TFH: 17

26 1 0
                                    

XVII.  Red Rose

 

Isang nakatalikod na babae at nakasuot ng puting dress ang nakita ko mula sa sa isang magandang hardin. Kay ganda ng hardin maraming halaman, puno at ibat ibang kulay na bulaklak. Napatingin din ako sa kalangitan at pinagmasdan ang ganda nito dahil naghahalo ang kulay bughaw at puti. Hindi rin gaanong kainitan ang sikat ng araw pero nananatili ang liwanag nito.

Nilapitan ko ang babaeng nakatalikod at hinawakan ko s'ya sa sa kanyang balikat. Dahang dahang humarap sa akin ang babae at nakita ko ang kanyang maamo at mala-anghel na mukha. Ang tamis pa rin ng ngiti n 'ya katulad ng dati.

"Terrence mahal ko." Masayang bangit n'ya sa pangalan ko.

Parang musika sa pandinig ang pagtawag n'ya sa akin nananatili pa rin sa kanya ang malambing na boses. Pakiramdam ko kinukuryente ang buo kong katawan dahilan para tumibok ng malakas ang puso ko. Niyakap n'ya ako ng mahigpit, binaon n'ya ang kanyang mukha sa aking dibdib at mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Alfritz. Mahal ko." Masayang bangit ko sa pangalan n'ya habang magkayakap kaming dalawa.

Mga ilang sandali pa ay bumitaw s'ya sa akin at naglakad papunta kung saan nakatanim ang pulang rosas na paborito n'ya. Pipitasin n'ya sana ito pero pinigilan ko agad s'ya.

"Huwag!" Sigaw ko sa kanya at agad ko s'yang nilapitan.

Ngumiti lang s'ya ng matamis sa akin katulad ng kanyang ginagawa.

"Ako na ang pipitas para sa'yo baka masugatan ka matinik pa naman ang mga iyan." Nag aalalang sabi ko at akmang pipitasin ko ang pulang rosas.

"Don't worry sa langit hindi na muli akong masusugatan, hindi na ako masasaktan." Sabi n'ya at saka ngumiti ng mas matamis at tuluyan n'yang pinitas ang pulang rosas.

"Ilagay mo naman ito sa gilid ng tenga ko Terrence." Malambing na pakiusap n'ya at iniabot n'ya sa akin ang rosas na pinitas n'ya.

Hinawi n'ya ang kanyang mahaba at malambot na buhok. Nilagay ko ang rosas sa kanyang gilid ng tenga at pinagmasdan ko ang kanyang natatanging kagandahan.

Pagkatapos kong ilagay ang rosas sa kanyang tenga lumakad s'ya bigla palayo sa akin.

"Alfritz!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon s'ya sa akin at nag salita.

"It's time to say goodbye Terrence." Pagpapaalam n'ya. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.

"Sasama ako Alfritz. 'Wag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita Alfritz. Pangako mo sa akin hindi mo ako iiwan. Bakit ka pa aalis? Dito ka na lang pakiusap." Pag mamakaawa ko. Unti unting gimilid ang mga luha ko hanggang sa naramdaman kong tumulo ang mga ito.

"Hindi pwede. Hindi pa ito ang tamang oras." Sagot n'ya sa akin at patuloy pa rin s'ya sa paglakad.

Tumakbo ako ng mabilis at pinilit ko s'yang habulin. Pero kahit anong pilit kong pagtakbo ko parang hindi ako umaalis sa kinalalagyan ko habang s'ya ay patuloy na palayo sa akin. Lalo akong umiyak at nag makaawa sa kanya. Lumingo s'ya sa akin at tumakbo palapit sa akin. Hinaplos n'ya ang mukha ko at pinunasan n'ya ang mga luha ko.

"Pilitin mong maging masaya Terrence habang wala ako. Ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Sa takdang panahon magsasama tayo at magiging masaya habang buhay." Sabi n'ya sa akin at ngumiti ulit ng matamis.

Inilagay n'ya sa kamay ko ang rosas mula sa kanyang tengga at tuluyang lumakad palayo sa akin hanggang sa tuluyang lumiwanag ang paligid. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw dahilan para hindi ko makita ng maayos si Alfritz dahil sa sobrang liwanag na masakit sa mata.

Unti unting nawala ang liwanag kasabay ng paglaho ni Alfritz. Iniwan na naman n'ya ako. Naramdaman ko na namang tumutulo ang luha ko hanggang sa may naramdaman akong kakaibang bagay sa kamay ko dahilan para imulat ko ang mata ko.

Nagising ako mula sa isang panaginip at naramdaman kong totoo ang luha ko at nananatili itong tumutulo mula sa mga mata ko. Tiningnan ko ang kakaibang bagay na hawak ng kamay ko na s'yang dahilan ng aking pag gising. Nalaman ko na isang petal ng pulang rosas ang hawak ko. Tila isang totoong pangyayari ang panaginip ko kanina.

Nagpunta ako sa aking study table at inilagay ko ang petal sa pahina ng aking notebook. Tanda ng isang alala namin ni Alyana. Alaala na hinding hindi ko makakalimutan.

Matapos kong ipitin ang petal sa aking notebook ay bumalik ako sa aking kama para humiga. Hindi ako nakaramdam ng antok at inisip ko na lang ang aking panaginip.

Sa pangalawang pagkakataon iniwan na naman ako ng babaeng mahal ko. Ang sakit pa rin at sariwa pa ang sugat na dulot nito kahit tatlong taon na pala ang lumipas ng kanyang pagkawala. Ayaw n'ya akong nakikitang umiiyak pero ano ang gagawin ko hindi madali ang mabuhay ng wala s'ya. Kahit anong isipin ko kahit anong gawin ko hindi pa rin ako maka let go. Umaasa pa rin ako sa bagay na imposibleng mangyari.

Tatlong taong akong nagpatuloy sa aking buhay ng wala s'ya. Pinilit kong isubsob ang sarili ko sa pag aaral ko bilang isang doktor. Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa ibang bagay para maging masaya. Tatlong taon kong tiniis ng wala s'ya sa piling ko. Tatlong taon akong nakakulong sa nakaraan at umaasa na balang araw makakasama ko s'yang muli at habang buhay kaming magiging masaya. Sabi n'ya sa panaginip ko darating ang araw na magsasama kaming muli at hindi maghihiwalay habang buhay. Pero kaylan? Kaylan mangyayari ang bagay na imposible? Magkaiba na kami ng mundong ginagalawan. Nasa kalangitan na s'ya at ako ay nananatili dito sa lupa. Pinilit kong mag let go at mag move on pero hindi ko talaga kaya. Ayaw ko s'yang bitawan. Hindi ko s'ya kayang kalimutan. Hindi ko s'ya kayang ipagpalit sa iba. Siya lang ang lahat sa akin. Siya lang ang babaeng mamahalin ko.

Pumikit ako at nakita kong muli si Alfritz na nakangiti sa akin at may hawak na pulang rosas at naalala kong muli ang sinabi n'ya.

"Pilitin mong maging masaya Terrence habang wala ako. Ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Sa takdang panahon magsasama tayo at magiging masaya habang buhay." Sabi n'ya sa akin at ngumiti ulit ng matamis.

Minulat kong muli ang mga mata ko at doon ko naintindihan ang nais n'yang ipahiwatig sa aking panaginip. At ito ang gagawin ko para sa kanya. Para sa ikakasaya n'ya. Maglelet go na ako, mag momove-on at isusuko ko na s'ya ng buong puso sa lumikha.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon