YUNA's POV
Nagising ako ng marinig ang malakas na ringtone ng cellphone ko kaya agad ko iyong pinatay at kinapa ang tabi ko pero wala na doon si ken. I looked at the time at nakitang tanghali na pala, dahil it's already 10 in the morning.
Agad akong nagtungo sa banyo at iniayos ang sarili bago ako bumaba sa kusina pero wala din si ken doon. Nakita ko ang pagkaing natatakpan ng cloche kaya kinain ko nalang iyon. Hinugasan ko nalang din ang pinagkainan ko bago ako nagtungo sa living room.
Tahimik ang buong bahay at walang sign na may iba pang tao bukod saakin. Binuksan ko nalang ang TV at naghanap ng pwedeng panuorin at ng makahanap na ako, muli akong nagtungo sa kusina para kumuha ng chips pero ubos na pala ang stocks ni ken ng mga junkfoods.
I went back to ken's room to get my wallet. Still wearing my pajama, I went out to buy some chips sa pinakamalapit na 7/11, tsaka ako kumuha ng junkfoods, softdrinks, ice cream at chocolates ng makarating ako roon.
"487 pesos po ma'am" nakangiting sabi ng cashier. Nang maiabot ko na ang bayad, a group of men came in kaya umingay ang lugar. Binuhat ko na ang paper bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko ng makuha ko ang barya at nagmartsa patungong pintuan.
Pero nabunggo ako ng isa sa mga lalaki, dahilan kung bakit nahulog ang isang paper bag na hawak ko. Agad naman niya iyong pinulot at ibinalik saakin.
"Sorry miss" sabi nito pero tumango nalang ako at nagmartsa na palabas.
Napapaso ang balat ko sa init ng araw kaya pinipilit kong bilisan ang paglalakad, pero hindi ko magawa dahil masyadong marami ang dala ko. Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa braso ko.
It was the man a while ago.
" Let me help" sabi nito kaya bahagya akong napalingon at tiningnan ang kamay niyang nakahawak parin sa braso ko. Nasa likod niya ang mga kasama niya, at pinapanuod lang kami.
"No, thank you" sagot ko at hinila na ang braso ko palayo sakanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad ng muli niyang hilahin ang braso ko pabalik kaya nahulog ang mga dala ko.
Inis akong tumingin sakanya. Bukod sa nakakapasong init ng araw, at sa mga nagsihulog na dala ko, sumasabay pa sa init ng ulo ko ang hiyawan at pang aasar ng mga kasama niya. Dali-dali niyang pinulot ang mga pinamili ko pero hindi parin niya iyon ibinabalik saakin kaya ako na mismo ang nagpumilit na humila nito mula sakanya, sadly... napunit ang paper bag dahil sa ginawa ko.
"Sabi ko namang hindi ko kailangan ng tulong diba? Ngayon tignan mo, mas lalo lang akong mahihirapan bitbitin yan" Inis na sabi ko. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya dahil sa gulat pero bigla rin'g kumunot ang noo niya ng may magsalita sa likod ko.
"What's goin' on here?" Tanong ni ken sa isang malutong sa ingles at malamig na tono.
"Sino to miss? Gardener niyo?" Tanong ng isa sa mga kaibigan nung lalaki. Ikinunot ko naman ang nuo ko at tinignan siya ng masama. Nakasuot kasi si ken ng isang puting long sleeves at naka three-fourths na faded maong pants at naka tsinelas.
"Sino ka? Aso namin?" Pabalik na sabi ko kaya naman bahagyang natawa ang iba pa nilang kasama, pati narin ang lalaking nabangga ko kanina. Hinila naman ako ni ken at itinago sa likod niya dahil nakatingin na saakin ng masama yung lalaking nagsabing gardener raw namin si ken.
"Now, leave... I'll help her" Utos ni ken sakanila. Umismid lamang ang ilan at nagkibit balikat.
"Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" Tanong nung lalaking nabangga ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni ken at ang pag tiim ng kanyang bagang, and the next thing I knew... Nagsusuntukan na sila sa gitna ng mainit na sikat ng araw.
Pinagtutukungan nila ang boyfriend ko habang may nakahawak saakin at pilit akong pinipigilang makisali sa gulo.
"Don't touch her" mautoridad na utos ni ken habang nakatingin saakin kaya hindi niya napansin ang papalapit na suntok, kaya naman natumba siya at dumugo ang labi dahil rito.
"Stop it!" sigaw ko at tinadyakan ang lalaking nakahawak saakin. I was shouting for help, kaya hindi na ako nagulat ng may lumapit saakin para takpan ang bibig ko. Dahan-dahan namang tumayo si ken para lapitan ako pero agad din siyang bumalik sa pagkakahandusay ng may muling sumuntok sakanya.
Patuloy ako sa pagpupumiglas habang patuloy din sa pagsuntok si ken sa mga kaaway. Everytime that he would get punched, ako na mismo ang napapangiwi sa sakit para sakanya. Ilang metro nalang ay makakalapit na siya saakin, kaya gumuho nalang ang mundo ko ng sa huli ay muli siyang humandusay sa kalsada habang patuloy ang pag agos ng dugo mula sa sugat na natamo niya dahil sa pagkakasaksak.
Nag panic ang mga lalaki at agad na nagkaayaang tumakbo paalis. Nakita ko pa ang pagdadalawang isip ng lalaking nabunggo ko kanina, pero tulad ng mga kasama niya ay agad din siyang tumakbo.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtawag ng ambulansiya. Ken was already unconscious when the ambulance arrived pero mahigpit parin ang kapit niya sa kamay ko. Isinakay na siya sa ambulansiya kaya agad akong sumama. Wala na akong pakealam kahit na nakapantulog pa ako.
Inutusan ako ng nurse na idiin lamang ang ibinigay niyang tela sa sugat ni ken na agad ko namang ginawa, sa takot na maubos ang dugo niya bago pa namin marating ang ospital.
Dineretso siya sa operating room ng marating namin ang ospital. Mahigpit parin ang kapit ko sa kamay niya, pero agad din akong napabitaw ng pinagbawalan na akong pumasok sa E.R.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. My heart might burst because it's throbbing too much. Pabalik-balik lamang ang lakad ko sa harap ng pinto, kahit na nang makarating sa ospital ang mga kaibigan niya at patuloy arin ako sa paglakad ng pabalik-balik.
After an hour, natapos na ang operasyon at inilipat na siya sa isang kuwarto... pero hindi ko magawang pumasok. Hindi ko kayang makita ang kalagayan niya dahila ko ang dahilan kng bakit siya nagkakaganto. If he'll hate me for that, I will accept it.
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Teen FictionSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...