Sab's POV
Buong magdamag akong hindi naka tulog dahil paulit ulit na nag faflash sa utak ko yung picture kung saan nakunan ko si nate sa background
Parang si nate talaga yun.. pero impossible... mag tatatlong taon na din simula nang mamaalam siya. He can't possibly be back from the grave, right?
Siguro na minumulto niya ako kasi matagal ko ng hindi nadadalaw ang puntod niya.
"Ang lalim ng iniisip mo.... may problema ba?" Tanong ni kurt na nagaalalang tumingin sa mga Mata ko
"Inaantok lang ako...hindi kasi ako nakatulog ng maayos" sagot ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya
"Don't worry" pagpapatuloy ko at saglit na ngumiti, hinawakan niya naman ang mga kamay ko bago siya muling magsalita
" magpahinga ka muna dito. Kukuha lang ako ng pagkain " sagot niya bago Lumabas ng kwarto
Napabuntong hininga nalang ako, at inabot ang phone ko mula sa side table at muling Tinignan ang litratong kahapon pa bumabagabag sa isip ko
Ilang beses kong zinoom yung picture at pilit na sinasabi sa isip ko na hindi si nate ang taong yun. Pero Kahit na anong gawin ko... Hindi ko parin maloko ang sarili ko. Sigurado ako na si nate nga ang taong yun.
Napansin siguro nila Yuna ang sunod Sunod na pag buntong Hininga ko kaya naman umupo siya sa tabi ko bago lumapit at tiningan ang litratong kanina ko pa tinitignan
Tulad ko ay natahimik din siya bago tuluyang Mag react.
" S-sab" Gulat na Sabi niya at napatakip nalang sa bibig dahil sa gulat bago tumingin saakin. Ngayon ay Pareho na kaming sunod Sunod ang pagbuntong hininga. Mukhang pareho naming pilit na pinaprocess sa utak namin ang nangyayari
Naagaw na nga namin ang atensiyon nila kim kaya inagaw ni yanie yung phone mula saakin at Tinignan ang litrato kasama sina kim At zhyra at ganun din ang naging reaction nila. Kaya lumapit naman si Ariela at napatulala na lamang siya ng makita ang picture.
"Oh my ghosts!" Sigaw ni kim at inalog ang balikat ko
Napatigil naman kaming lahat ng pumasok si Kurt dala ang sandamakmak na pagkain.
" oh, bakit parang nakakita kayo ng multo" biro ni kurt pero ni isa saamin ay walang balak sumagot kaya muli siyang nag salita
"kumain na kayo" pagpapatuloy niya bago lumapit saakin
" May problema ba?" muling tanong ni kurt saamin
Napatingin. Naman saakin yung lima kaya umiling ako
"W-wala" sagot ni Kim at Inayos na ang mga pagkain sa Mesa Kaya naman nagpaalam na si Kurt at kumain na kami
**********
Matapos naming kumain hindi ko na nagawang matulog, dahil kasalukuyan akong ginugulo nila Yuna" I'm sure hindi lang yun basta multo kasi may multo bang naka beach attire? Huh?" Sabi ni yuna kaya naman napatango sina yanie bilang pagsangayon
" tama siya... Tsaka Mukhang hindi naman edited yung picture" dagdag pa ni zhyra
"Baka naman kamukha lang mga besh" singit ni yana na nakiki sali na din ngayon
" Hayy, I would believe that kung sakaling may kambal si nate, pero for pete's sake! Only son siya kaya panong may 99.9% siyang kamukha " sagot ni yanie
"Hanapin kaya natin dito... sigurado akong nandito pa yun" suggestion ni ariela
"Good idea" sagot naman ni yuna bago nila ako hilahin palabas.
Kasalukuyang natutulog sa tent ang mga boys kaya naman nagtungo kami duon at nadatnang nag uusap si dad at kurt
Nag paalam nalang kaming mamamasyal muna kaya naman pumayag sila, at sinabing mag iingat kami
Kasalukuyang nag papa massage si mom sa hotel kaya siguro si Kurt at napiling Kausapin ni dad ngayon
----------------------------—
Magiisang oras na din kaming naghahanap at parehong sumasakit na ang mga paa namin dahil sa layo ng nilakad namin
"Girls? aren't you tired yet?" Maarteng tanong ni yana
" pagod na din" sagot ni yuna kaya saglit kaming tumigil sa paglalakad
"Sige dumaan muna tayo dun sa malapit na restaurant .Let's get a drink" sagot ko
Saglit kaming nag meryenda at nagpalamig pero habang kumakain ay palinga linga parin ako...nagbabakasakaling makita ko siya sa paligid
------------
A/N: this is edited chapter
Thanks for reading:)
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...