Kurt's POV
Nang makarating kami agad kaming dumiretso sa mga reserved room namin...
Magkahiwalay ang kwarto ng boys at girls kaya nakabusangot ngayon ang mga mukha nila
"Hindi ba talaga pwedeng magkasama nalang sa isang kwarto lahat?" Reklamo ni clyde
"Mommy ni sab Ang may gusto nito kaya we should respect her decision" sagot ni brent
Nang maayos na namin yung mga gamit namin pinatawag kami ng daddy ni sab para kumuha ng mga firewood sa forest para sa bonfire mamayang gabi habang inaayos naman ng mga girls ang tent at inihahanda ang mga pagkain
Sab's POV
Naihanda na namin ang mga tents at nakaluto na din kami. Sunod naman naming inayos ang nga gagamitin mamaya...
Nung wala na masyadong gagawin sinabi ni mommy na maglibot daw muna kami dito sa island kaya naman magkakasama silang naglibot maliban saamin ni Kurt dahil bigla siyang tinawag ni dad
"Iho,can you please help we set up the bonfire for later?" Tanong ni dad
"Ahhh...no proplem dad" sagot niya
"Dad ka Jan" Pang aasar ko sakanya
" He's your fiance anak, kaya Dapat lang na dad na rin ang Itawag niya sa dad mo" singit ni mommy kaya naman napa eye-roll nalang ako ng makita ang malawak ng ngiti ni Kurt kasabay ng pagtaas baba ng mga kilay niya
"Sige mom, dad, kurt... maglilibot nalang din ako... hahabuling ko nalang sila ariela para may kasama ako" paalam ko
"Sige iha, ingat ka... This is a private island pero may mga rich guests parin sa paligid " paalala ni mom kaya nakangiting tumango ako
"Don't talk to strangers...especially boys" kunot noong utos ni kurt
" aye aye captain " sagot ko... Natawa naman si Kurt at ginulo ang buhok ko
"Sige punta na ako para maabutan ko pa sila" paalam ko bago tuluyang umalis
*********
On my way...hindi ko na mahagilap sila ariela kaya Mag isa nalang akong naglibotNaglalakad ako sa buhanginan at naghahanap ng mga shells kaya naman inilabas ko ang phone ko at nag take ng selfie
Agad ko namang Tinignan ang nakunan kong litrato at hindi maiwasang mapansin ang isang taong nahagip ng camera, kaya agad akong tumingin sa paligid pero wala namang ibang Tao
Nagsisimula namang mamuo ang mga luha mula sa mga mata ko bago ako makaramdam ng takot ng mapagtanto ko kung sino ang taong iyon
It was nate.
Naisipan ko nalang na bumalik na sa kinaroroonan nila mommy dahil malapit na rin'g dumilim
********
Pagkarating ko duon naka sindi na yung bonfire tapos naka ayos na din yung mga tent... may naka set up na ding table doon para sa foodsTumabi ako kay kurt at niyakap siya. Ibinaon ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya upang hindi niya Mapansin na naluluha ako
Pero epic fail....
Dahil sa pagbaon ko ng mukha ko sa dibdib niya napaiyak lang ako kaya naramdaman niya siguro ang pagkabasa ng damit niya
"May problema ba?" Tanong niya
Tumingin ako sakanya at nag fake smile
"M-masaya lang ako kasi magkakasama tayo ulit" pagsisinungaling ko
"Masaya ka pero umiiyak?Kelan pa ako nagkaroon ng Fiance na abnormal? " pagbibiro niya kaya medjo napangiti ako
"Hindi ka parin talaga tatawa? Hmmm...sige may tanong ako" sabi niya na may ngiti sa labi...
"Ano?" Tanong ko na medjo naiibsan na ang kalungkutan
"Anong sinabi ni baby potato sa Tito niya?" Tanong niya
Saglit akong napaisip
"Hmmm...Siguraduhin mong matatawa ako dito ah!sige Ano?" Tanong ko
"Edi.... Helo po-tito(hello potato)" natatawang sabi niya with matching action pa
"Hahahaha!!! Ang corny mo! Haha!! At kelan din ba ako nagkaroon ng fiancé na corny" pang aasar ko din
"Hey! Mga lovebirds! Stop being sweet around here its annoying" biglang sigaw ni yana
Napatawa naman sila
"Haha...nasan kasi yung Ex mong mahal mo pa?hanapin mo para hindi ka maging bitter Jan!" Sagot din ni yuna
"Don't you dare talk about that idiot! " inis na sagot ni yana
"Hahaha....ano bang pangalan nung ex mo?" Tanong ko
"It's nothing important,may iba naman na siya eh " malungkot na sagot niya.
"Siguro pangit pangalan niyan kaya ayaw mong sabihin... siguro ang pangalan niya pedring,pedro, Juan,kepweng o baka naman maryo"pang aasar ni yuna
"Yuck! Okay sasabihin ko na!!" Inis na sabi ni yana
"His name is......
*********************
A/N: vote and comment
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...