Sab's POV
Isang linggo na ang nakaraan mula ng magbati kami ni Kurt. Naging masaya ang gabing yun at sigurado akong hinding hindi ko iyon makakalimutan
Kahit na kami ni kurt ang napagtripan nilang asarin dahil mataas daw pareho yung pride namin kaya sila na mismo ang gumawa ng paraan para magbati
Pero sinasabi naman ni kurt na naunahan lang daw talaga siya ng tropa sa pag plano kaya naman napuno ng tawanan ang buong bahay.
--------
Nandito kami ngayon sa bahay at Hinihintay nalang naming matapos sa pagaayos ng gamit sina kim at yuna bago kami dumaan sa ketsuke mansion para sunduin ang parents ko
Bukas na ang wedding anniversary ng mga magulang ko kaya naisipan naming mag outing
" Yuna, kim, anong oras na oh... Wala na bang mas matagal pa jan? " Sarcastic na sigaw ni yanie.
"Oo na,oo na tara na!" Sagot naman ni kim..
Dalawang MPV ang gagamitin namin ngayon kaya naman magiging komportable talaga ang byahe dahil sa mga cool features ng sasakyan.
Sa isang private island kami pupunta dahil hindi mahilig si mommy sa matataong lugar...Nauna na ang ibang mga invited sa wedding anniversary ng magulang ko dahil hindi naman kami kasya lahat sa MPV...
Kasama din si yana, anak daw siya ng kaibigan ng mommy ni ken.
--------------------
Nakatulog ako sa byahe ng bigla akong magising dahil sa Malakas na pag ring ng phone ko
Agad ko iyong kinuha sa bag ko at tinignan kung sinong tumatawag
Nagising din si Kurt sa tabi ko at napatingin din sa screen ng phone ko at napa kunot noo ng makita niya ang pangalan ni khenji sa screen
Sinagot ko nalang yung call at hinayaan si Kurt na ngayo'y nakabusangot na ang mukha
[Hello sab!"] Masiglang bungad niya
"Hello kenjie, napatawag ka?" malumanay na sagot ko at muling napatingin kay Kurt na ngayo'y sarcastic na ginagaya ang mga sinasabi ko
[I received a wedding anniversary invitation Kaya I called to confirm if your parents really are celebrating their anniversary tomorrow ]
"Ahhh...ganun ba? Oo, Pupunta ka ba? " tanong ko
[Yun nga eh... paki sabi kay tita nasa japan ako ngayon pero susubukan kong humabol] sagot niya. Narinig naman ni Kurt ang sinabi ni khenji kaya bigla siyang napangiti
"Ganun ba?sige sige,ingat " sagot ko at ibinaba na ang tawag
Napatingin naman ako kay kurt nang matapos kong ibalik yung phone sa bag ko. Agad siyang umiwas ng tingin At ibinaling ang atensyon sa labas
"hoy" tawag ko at itinapat ang index finger ko sa pisngi niya, his cheek got poked when he looked at me kaya napatawa nalang ako. Pinisil niya naman ang pisngi ko kaya inis na Pinisil ko din ang pisngi niya
" A-aray Tama na" natatawang sabi niya kaya tumigil na ako at sumandal sa balikat niya
Sa harap nakaupo Sina mommy, daddy, Ken Yuna at Kuya kaya naman natawa nalang ako ng mag salita si Kuya at napatingin saamin.
"Kaya ayokong kasama kayo sa iisang sasakyan e. Lagi akong out of place" reklamo ni Kuya
"Sana all may partner" pag papatuloy niya Kaya naman natawa nalang kami ng tumingin siya ng masama sa gawi namin
" Yung driver din walang partner" sagot ni Kurt kaya lalo Pang sumama ang tingin ni Kuya kaya napuno ng tawanan ang sasakyan pero tumigil na kami ng makitang namumula na ang tenga niya
---------
1 hour had passed pero hindi parin kami nakakarating sa Island, kaya naman kinalabit ko nalang si Kurt sa tabi ko. Mukhang naistorbo ko ang Tulog niya"bakit?" inaantok na tanong niya pero tumingin lang ako sakanya at nakangiting tinitigan siya
"nagugutom ka ba? Do you need water?" tanong niya Kaya agad akong umiling
"pwede mo ba akong kantahan ?" tanong ko
"oo naman, ehem ehem" sagot niya kaya natatawang sumandal nalang ako sa balikat niya bago siya nag umpisang kumanta.
Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ko ang boses niya, pero napadilat ang Mata ko ng mapansing pahina na ng pahina ang boses niya kaya naman agad akong napatingin sakanya at nakitang Nakatulog na pala siya pero mahina at pahinto hintong kumakanta parin
Inilabas Ko ang phone ko at natatawang kinunan siya ng video hanggang sa tumigil na talaga siya sa pagkanta
" Anak, you're so lucky to have him" biglang sabi ni dad kaya naman napatingin ako sakanya
This is the first time dad said those words. He never said that when I was with nate kaya naman napangiti ako
"You're right dad" nakangiting sagot ko at napatingin kay Kurt na mahimbing na natutulog sa tabi ko
"I am indeed lucky to have met you" nakangiting bulong ko kay Kurt pero nagulat ako ng Nakapikit siyang sumagot
"It's not luck, it's destiny" sagot niya bago niya ako niyakap ng mahigpit
Akala ko mahaba ang 7 hours na byahe, pero naging mabilis ang takbo ng oras dahil kasama ko siya. Totoo ngang hindi mo mamamalayan kung gaano kalayo O katagal ang isang bagay kapag kasama mo ang taong importante sa buhay mo.
-------
A/N:this is an edited chapter*
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...