TFH: 14

20 1 0
                                    

XIV. Days without her

 

<Terrence's POV>

Sa bawat araw na lumilipas hindi ko pa rin kaya ang mag let go sa alala naming dalawa hanggang sa ngayon hindi ko pa rin kaya ang mag move on. Bawat araw ay lalong nagiging mahirap para sa akin na tanggapin na wala na ang babaeng mahal ko. Hindi ko alam paano ako makakangiti muli at maging ang pangarap ko bilang isang doktor ay hindi ko na yata kayabg tuparin. Ang hirap palang buoin ang isang pangrap mag isa lalo na kung binuo n'yo ito ng magkasama. Kaya para maibsan ko ang aking pangungulila sa kanya araw araw ko s'yang dinadalaw sa kanyang puntod. Lagi ko rin s'yang binibigyan ng bulaklak. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat ng ito at buhay muli si Alfritz pero sa twing nakikita ko ang kanyang puntod ang hirap pala talagang tanggapin ng katotohanan na wala na talaga s'ya.

Nakalumutan ko na ring ngumiti sa pag kawala n'ya. Alam kong kapag nasa tabi ko s'ya hindi nya nanaisin na malungkot at sumimangot ako. Alam kong ayaw nya na nagiging ganito kagulo ang buhay ko ngayon. Ayaw n'ya kong makitang hopeless at parang patapon na nag buhay ko. Pero hindi ko talaga maiwasan ang magkaganito. Araw araw ko rin sinisisi ang sarili ko sa pag kawala n'ya. Araw araw ko rin sinasabi sa sarili ko na "okay lang, kaya mo 'yan." Kahit na alam kong hindi ako okay at hindi ko na kaya pa. Paano ko kakayanin kung namatay ang babaeng mahal ko?  Kaylan pa naging okay ang pagkawala ng taong mahal mo?

Pinipilit kong magtapangtapangan at ipakita kay lola Caridad na ayos lang ako na matapang ako kahit ang totoo durog na durog na ako. Minsan dumating pa sa punto na nag cut ako ng klase ko dahil gusto kong mapag isa. Naranasan ko rin ang uminom ng alak paminsan minsan para kahit man lang saglit maging manhid ang pakiramdam ko sa sakit ng nararamdaman ng dibdib ko. Aminado ako na bawal pa sa akin ang mag inom dahil sa minor de edad pa ako. Pero nag papanggap ako na 18 anyos para lang makabili noon. At iniinom ko iyon mag isa sa tabi ng puntod ni Alfritz hanggang sa makatulog ako.

Pero sa twing mapapadaan ako sa heaven's gate garden kung saan kami nag kakilala ni Alfritz, lahat ng sakit ay bumabalik sa akin. Naalala ko pa 'yong mga masasayang araw na kasama ko s'ya kumakaen kami ng mga luto ni lola Caridad at lagi ko s'yang binibilhan ng paborito n'yang ice cream. Naalala ko rin ang binaon naming sulat sa tapat ng puno ng narra pero hanggang ngayon isang buwan na ang lumipas hindi ko pa rin ito nababasa dahil sa wala akong lakas ng loob para basahin iyon. Alam ko kapag binasa ko ang sulat n'ya para sa akin ay mas malulungkot lang ako. Higit sa lahat hindi ko pa rin mapatawad ang may ari ng hardin na s'yang bumangga sa tatay ko kaya ito namatay.

Hindi ko alam kung kaylan ko kayang patawarin ang mga taong dahilan ng masakit at madilim kong nakaraan. Pero dahil alam kong iyon ang gusto ni Alfritz noon buhay pa s'ya pinipilit kong alisin sa puso ko ang galit na matagal kong ng tinanim. Mahirap magpatawad ng isang taong may malaking kasalanan sa iyo at kahit ilang taon pa ang lumipas sa twing makikita mo ang mga taong dahilan ng pagluha mo andoon pa rin ang sakit andoon pa rin ang galit. Tila isang sugat na hindi gumagaling at patuloy lang ang pagdurugo kahit na lumipas na ang panahon.

Dahil doon lagi akong humihing ng gabay sa diyos at kay Alfritz na sana matutunan ko nga ang mag patawad alang alang sa babaeng minamahal ko. Kahit man lamang sa huli ay matupad ko ang kanyang kahilingan na patawarin ang mga taong nanakit sa akin at mag simula muli ng panibagong buhay kasama sila ng masaya at wala ng kinikimkim na galit. Pangarap din ni Alfritz na makilala ang nanay ko noong nabubuhay pa s'ya. Pero dahil sa galit ko sa aking ina ay ipinag kait ko ito sa babaeng mahal ko. Sa kabaitan at pag mamahal sa akin ni Alfritz alam kong hindi n'ya deserve ang biguin ko s'ya at hindi rin n'ya deserve ang kanyang pagkamatay. Kaya sana matutunan ko nang magpatawad sa mga taong ninais n'yang makilala at makasama.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon