitin mo pa 'ko, kakaen pa nga tayo ng paborito mong ice cream eh. Bumangon ka na Alfritz. Paano ko gagawin iyon kung andyan ka." Dagdag ko.

At mas lalong bumuhos ang aking mga luha na parang isang malakas na ulan at hindi ko na ito kaya pang pigilan. Hinaplos ko sa aking mukha ang malambot n'yang kamay at ipinikit ko ang aking mata. Naramdaman ko ang matinding sakit hanggang sa kailaliman ng aking puso. Ayaw kong mawala si Alfritz. Ayaw kong mawala ang mahal ko. Hindi ko kaya at hindi ko kakayanin ang wala s'ya.

Mga ilang sandali ay bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito ang mag asawang Mendoza na naghihinagpis sa nangyaring aksidente sa kanilang anak. Agad itong lumapit kay Alfritz at hinagkan ito at lalo akong naiyak sa nakita kong iyon. Hanggang sa tumingin sa akin ang papa ni Alfritz at alam kong galit ito. Lumapit ito sa akin at buong lakas n'yang hinablot ang aking kwelyo.

"Kasalanan mo to! Una pa lang ayaw ko na sa'yo para sa anak ko. Umalis ka dito! Hindi ka kaylangan ng anak ko!" Sigaw nito sa akin

"Patawad po. Maawa po kayo ayaw ko pong lumayo kay Alfritz. Gusto ko po s'yang bantayan." Pag mamakaawa ko. Patuloy pa ring dumadaloy ang mga luha sa pisngi ko.

"Walang magagawa 'yang sorry mo! Umalis ka na!" Sigaw nitong muli.

"Hindi po ako aalis. Dito lang ako sa tabi n'ya. Pinangako ko sa kanya hindi ko s'ya iiwan." Buong tapang na sagot ko habang patuloy pa rin ako sa pag luha.

Kinaladkad ako ng papa ni Alfritz palabas ng ospital. At sinabi sa mga guardiya na 'wag akong papasukin. Nanatili ako sa labas ng ospital, nakatulala at nag hihinagpis.

****

Lumipas ang mga araw, palagi akong nag aabang sa labas ng ospital nag babaka sakali na makita ko si Alfritz. Gusto ko s'yang makita at salubungin sa kanyang pag galing. Gusto ko s'yang yakapin at masilayan ang kanyang matamis na ngiti.

Isang araw, sa aking matiyagang paghihintay kay Alfritz sa labas ng ospital nagdilim ang kalangitan at nagbabadyang bumuhos ang ulan. Pero hindi pa rin ako sumuko at nanatili akong naghahantay sa labas ng ospital at baka sakaling makita ko man lang kahit sandali si Alfritz. Hanggang sa tuluyang bumuhos ang malakas ng ulan at lumamig na rin ang paligid. Hindi ako nag patinag at hindi ko ininda ang malakas na ulan sa kabila ng pagkabasa at panlalamig ko. Sandali akong umuwi sa amin para magpalit ng damit. Pagkarating ko sa bahay ay nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina at ako'y tuluyang nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako na nakahiga na ako sa aking kama at nakita ko si lola Caridad ng puno ng pag aalala habang nikalagyan n'ya ng basang bimpo ang aking noo.

"Hanggang sa iyong pagpikit ay si Alfritz ang hinahanap hanap mo. Magpagaling ka iho. Pag galing mo magkikita na kayo ni Alfritz." Nag aalalang sabi ni Lola.

Hinawakan ko ang kamay ng aking lola Caridad para kumuha ng lakas ng loob para harapin ang mga susunod na araw. Ipinikit ko ang aking mata, nakita ko ang matamis na ngiti ni Alfritz at may tumulo na namang sa aking pisngi ang mga luha.

Pag galing ko mula sa sakit ay hindi ako nag atubiling pumunta sa ospital kung saan ko madalas hintayin si Alfritz.

Buong araw ko s'yang hinintay at baka sakaling makikita ko na s'yang muli. Pero nabigo lamang ako. Umalis ako ng ospital ng malungkot at mabigat ang pakiramdam dahil hindi ko nakita si Alfritz.

Naisipan kong dumaan sa kanilang bahay at nakita ko si nana Iska na nagtatapon ng basura sa kanilang tapat. Nilapitan ko si nana Iska para itanong kung nasa maayos na bang kalagayan si Alfritz.

"Nana Iska. Kumusta na po si Alfritz? Tulungan n'yo po ako gusto ko s'yang makita." Pag mamakaawa ko.

At sa hindi inaasahan pangyayari nagsimula ng gumuho ang mundo ko.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon