EPILOGUE

41 3 0
                                    

EPILOGUE

Terrence's POV

     Halos tatlong buwan ko nang hindi nakikita si Alfritz magmula ng manumbalik ang kanyang alaala. Mukhang hanggang ngayon ay gusto pa rin n'yang mapag isa.

     Kasalukuyan akong nasa Heaven's Gate garden at nakaupo sa swing kung saan kami nagkakilala ni Alfritz. Hindi ko maiwasan ang umiyak dahil natatakot ako na baka sa pangalawang pagkakataon ay mawala na naman s'ya sa akin.

     Mga ilang sandali pa ay may narinig ako na tila sumisitsit. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag iyak. Hanggang sa may bumato sa akin at natamaan ako sa ulo. Nilingon ko ang bumato sa akin at nakita ko si Alfritz sakay ng kanyang wheelchair habang nasa likuran niya ang kanyang magulang.

"Masakit ba? Sorry.. Hindi ka kasi nalingon." Sabi nito at saka ngumiti ng natamis.

     Nang makita ko ang kanyang matamis na ngiti, nabuhayan ako ng loob mula sa pangamba. Pakiramdan ko lumakas ako at parang milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko. Muli ring tumibok ang puso ko ng mabilis at malakas. Tibok na s'ya lamang ang dahilan kung bakit ganito ito.

     Itinulak ng kanyang magulang ang wheelchair ni Alfritz, anim na hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan.

"Thanks mama and papa." Sabi ni Alfritz bakas sa mata nito ang kasiyahan.

     Tumango naman ang kanyang magulang at ngumiti. Nilapitan din ako ng kanyang magulang at saka ako tinapik sa aking balikat. Pagkatapos ay lumabas ito ng hardin para iwan kaming dalawa ni Alfritz.

"Natatandaan mo pa ba? Dito tayo unang nagkakilala. Binato pa kita noon dahil hindi mo ako pinapansin." Natatawang kwento ni Alfritz.

"Kahit kaylan hindi ko nakalimutan ang mga bagay na nagpapaalala sa'yo." Sagot ko.

"Salamat, hindi ka sumuko at pinatunayan mo sa akin kung gaano mo ako kamahal." Sabi niya.

"Masaya ako dahil nandito ka na. I love you Alfritz." Sabi ko.

     Tumulo muli ang luha sa aking mata. Sa pagkakataong ito, luha na ng kaligayahan ang lumalabas sa mata ko. Dahan-dahan ko sana s'yang nilapitan pero sa ikatlong hakbang ko at pinigilan n'ya ako.

"Huwag kang lalapit!"  Sigaw niya.

     Unti-unti s'yang tumayo sa kanyang wheelchair na mas ikinamangha ko dahil nakakaya na n'yang tumayo. Ngumiti ako sa kanyang ginawang pagtayo. Pero mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang hakbang siya palapit sa akin. Niyakap ako ni Alfritz ng mahigpit at ganoon din ako sa kanya. Ang sarap ng pakiramdam ng mayakap kong muli ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinangarap kong makasama habang buhay.

"I love you too.. Terrence." Malambing na sabi n'ya.

     Hinawakan ko ang kanyang maamong mukha at hinaplos ito. Bakas sa kanyang mata ang matinding kasiyahan. Dinampi ko sa kanyang mapupulang labi ang labi ko. Sinelyuhan ko ng matamis na halik ang pag-ibig ko para sa kanya.

     Hindi ko inakala na sa ganito kasayang pangyayari matatapos ang lovestory naming dalawa. Humadalang ang tadhana at pinaglaruan n'ya kami ni Alfritz. Ang inakala kong namatay na ang babaeng pinakamamahal ko ay buhay pa pala. Maraming taon akong nangulila sa kanya. Pero nang dahil sa pag-ibig namin ay pinagtagpo ulit kami.

     Natutunan ko na hindi masusukat ang pag-ibig sa kung gaano mo kadalas binabanggit ang salitang I love you. Ito pala ay nasusukat hanggang saan mo kayang patunayan ang salitang ito.  Doon ko naintindihan na hindi pala lahat ng luha at sakripisyo ay tumutukoy sa kalungkutan at hinagpis. Tumutukoy din pala ito sa kasiyahan. Isang bagay na matagal ko ng inaasam.

*The End*

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon