Sab's POV
"S-sa tingin k-ko y-yun na siya!" Tulala at nauutal na sabi ni ariela at itinuro ang isang lalaki sa hindi kalayuan
Agad naman kaming napatingin sa tinitignan niya at halos sabay sabay kaming napanganga ng makita namin ang lalaking nakatayo sa harap namin
Hindi ko namalayan ang paglapit niya, bumalik nalang ako sa realidad ng maramdaman ang kamay ni Yuna sa balikat ko
"You all looked like you saw a ghost" panimula niya na ngayo'y nakangiti sa harap ko at nakatingin ng diretso sa mga mata ko
"B-buh-hay k-ka?" Utal na tanong ko. Hindi ko maintindihan kung Anong nararamdaman ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at tila ang bigat sa dibdib ng bawat paghinga ko.
Naging bingi na rin ako sa mga ibinubulong nila Yuna sa tabi ko dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon
Nagulat nalang ako nang bigla niyang pisilin ang magkabilaang pisngi ko
"Does this feel dead to you? Love?" Nakangiting sabi niya
"l-love?" nagtatakang tanong ko at hindi parin maiwasang mautal.
Nananaginip ba ako? Isa ba ito sa mga nightmares ko? Dahil kung hindi... Sana lamunin na ako ng lupa. I'm freaking out, nasa harap ko ngayon si nate. Si nate na ex-boyfriend ko. Si nate na inakala kong namaalam na, si nate na kasalukuyang nakangiti sa harap ko...hindi ko alam kung Anong gagawin ko. Kung anong sasabihin at kung sino ang kakausapin.
Napansin naman siguro niyang Naguguluhan ako kaya muli siyang nag salita "Come with me and I will tell you everything " seryosong sabi niya at hinawakan ang kamay ko
"T-teka... n-nate k-asi...s-si k-kurt...----" utal na sabi ko at napatingin kila Ariela. Parepareho kaming Naguguluhan at hindi alam kung ano ang gagawin
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng muli siyang Mag salita
"Ok great... excuse us" naka ngiting paalam niya at hinila na ako palayo
Kurt's POV
"Bro,kanina pa nag ri-ring phone mo" puna ni xander at iniabot sakin yung phone ko
"Thanks " sagot ko bago sinagot yung call
"hello?" Inis na tanong ko sa caller
["Easy bro... Si ford to] sagot niya
"Why'd you call?" Tanong ko
["May problema tayo"] sagot ni Ford kaya naman mapakunot ang nuo ko at hinintay ang sunod niyang sasabihin
["May bagong gang group...they stole all fighting gears from the northwest hideout... They also threatened some of our gang members ... pag nagpatuloy pa ang gulong dinadala nila sa grupo, siguradong malalagot tayo sa upper class mafia, at pag nangyari yun... Baka ma dissolve ang grupo"] seryosong sabi niya
"What!? How did that happen? Inform others magkakaroon ng emergency meeting sa hide out bukas " sagot ko then ended the call
Tumayo na ako at nag paalam muna sa daddy ni sab bago tuluyang naglakad palayo para sabihin kay sab ang nangyayari sa grupo
"nasaan si sab?" Tanong ko nang masalubong ko Sina yuna
Napakunot naman ang noo ko ng magtinginan muna silang lahat bago sumagot
"H-hindi namin a-alam e " sagot ni yanie kaya nag paalam na ako at nagpatuloy sa paggala ng paningin ko Para mahanap si sab hanggang sa makita ko siya malapit sa isang restaurantat kasalukuyang nakaupo sa isang cottage
" Sab! --love!" sigaw ko at napatingin sa lalaking tumawag ng love sa girlfriend ko. Napakuyom ang kamao ko at binilisan ang paglalakad palapit sa kinaroroonan ni sab
--------------
A/N:vote and comment..
This is an edited chapter
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...