Chapter 38

614 16 0
                                    

Chapter 38

Ken's POV

Nagising ako nang marinig ko ang marahas na pag bukas ng pinto kasabay nuon ang pagpasok ni kurt suot ang irita niyang ekspresyion kaya naman tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Where have you been?" Tanong ko dala ang isang baso ng malamig na tubig at nilagok iyon bago ibinaba ang baso sa center table

"Oh, good you're awake" sarcastic na sagot niya habang pinapanuod ko siyang tamad na umupo sa sofa

"I went down to join the beach party, Pero pare... If you were there siguradong maiiinip ka lang at maiinis dahil bukod sa nakakabulahaw ang lakas ng music, boring pa ang party dahil nakatuon lang ang atensiyon nila sa dalawang walking sticks called Ramirez twins" sagot niya kaya naman kumunot ang nuo ko at tinawanan siya

"Hindi naman nakakabulahaw ang music mula rito, I think you're just over reacting kurt" I chuckled kaya hindi na ako nagulat ng tignan niya ako ng masama

"I'm not over reacting ken. If you were there, you'll also be acting like this" sagot niya kaya lalo pa akong natawa

"Okay you're not over reacting... But just probably insecure" Dadgdag ko pa kaya lalong sumama ang tingin niya saakin, kinuha niya ang throwpillow at ibinato sa direksiyon ko pero mabuti nalang at nagawa kong umiwas... too bad, si xander ang tinamaan kaya naman ang medyo inaantok pang reaksiyon niya ay naging gising na gising na

"WHAT THE HECK? KURT!?" Gulat na sigaw ni xander at pinulot ang nahulog na unan sa sahig bago inihagis iyon pabalik kay kurt. Tumawa nalamang ako habang pinapanuod silang magkainisan dahil pati sila clyde,brent at josh ay nagising dahil sa ingay at nasali na rin sa batuhan.

"DAMN YOU XANDER!" sigaw ni brent at hinampas ng unan si xander samantalang patuloy parin sa pagbabatuhan sina josh. I was just laughing at the corner when they stopped.

"Punta lang akong gym" Paalam ni kurt pero pinigilan siya ni brent bago pa siya makaalis

"Gym? It's almost 7:30, akala ko ba ay makikisali tayo sa beach party diyan sa baba?" tanong niya kaya naman sarcastic na ngumisi si kurt sakanya bago sumagot

"I went down a while ago, it's boring" Diretsong sabi niya at akmang muling aalis ng pigilan namin siya.

"Ikaw ang nag-aya ng boys week pare,pero here you are, you're spoiling the fun" Reklamo ni clyde at dumikwatro ng upo sa upuang pang isahan. Tumango naman sina brent bilang pagsang ayon at matamang tumingin kay kurt habang hinihintay ang sagot niya hanggang sa tuluyan na itong pumayag na sumama.

Mabilis kaming nag ayos ng sarili at sabay-sabay na naglakad papuntang elevator. Mabuti nalamang at kami lang ang bababa kaya naging maingay sa loob pero ng mag bukas na ang elevator pagkarating sa lobby, pare-pareho kaming natahimik at tumayo ng tuwid kaya naman naagaw namin ang pansin ng lahat ng taong naruon.

Habang papalapit kami kung saan naruon ang mga tao para sa beach party, literal na napahinto ang lahat at ayon nga sa sinabi ni kurt, pinapalibutan ng marami ang dalawang lalaking confident na tumutugtog sa gitna, pero natahimik sila at napatingin saamin.

"Bumalik yung supladong pogi kanina!kyahhh!" I heard someone yell. Narinig rin siguro ni kurt iyon kaya umigting ang panga niya at napailing pero ngumisi nalang ako.

Nagsimula na ri'ng maghiwa-hiwalay ang mga tao ng mag punta sa stage yung Ramirez twins na kanina'y nasa iisang bahagi lang ng beach.

I looked around at nahagip ng mata ko ang kunot nuong mukha ni kurt habang nakatitig sa stage. Well, as a matter of fact... sa Ramirez twins siya nakatitig kaya naman tinapik ko si brent na nakaupo sa tabi ko at sinabing tumingin siya kay kurt na agad niyang ginawa kaya napatingin narin sina josh sakanya.Napansin naman yata ni kurt na nakatingin kami sakanya kaya bumaling siya saamin at tinignan kami ng masama.

Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon