Ken's POV
After about an hour or two, agad akong napatayo ng lumabas si doc mula sa E.R.
Inalis niya ang suot niyang mask ak bumuntong hininga.
"Kamusta na siya doc?" Agad na tanong ko
"Not okay...She's still unconscious. Based on our analysis, she'll remain comatose for about three weeks or so" Malungkot na balita niya. Napayuko ako at hinintay na mailipat siya ng kuwarto.
Nasa loob sina yannie, kurt, zhyra, brent, josh, kim, xander at clyde... Yeah, basically our whole circle of friends was inside... except for me, ariella and Sabrina.
Lalo pang lumalim ang gabi hanggang sa isa-isa ng nagpaalama ng mga kaibigan naming naroon.
"Bro, uwi muna ako... ashley's alone at home" paalam ni kurt. He was the only one left dahil umalis na ang iba pa kanina. I stood up then looked at him.
"alright, thanks for being here bro" Paalam ko hanggang sa tuluyan na siyang umalis at ako nalamang ang natira sa labas ng kuwarto ni yuna.
Pinihit ko ang door knob ng kuwarto niya at tumambad saakin ang kaawa-awang kalagayan niya. A lot of things are connected to her body. A nasal cannula was on her nose, a saline solution is pined on her arms. May bandage din siya sa ulo at kitang kita pa ang iilang maliliit na sugat sa mukha at braso niya.
Natatakot ako na baka kapag hinawakan ko siya, ay masaktan ko siya pero I want her to know that I'm here, I'm waiting for her kaya lumapit ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Her hand was cold kaya naman ikinulong ko iyon sa mga kamay ko at pilit na pinainit iyon using my own heat, pero napahinto ako ng magsimulang tumulo ang luha ko sa kamay naming magkahawak.
Kinabukasan, nagising ako at nasa tabi parin ako ng higaan ni yuna. Nang imulat ko ang mga mata ko, tumambad saakin ang maamo niyang mukha. Pero tulog parin siya.
"Good morning" Pabulong na bati ko at marahang hinalikan ang noo niya tulad ng dati kong ginagawa. Sunod kong inayos ang sarili ko para bumili ng makakain pero palabas palamang ako ng pinto ng salubungin ako ni yannie kaya napaatras ako.
"Going somewhere?" Masungit na tanong niya at diretsong naglakad patungo sa table na nasa gilid ng higaan ni yuna.
"Y-yeah, bibili lang ng pagkain" Sagot ko pero bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ay tinawag niya ako.
"I brought food, and clothes. Inutusan ako ni Kurt, and besides dadalawin ko din naman ang kapatid ko" Sagot niya habang inaayos ang pagkain sa mesa, tumango nalamang ako at tinulungan siya.
Habang kumakain ako, nakaupo naman siya sa gilid ng kama ni yuna. She was staring at her sister kaya napaiwas ako ng tingin ng muli akong makaramdama ko ng guilt.
"Di ka ba kakain?" Tanong ko kaya lumingon siya saakin at malungkot na ngumiti.
"I'm done" tipid na sagot niya at ibinalik ang tingin sa kapatid niya ng muli siyang magsalita
"I'm sorry about yesterday. Pasensiya na kung nasampal kita. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Nang marinig kong naaksidente si yuna at kritikal ang kundisyon sa ospital, Hindi ko maiwasan ang sisihin ka. Wala na ang mga magulang namin, wala na rin si sabrina at si yuna nalang ang natitira saakin. Ayokong pati siya ay iwan ako" malungkot na sabi niya habang nakatingin parin sa kapatid niya
"I deserved it. Ako ang dapat na humingi ng tawad. Yuna saved me. Ako dapat ang madidisgrasiya pero itinulak niya ako, kaya kasalanan ko ang lahat. Dapat lang na magalit ka sakin. I'm truly sorry yannie. I didn't mean to harm her. I just want her to stay away because I wanted to protect her. But now look... lalo lamang siyang napahamak dahil sa pagtaboy ko sakanya" Malungkot na sagot ko kaya napatingin siya saakin. Her tears started to drop kaya kinabahan ako at agad na naghanap ng tissue at iniabot iyon sakanya
"No ken, Walang may kasalanan, It was just an accident. At sigurado akong mas mahihirapan akong makitang mamatay sa lungkot ang kapatid ko kapag ikaw ang nadisgrasiya" Sagot niya at mahinang tumawa
Nang dumating ang tanghali, nagpaalam na si yannie, dahil may pasok pa ito, nagpasa naman na raw siya ng excuse letter pero half day lang siyang pwedeng umabsent dahil kailangan nilang tapusin ang research paper nila.
I stayed at the hospital. Mula ng umuwi ako galing sa Australia, online class na ang tinitake ko pero sa K.E.A. parin ako nag aaral at one to two days lang ako required na umattend sa face to face classes ko kaya iyon ang inatupag ko buong magdamag at paminsan-minsang tinititigan si yuna.
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...