CHAPTER 28
Kurt's POV
Nang magamot na ni sab ang sugat ko, naglakad na siya pabalik sa hospital bed at saglit na napatingin saakin kaya naman ngumiti ako at lumapit sakanya ng biglang bumukas ang pinto at sumalubong saamin ang nag aalalang mukha ni nate
"love...okay ka na ba?" Tanong niya kaya napatingin saakin si sab bago tumango bilang sagot sa tanong ni nate
"I think you're in the wrong room 'cause I don't know anyone named 'love' in this room" singit ko kaya napatingin saakin si nate
"Thanks for your concern but I'm in the right room" inis na sagot niya kaya napa eyeroll nalang ako
" Alam mo naman palang nasa tamang kwarto ka, dapat alam mo rin'g fiancé ko ang babaeng tinatawag mong 'love'" seryosong sagot ko
"Tsk, oh, I didn't know that" sarcastic na sagot ni nate kaya huminga nalang ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko
"Kurt...Nate please...keep it down" awat saamin ni sab na nakatingin na ng masama saaming dalawa
"Sorry" sabay na sagot naming kaya pareho nalamang kaming napatingin ng masama sa isa't isa
"Let's talk outside" seryosong sabi k okay nate at nauna ng lumabas kaya naman iniwan muna niya yung mga dala niyang pagkain sa center table bago sumunod saakin
" Why are you here?" diretsong tanong ko
" Ano pa nga ba? I'm here to see sab. Narinig kong nandito siya ngayon sa ospital kaya nandito ako para dalawin siya" mahabang sagot niya kaya naman napatingin ako sakanya
" c'mon nate, I'm not stupid. Do you think maniniwala ako na yun lang ang ipinunta mo rito" seryoso paring sagot ko kaya saglit siyang napatawa bago sumagot
"Yeah, you're right. I'll be completely honest with you. Nagpunta ako rito para makausap si sab. There are a lot of things that I want to explain to her" sagot niya
"Tsk... As if I'll allow you?" sarcastic na tanong ko kaya naman napakunot noo siya
" Nate, wake up! You left her for 3 years, tapos bigla kang babalik, expecting that everything would be back to normal after you explain? C'mon man it's not that easy. Tanggap kong parte ka na ng nakaraan niya, pero hindi na ako papayag na maging parte ka pa ng kasalukuyang buhay niya. Yes, you're his past...but I'm her present now, her future and her lifetime partner so please leave her alone " seryosong sagot ko
"Well then, too bad for her... you don't deserve her kurt,sab deserves much more" mapang asar na sagot niya kaya naikuyom ko nalang ang kamao ko
"And what does she deserve? You?" sagot ko kaya saglit siyang natahimik
"Alam kong hindi ako sapat para kay Sabrina, but I can be much more just for her. Kaya mali ka, because sab and I deserve each other" pagpapatuloy ko, nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin saakin
Naisip kong kailangan nila ng oras para mag usap kaya umalis nalang muna ako at iniwan siyang mag isa sa hallway ng ospital
Nate's POV
I was speechless, hearing Tristan Kurt Rivera say those words. I know she loves sab, pero anong magagawa ko? I also love the girl she loves.
Nang makaalis si kurt,pumasok na ako sa kwarto ni sab at umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya
"Sabrina..." tawag ko sa pangalan niya kaya napatingin siya saakin. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya kaya agad akong napatayo
" Umiyak Ka ba? Teka,May masakit ba sayo" nag aalalang tanong ko kaya naman agad siyang umiling
" Wala, okay lang ako" sagot niya kaya napatingin ako sakanya. Hayy, after all this years...Hindi parin siya nagbabago, I can still see right through her, alam kong kabaliktaran ng sagot niya ang tunay na nararamdaman niya
I missed staring at her face. Sobrang tagal na mula nung huling beses akong makalapit ng ganito sakanya. She's still beautiful than ever and just by being this close to her, masasabi ko ng sobrang saya ko ngayon
" Sab,I'm sorry" seryosong sabi ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya
" for what?" nagtatakang tanong niya at iniwas ang tingin sa mga mata ko
"Sab, three years akong nawala, kaya maiintindihan ko kung tatanggihan mo ako kapag hiniling ko sayo na sana bumalik ka saakin. Sa tatlong taon na nasayang, alam kong hindi na ako. Hindi na ako yung lalaking gusto mong makasama habang buhay... Hindi na ako yung lalaking magbibigay sayo ng saya sa araw-araw... at alam kong hindi na ako ang lalaking laman ng puso mo" malungkot na sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko
It hurts me. Seeing the girl I love, laugh with his new favorite person. Sobrang sakit.
Sa bawat salitang binibitawan ko ngayon, wala na akong ibang maramdaman kundi ang malungkot, manghinayang at masaktan.
"Nate, wala kang kasalanan" sagot niya at pinunasan ang luha ko bago niya ituloy ang sasabihin niya
"You gave me all the love you could give, and honestly... those fun times with you are irreplaceable,and nate, you had done enough to pay those wasted years, that's why I would never regret meeting you." Sagot niya at malungkot na napangiti
" S-sab... pwede b-bang ako n-nalang ulit?" malungkot na tanong ko. I look so desperate ...pero at this moment, I just want to try every possibilities. Baka pwede pa? baka hindi pa huli ang lahat?
" Nate, don't make it harder for the both of us. Sa tatlong taon na inakala ng lahat na wala ka na, maraming nagbago. I let myself stay under the shadow and storm the moment you left me... But kurt pulled me out of the rain and showed me the beauty of the rainbow , and now... I just couldn't let kurt feel the same sorrow I felt because of loosing someone he love...because of loosing someone we love. Nate, look around you. Don't just focus on me...because if you do...you might miss out the beautiful rainbow because you let yourself stay in the dark like how I was before" sagot niya at tinapik ang balikat ko
I hate to admit it, but she's right. I know she's right, pero siguro hindi lang matanggap ng puso at isip ko na hindi na ko. Na huli na ako.
Tumahik na ako matapos naming mag usap at hinayaan ko na siyang magpahinga. Iniayos ko ang pagkakahiga niya sa higaan at muling tinitigan ang natutulog na mukha niya
"Sa tatlong taon na nawala ako,na miss kita ng sobra...patawad kung huli na ako" bulong ko bago ko hinalikan ang noo niya at lumabas na ako ng kwarto niya
-----------
A/N: *THIS IS AN EDITED CHAPTER*
Hope you liked it guys!
--rhille♥---
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Teen FictionSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...