TFH: 02

83 10 0
                                    

II. Paraiso

<Terrence's POV>

Kinabukasan, madaling madali ako sa pagpunta sa garden kung saan ko nakilala si Alfritz. Kahit maghapon pa lang ang lumipas ay  gustong gusto ko na agad s'yang makita sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil ngayon lang ako nakatagpo ng tao na kaya akong pasayahin kahit na hindi ko s'ya kadugo.

Pagkarating ko sa garden si Alfritz agad ang hinanap ko. Buong sulok ng garden nilibot ko mahanap ko lang si Alfritz. Pero kahit anino n'ya hindi ko nakita.

Umupo na lang muna ako sa duyan para doon s'ya hintayin. Napagod na din kasi ako sa pag hahanap sa kanya. At umaasa ako na hindi nya ako bibiguin sa sinabi nya sa akin kahapon na magkikita ulit kami.

Inaliw aliw ko muna ang sarili ko sa pagduyan habang hinihintay s'ya. Hanggang sa lumabas ang may ari nitong garden.

"Iho ikaw yung bata kahapon na nagmakaawa sa akin diba?" Tanong ng matanda.

                               

"Opo manong ako nga po. Salamat po pala dahil pumayag po kayo." Magalang na sabi ko.

"Diba't sabi mo hindi ka na muling babalik dito. Ayaw ko ng may bata dito sa hardin ko. At isa pa hindi ka tumupad sa kundisyon natin na lilinisin mo itong garden." Galit na sabi ng matanda.

"Patawarin n'yo po ako manong. Kaya po ako naparito dahil hihingi po ako ng tawad at ngayon po ay lilinisin ko na ang hardin." Magalang na sabi ko.

"Naku tigilan mo ako iho. Binigo mo ako sa simula kaya hindi na ka na maaring magpunta dito at isa pa ayaw ko nga sa mga bata." Galit na sabi ng matanda.

"Nag mamakaawa po ako manong susunod na po ako sa utos n'yo. Kahit isang pag kakataon lang po pagkatapos po nito hindi n'yo na po ako makikita dito." Pagmamakaawa ko.

"Hindi!" Sigaw nya sa akin at saka lumakad palayo.

Hanggang sa nadapa ang matandang lalaki dahil sa batong nakausli sa daraanan nya marahil sa kalabuan ng mata ay hindi nya ito nakita. Agad akong napatakbo mula sa kanya para s'ya ay tulungan.

"Tulungan ko na po kayo." Nag aalalang sabi ko.

"Hindi na kaya ko na ito. Umalis ka na ayaw ko ng bata dito sa hardin ko!" Sigaw ng matanda na halatang tinitiis ang sakit ng kanyang pagkakadapa.

"Hayaan n'yo na pong tulungan ko kayo. Itatayo ko na po kayo." Nag aalala pa ring sabi ko. Tila hindi ko ininda ang kanyang pag sigaw sa akin.

"Umalis ka na nga sa harap ko! Sinabi ng kaya ko eh!" Galit na sigaw ng matanda habang pinilit nito ang kanyang sarili sa pag tayo.

"Kita n'yo na hindi nga kayo makatayo eh. Hayaan n'yo nang tulungan ko kayo. Wala naman po itong kapalit." Magalang na sabi ko.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon