3rd person's POV
"Boss,ngayon po ang balik niya " sabi ng Butler ko
"Okay...pabayaan muna natin silang mag saya sa ngayon" nakangising utos ko
"Ihanda niyo ang family plane,mag babakasyon muna ako sa Italy" utos ko.
"Sige po boss" sagot niya at umalis na para gawin ang ipinaguutos ko
--------------------
Kurt's POV"Aray! Ang sakit ng ulo ko...hangover nanaman" inis na sabi ko at bumangon mula sa higaan ko
Sunod akong nagtungo sa kusina at uminom ng tubig at tinignan ang phone ko kung nag text or tumawag na ba si sab pero wala siyang message or calls Kahit na isa
Aakyat na sana ulit ako sa taas ng may mag doorbell kaya Nag tungo ako sa pinto at binuksan ito, tumambad naman saakin ang mukha ng mga kaibigan ko...parang buong barangay pala mga kaibigan ko sa dami ...
"Oh? Bakit napadpad kayo dito?" Cold na tanong ko
"Mag pa-party tayo dito bro!" Sigaw ni Ken
"Party mo mukha mo...shoo!
Alis,umalis kayong lahat, hindi kayo welcome"pag tataboy ko..."hooo, welcome daw tayo guys, thanks bro, come on guys party party!!! "Biglang sigaw ni brent tapos walang paalam silang pumasok lahat at tinabig pa ako mula sa pinto
" Alam niyo bang trespassing Yang ginagawa niyo!?" Sigaw ko pero wala lang sakanila, aba aba ang kakapal ng mga mukha sarap pag uuntugin ng mga ulo, buti walang babae dito
"Nga pala bro,pupunta dito yung mga girls mamaya" speaking, haysst
"Hoy Hoy --wag yan!! ughh kakabili ko lang ng stock ng alak mauubos agad!? " frustrated na sigaw ko kaya inis na inis akong umakyat sa kwarto ko at tinakpan ng unan ang tenga ko
Ang lakas kasi ng music ng mga loko kong kaibigan.
KEN'S POV
Nagkulong na si kurt sa kwarto, sinadya talaga naming Mag Ingay para magawa namin ang plano namin
Sunod ay pinapasok namin ang mga maids at hinayaan silang linisin ang bahay, nilock din namin ang kwarto ni ugok para di kami mabuko.
After more than 30 minutes, dumating na din yung mga girls at nakitulong sa pag aayos
Plano kasi naming I surprise yung dalawa para magbati na sila. Alam naman naming Dapat hinahayaan nalang namin silang dalawa na Ayusin ang sarili nilang gulo... Pero magkakaibigan kami at normal lang na tulungan namin ang isa't isa sa mga oras na ganto
Naglagay kami ng mga petals sa Daan papasok ng bahay at agad na bubungad ang living room na punong puno ng balloons at red and white roses. Pinalitan na din namin ng puting kurtina ng pula, at syempre, hindi mawawala ang mga alak at foods... Nag mistulang valentines surprise ang naging itsura ng lugar imbes na para ito sa pag hingi ng tawad at pagbabati, pero sakto na din siguro ang pula dahil mahal naman nila ang isa't isa
Madilim na ang kalangitan ng matapos kami sa pag aayos, kaya oras na para gawin ang huling step ng plano
KURT'S POV
Kasalukuyan akong nag lalaro sa computer ko ng marinig ko ang sunod-Sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko
Ano nanaman kayang kailangan nila, hinayaan ko na silang Mag party, hindi pa ba sapat yun? Hayyy, I just want peace and quiet. Arghh!
"bakit?" iritang tanong ko nang makapasok siya.
"Hihi... tara bro, labas tayo" nakangiting pag aaya ni ken
"Akala ko party tapos lalabas tayo? Ayos ka lang bro?" sarcastic na sagot ko.
"Pektusan kaya kita jan, ang boring dito sa bahay mo, kaya na bihis ka. Mag suot ka ng formal attire" Seryosong utos niya kaya Tinatamad na sumunod nalang ako
Nang matapos akong magalit, agad akong lumabas sa walk-in closet ko
"Ok na ba?" Tanong ko.
"Pwede na yan" sagot niya at inaya na niya akong bumaba...
Habang naglalakad kami pababa, nakakapagtakang ang tahimik kaya bigla akong kinabahan
"kapag may balak nanaman kayong pag tripan ako, ihanda niyo ang mga mukha niyo... Dahil kapag nainis ako, hindi na kayo matawag na gwapo" pagbabanta ko pero tumawa lang siya kaa Napa eye-roll nalang ako
----------
A/N: edited chapter
Vote if you liked this chapter, thank you!
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Teen FictionSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...