Sab's POV
Sunod kaming pumunta sa isang souvenir shop,Glass wall ang ginamit sa shop kaya makikita ang buong view sa baba.
Nakikita namin mula dito sina yuna at Ken na naglalandian,sila Clyde at ariela na kanina pa nag pi-picture picture sila yannie,kim,zhyra,xander,josh at Brent naman naglalaro ng volleyball
Habang pinapanood namin sila bigla akong nakaramdam ng gutom kasi hindi pa kami kumakain kaya nagpaalam muna si Kurt na bibili daw muna siya ng pagkain
*20 minutes later
"Ang tagal namang bumili nun" bulong ko at iginala ang paningin sa ibaba
Umalis na ako sa shop at hinanap siya, ng sawakas ay makita ko siyang may kausap na babae.
Maputi siya, at hanggang balik yung buhok niya,sakto lang ang tangkad niya tsaka Maganda siya
Lumapit ako sa kinaroroonan nila at tumikhim kaya napunta saakin ang tingin nila
"Oh!?sab... " gulat na sabi ni Kurt
"Siya nga pala si ---" naputol ang sinasabi ni Kurt nang sumingit Yung babae
"I'm Rozella Crane,Roz in short... Kurt's Ex girlfriend" nakataas ang isa niyang kilay habang sinasabi niya yon
"I'm Sabrina Ketsuke, I'm Kurt's WIFE" Mataray na sagot ko
"Oh, wife? Really? Ang lakas pa ng tirik ng araw,. pero nananaginip ka na " sarcastic na sabi niya
"Ex girlfriend ? Tss, pathetic... Did you mean pampalipas oras?" Pangaasar ko with a smirk
"stop it " pang aawat ni Kurt tapos ibinaling niya sakin Yung attention niya
"Why are you acting like that all of a sudden? " naka kunot noong tanong niya
"B-bakit ako?" naka kunot noong tanong ko.
" I mean, bakit mo pa pinagtutuonan ng oras ang babaeng to... C'mon wife, let's eat... Gutom ka na diba?" nakangiting sabi niya at inakbayan ako
Kumain na muna kami bago kami bumalik sa hotel para magpahinga
------
Matutulog na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Isa itong message mula sa isang unknown number
From:09*********
It's confirmed that Nate didn't die in the accident
Napakunot ang nuo ko sa nabasa ko. Sodrang bilis din ng tibok ng puso ko
To:09*********
Who are you?
Reply ko, at dali-dali naman akong nakatanggap ng message pabalik
From:09*********
It's me ma'am , the private investigator you hired
Agad akong nagpalit ng damit at Inayos ang mga damit ko.
Nag iwan nalang ako ng letter para hindi mag alala sila Yuna
---------
Kurt's POV"Did you saw sab?" Tanong ko ng mamalayan kong kanina pa kami bumalik sa hotel pero hindi parin siya lumalabas
"Baka nasa kwarto " sagot ni yuna
"Meron?" Tanong ko
"Wala na sa loob yung mga damit niya pero may iniwan siyang sulat" malungkot na sabi ni yuna
"Dear Yuna ,
Sorry if had to leave all of a sudden, May emergency lang kaya kailangan kong bumalik sa Manila.
Tell Kurt not to worry, this has nothing to do with the gang or mafia... It's a personal reason, at hindi ko Kayang sabihin sa sulat na ito. But I'll be back.
-Sabrina
"Babalik rin naman pala tol eh,enjoy muna tayo" sabi ni Clyde kaya pumunta nalang kami sa beach at pinaligiran ang Maliit na campfire na ginawa namin habang umiinom ng beer
Idinaan ko nalang sa pag inom ang uncomfortable na Feeling na nararamdamam ko. Sobrang worried ako kay sab lalalo na ngayong magka layo kami
Lumayo nalang muna ako at nag dala ng m 3 bote ng alak
Sa tuwing nauubos ko yung bote nang Alak ibinabato ko Yun sa isang malaking bato kaya nababasag at napupuno na nang bubog yung paligid
Hindi ko pa nakakalahati ang ikatlong bote ng makaramdam ako ng antok, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayaning bumalik sa kwarto namin ng mag isa, kaya naman humiga nalang ako sa buhangin at hinayaang lamunin ako ng antok
------------------—-------
*Kinabukasan*Ang maliwanag na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko ang gumising saakin
"My head hurts!" Bulong ko dahan-dahan tumayo at nagtungo sa baba para kumuha ng gamot para sa hang over, buti nalang meron
"Sir,mag aakyat na po ba kami ng breakfast sa room niyo??" Tanong ng isang babae na siguro ay nasa 20 years old
"Yes, please... Thanks " sagot ko at tumayo na para bumalik sa kwarto namin
Ilang sandali lang ay may kumatok na sa pinto at bumungad ang mga pagkain kaya agad nila iyong inihain sa dining table habang ginigising ko silang lahat para kumain.Buti nalang hindi sila mahirap gisingin, hindi gaya ni sab na namamato pa ng unan, hayyst.
A smile formed in my lips as I remember those things.Kung paano ko siya gisingin,Kung paano ko siya buhatin,Kung paano niya ako batuhin at suntukin....I miss her
"Ano nginingiti ngiti mo Jan?" Pang aasar nila Brent
"Anong ngumingiti, Hayy you're imagining things again " sagot ko habang mahinang tinatapik siya sa balikat
Kumain na kami pero habang kumakain nag kwekwentuhan na din at laging naisisingit si sab sa usapan kaya biglang tatahimik ang lahat pero magiingay ulit
------------------------------------------
A/N: edited chapter
Vote if you liked this chapter
Thanks!
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...