TFH: 09

19 5 0
                                    

IX. Hiling

<Terrence's POV>

Matapos ang nagyari, kinabukasan ay nag punta ako sa bayan para puntahan ang unibersidad na tinext sa akin ni Alfritz, St. Matthew State University. Sabi n'ya ay doon daw nag tuturo ang kanyang mama at gusto daw akong irefer nito para makakuha ng scholarship.

Pagdating ko sa unibersidad ay namangha ako sa laki nito. Doble ang laki kumpara sa pinangarap kong unibersidad noon. Pumasok ako sa building nitong unibersidad at nag punta ako sa information booth para hanapin ang mama ni Alfritz. Itinuro ako ng babae sa isang malaking opisina at kinatok ko ang pinto nito.

"Pasok!" Sabi ng tao sa kabilang pinto.

Pumasok ako at nakita kong nakaupo ang mama ni Alfritz. Ang laki ng kanyang opisina at mas nakakamangha dahil para na itong isang bahay na may sala, kusina at sariling banyo.

"Iho maupo ka 'wag kang mahiya." Masayang sabi ni ginang Sandra.

"Magandang hapon po ma'am Sandra." Magalang na bati ko sa kanya at saka ako umupo.

"Tita Sandra na lang iho. Boyfriend ka ng anak ko kaya hindi ka na rin iba sa akin." Sabi niya at saka ngumiti ng matamis.

Napansin ko na kamukha pala ni Alfritz si tita Sandra. Parehas silang may maamong mukha at mata na katulad ng sa manika. Parehas din sila ng ngiti at mukhang pati sa ugali ay pareho rin sila.

"Iho sinabi sa akin ni Alfritz ang tungkol sa nangyari sa iyo. Dahil pag mamay ari naman namin itong unibersidad na ito. Gusto sana kitang tulungan. Sabi kasi ni Alfritz matalini at masipag ka daw mag aral. Pero 'wag mo na sana itong ipaparating sa asawa ko." Sabi n'ya.

Naguluhan ako sa sinabi ni tita Sandra sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan n'ya kung bakit ayaw n'ya itong ipaalam sa asawa nya. Kaya tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi n'ya.

"Salamat iho. Sagutan mo na lamang 'tong exam at pagkatapos ay maari ka ng umuwi. Mag papadala na lang ako ng sulat sa resulta ng exam mo." Sabi ni tita Sandra. At inabot n'ya sa akin ang test paper.

Sinagutan ko ito ng may determinasyon at punong puno ng pag asa. Kaylangan ko itong ipasa para makapag aral sa kolehiyo at magkaroon ng scholarship para matupad ko ang mga pangarap ko.

Nang matapos kong sagutam ang exam, nag paalam ako sa mama ni Alfritz at nag pasalamat sa kabutihang pinagkaloob n'ya sa akin. Lumabas ako ng unibersidad ng may ngiti sa aking labi.

Hanggang sa may isang magara at kulay pulang kotse ang tumigil sa harap ko. Bumaba ang babae. At sa pangalawang pag kakataon nag krus muli ang aming landas.

"Tigilan mo nga ako sa pag sunod sa akin." Iritableng sagot ko.

"Wala akong planong guluhin ka anak. Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. At sana pag isipan mong mabuti ang sinabi ko sa iyo. Alam mo na kung saan mo ako hahanapin." Malungkot na sabi n'ya

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon