Yuna's POV
Pauwi na ako sa bahay, galing sa school ng maisipan ko munang dumaan sa starbucks para bumili ng maiinom. Hindi ko dala ang kortse ko ngayon dahil sumabay lang ako kay yannie, papuntang school kaya kailangan kong mag commute sa araw na ito.
Naglakad na ako palabas ng gate at naghintay ng taxi. Pero marami din ang iba pang estudyanteng naghihintay gaya ko kaya siguro ay matatagalan pa ako. Inangat ko ang braso ko at tinignan ang oras sa wrist watch ko. It's almost seven in the evening at madilim na din ang paligid.
Naisipan kong sa ibang lugar na lamang mag hanap ng masasakyan at sa ibang araw nalang bumili ng maiinom sa starbucks dahil baka lalo pa akong gabihin. Nagsimula na akong maglakad at huminto sa mga loading and unloading zones pero punuan ang mga jeep at taxi.
Habang naglalakad ako,napahinto ako ng mahagip ng mata ko si ken. Naka suot siya ng isang puting t-shirt at maong pants, his hair is cleanly brushed up making him look even more handsome.
Mula ng dumating siya, hindi niya pa ako kinakausap kaya natatakot akong lapitan siya. The thing between us stayed frozen. It stayed cold. And I don't know how long would it stay that way.
May kausap siya sa phone kaya hindi niya ako napansin. We are only a few meters apart, pero pakiramdam ko ay napakalayo namin sa isa't-isa. Nang ibinaba na niya ang phone niya at inilagay sa bulsa niya, naglakas loob akong lapitan siya.
"D-didn't thought I'd see you here" Bungad ko kaya naman gulat siyang lumingon saakin at agad na ikinunot ang noo. I see how he clenched his jaw, na para bang hindi siya masayang makita ako.
"What are you doing here?" Inis na tanong niya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Can w-we talk?" pabalik na tanong ko na tila hindi ko narinig ang naging tanong niya. Hindi ko na rin maiwasan ang mautal dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"We're already talking, yuna" Sagot niya at iniwas ang tingin. I looked around at nakitang marami na ang nakatingin saaming dalawa. Napansin ko ang pag tingin saakin ng ilang kababaihan mula ulo hanggang paa. If this was a normal day, I would have shout and raise my eyebrows at them, pero tingin ko ay wala akong karapatang gawin yon ngayon kasi alam kong kaya lang naman nila ako tinitignan ng ganon, ay dahil sa lalaking kasama ko. It's all because of Ken.
"N-not here" Nakayukong sagot ko. Nanghihina ako dahil hindi ako sanay na ganito siya. He was never cold towards me.
"I'm busy, pwede bang sa susunod nalang? Please, just leave Yuna" Iritang sagot nito at unti-unti ng naglakad palayo, pero agad akong sumunod.
"She's so desperate" Narinig kong sabi ng isang babaeng kanina pa nakatingin saamin. Hindi ko nalang siya pinansin at mas binilisan pa ang lakad para maabutan ko si Ken.
"Ken, Please wait" Pakiusap ko ng muntikan na akong matapilok dahil sa suot kong stilettos, pero hindi manlang siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad.
"Ken!" Muling sigaw ko ng patawid na siya sa pedestrian lane, inis naman siyang lumingon
"What!?" Inis na tanong niya, pero nanlaki nalamang ang mata ko ng makita ang paparating na sasakyan. I wasn't able to think properly pero natatandaan ko ang mabilis kong pagtakbo para itulak siya. I don't want him to be hurt again because of me.
And the next thing I knew, All my things are already scattered on the road, I can't move my body, Nanghihina ako ng buksan ko ang mga mata ko. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni ken habang nakayakap saakin. His white shirt is now filled with my blood.
"T-thank god y-you're safe" Nanghihinang sabi ko at pilit na inangat ang kamay ko para mahawakan ang pisngi niya. Ngumiti ako, at bago pa tuluyang magdilim ang lahat... naramdaman ko ang pagtulo ng mainit niyang luha sa pisngi ko.
_______
Ken's POV
"Yuna?, Yuna!" paulit ulit kong tinawag ang pangalan niya pero hindi na muling bumukas ang mata niya. Maraming tao na ang nakapaligid saamin at nanunuod.
"Call an ambulance!" Sigaw ko at ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang tunog ng ambulansiya sa di kalayuan.
"Yuna, please don't leave me. I'm sorry" Bulong ko habang nakasakay kami sa ambulansiya at hawak ko ng mahigpit ang kamay niya. Nilapatan siya ng first aid to stop her wounds from bleeding.
Nang marating namin ang ospital, agad siyang idineretso sa emergency room kaya napabitaw ako sa kamay niya ng pigilan na ako ng mga doktor sa pagpasok. Puno parin ng dugo ang damit ko at balisa ako sa nangyari ng biglang dumating sina kurt.
They look shocked upon seeing my white shirt almost red because of yuna's blood pero tumahimik lamang sila at naupo habang hinihintay na matapos ang operasyon.
"What happened?" Nagaalalang tanong ni yannie ng dumating siya sa ospital, at nakasuot lamang ng pambahay.
"I'm sorry, It's all my fault" Agad na sagot ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni yannie ng mapatingin ako sakanya kaya hindi na ako nagulat ng sampalin niya ako. Agad na pinigilan ni josh si yannie habang tinatapik naman ni xander ang balikat ko.
"Kapag may masamang nangyari sa kapatid ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo ken. I trusted you. Hindi pa ba sapat na ilang buwan mo siyang sinaktan? For pete's sake ken!, inisip mo manlang ba ang nararamdaman niya, she was so afraid to visit you in the hospital when you got stabbed, because she was guilty! Natatakot siyang makitang nasasaktan ka ng dahil sakanya!" Galit na sigaw ni yannie habang umiiyak. Nanatili akong nakayuko. It breaks my heart hearing that all I did was hurt her, when in fact... I just wanted to protect her.
"I trusted you ken... I trusted you... Do you know how painful it is to see her sad. Dahil sayo unti-unting nawala ang masayahing side ni yuna. You broke her heart, but you act as if she was the one who broke you. Iniwan mo siya ng walang paalam, tapos babalik ka na parang walang nangyari, pero hindi siya nagalit sayo, dahil mas iniisip niya ang nararamdan mo. Na baka galit ka pa sakanya" Pagpapatuloy ni yannie, pero kalmado na ang boses niya et puno ng pait. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. I know. Alam ko... kasalanan ko ang lahat. I was selfish.
Nang kumalma na ang lahat at saglit na umuwi muna si yannie para kumuha ng gamit para sa kapatid niya, naupo muna ako ng biglang magsalita ni Kurt. Now I feel how he felt when Sabrina was in danger.
"Remember that LOVE and DEATH are two uninvited guests. Nobody knows when they come, but both do the same work... One takes the HEART and the other takes it BEAT" malungkot na sabi ni kurt. I can feel pain in his voice, he lost the one he loved the most the time he least expected.
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Teen FictionSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...