Sab's POV
At dahil bored na kami sa pag stay sa bahay, naisipan naming mag enjoy muna sa beach para na din makapag relax
"Oh! Ayos na ba yang mga gamit niyo?" excited na Tanong ni Ariela na ang lawak-lawak nang ngiti
"yup! We're ready,hintayin nalang muna natin Yung boys" sagot ni yanie
"Anong oras na ba?? " Tinatamad na tanong ko
" quarter to eight na" inip na sagot ni Kim
Sakto namang Dumating ang mga kanina pa naming hinihintay
" Sa wakas! Dumating na din " sigaw ni yuna at binuksan ang pinto
"bakit ang Tagal niyo? " Inis na Tanong ni Kim
"sorry,we over slept"kakamot-kamot sa Batok na Sagot ni Clyde
Tumuloy naman sila sa loob para buhatin ang mga dala naming gamit, pero konti lang naman ang dala ko kaya inagaw ko na kay kurt ang gamit ko at ako na mismo ang naglagay nito sa van
---------------------
Kurt's POVKasama namin sa van sina ariela, yuna, Ken at Clyde samantalang nasa kabilang van naman sina yannie, josh, zhyra, Xander at Kim
Tahimik lang ang lahat sa loob ng van at wala ni isa ang nag sasalita, it's quite unusual.
"Sab-- " pangalan niya palang ang nababanggit ko ng isalpak niya na agad ang Bluetooth headset sa tenga niya
Napatingin naman ako Kay Ken na kasalukuyan nagmamaneho at mukhang ayaw din siyang kausapin ni yuna
Nag play nalang ng music si Ken para hindi masyadong tahimik
After the guitar intro, sinabayan ko ang unang lyrics ng kanta
"sorry na... Kung nagalit ka" panimula ko at tinignan si sab na kasalukuyang nakakunot ang noo
"di naman, sinasadya" pagpapatuloy ko
"manahimik ka na, para kang naipit na manok" sagot ni sab
Napatingin naman ako ng masama sa kanila Ken, yuna, ariela at clyde dahil sa Malakas na pagtawa nila
" Anong naipit na manok? E mas malala naman ang boses ni Ken... Parang lasing kung kumanta" pabirong sagot ko
"teka, bakit ako nasali Jan?" reklamo naman ni Ken ng biglang mag salita si Clyde
" Baka pag ako ang kumanta, Baka hindi niyo na ako patigilin sa sobrang ganda ng boses ko" pagmamayabang niya
"Hindi namin tinatanong" sagot ni ariela kaya natawa naman kaming lahat
" Pero si Sab talaga tunay na singer dito e, diba sab?" nakangiting sabi ko
" Baliw ka talaga" sagot ni sab at sunod na kinurot ako sa tagiliran
"Baliw sayo, yieeeeee" Sagot ko kaya isang Malakas na hampas naman sa braso ang natanggap ko, lalo namang natawa sina Ken
"yan banat pa, nahampas ka tuloy" Pang aasar ni clyde
" Kinilig kasi siya ng sobra kaya nahampas niya ako, e ikaw kawawa... Hindi pinapansin, bleh" parang batang sagot ko pero sunod-sunod na kurot nanaman sa tagiliran ang natanggap ko
"Aray! Ouch! Ah--labyuu!" natatawang sabi ko
"Ano ba yan pre, ang korni mo" reklamo ni Ken
"inggit ka lang, yuna kurutin mo nga din yan nang hindi naiinggit saamin" pabirong sabi ko
"Hayy nako Kurt, hindi mo yata nainom ang gamot mo sa utak" pabirong sabi ni sab kaya Napatingin ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi
"oh ayan, magaling na ako" sagot ko at hinawakan ang kamay niya, hindi naman na siya nag reklamo at sumandal nalang sa balikat ko hanggang sa Pareho na kaming nakatulog sa byahe
---------------
A/N: edited chapterVote if you liked this chapter :)
Thank you!
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Teen FictionSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...