TFH: 06

43 4 0
                                    

VI. Pamilya Mendoza

<Terrence's POV>

Dumating ang araw ng exam at kasalukuyan akong hinahanap ang room kung saan gaganapin ang exam dito sa Dra. Ancheta's College of Medicine kung saan pangarap kong makapasok at makakuha ng scholarship. Nang makita ko na ang room na iyon pumasok na ako at umupo sa arm chair.

Mga ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng goodluck text mula kay Alfritz. Dahilan para matanggal ang kaba ko. Nang dumating na ang propesor na mag bibigay ng exam ay huminga ako ng malalim at saka tinanggap ang iniabot nyang test paper. Sinagutan ko ito sa loob ng kanilang itinakdang oras. Bawat tanong ay binasa at inintindi kong mabuti para masagutan ko ng tama. Dahil katumbas ng tamang sagot ay isang hakbang patungo sa pangarap ko.

Nang matapos ang oras ng pag sasagot ipinasa naming lahat ang test paper. Sabi ng propesor tatawagan na lang daw ang mga nakapasa sa exam para sa schedule ng interview at pag apruba ng scholarship.

Umuwi ako matapos ang exam at nag umidlip para makabawi ng tulog para sa mga araw na puyat ako sa pag review. Kinuha ko ang cellphone ko at inalarm ko ito para hindi ako mahuli sa usapan namin ni Alfritz. Tinext ko din s'ya para hindi s'ya mag alala sa akin.

Nang magising ako nag ayos at nag linis muna ako ng aking sarili at saka ako nag paalam kay lola na pupuntahan ko si Alfritz sa Heaven's Gate garden. Naglakad ako papunta doon hanggang sa makarating ako. Napansin ko na wala pa si Alfritz kaya umupo muna ako sa swing para hintayin s'ya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na si Alfritz bakas sa kanyang mukha na excited s'yang ipakilala ako sa kanyang magulang. Lumapit s'ya sa akin at saka ngumiti.

"Kumusta exam mo mahirap ba?" Tanong n'ya.

"Madali lang. May inspirasyon kasi ako eh." Malambing na sabi ko sa kanya.

"Binobola mo ko eh. Teka saang school ka ba nag exam?" Nagtatakang tanong nya.

"Hindi kita binobola. Sa Dra. Ancheta's College of Medicine." Masayang sabi ko at saka ko s'ya kinindatan.

Napatawa lang s'ya sa ginawa ko. At walang duda na ang ganda n'ya pa rin kahit wala s'yang pakundangan sa pag tawa.

"Teka anong oras ba tayo pupunta sa inyo? Sabi mo ipapakilala mo ako sa parents mo." Tanong ko sa kanya.

"Oo nga s'ya tara na." Pag aaya n'ya

Pinasan ko sya sa aking likuran tulad ng pangako ko sa kanya na araw araw ko s'yang ipapasan. Lumakad ako papunta sa kanila habang si Alfritz naman ay tinuturo sa aking ang daan. Hanggang sa makarating kami sa isang maganda at malaking bahay na kulay puti at may kulay pulang gate.

"Ibaba mo na ko." Masayang sabi n'ya.

Binaba ko s'ya mula sa pagkakapasan sa aking likuran. Pagkababa ni Alfritz ay pinindot nya ang door bell na nasa gilid ng gate.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon