Ken's POV
The moment we arrived in manila, kinapa ko kaagad ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nadismaya ng makitang walang kahit isang message ang girlfriend ko. Iginala ko ang paningin ko, nagbabakasakali na nandito siya ngayon sa airport para sunduin ako pero, kahit saan ako lumingon... Wala akong nakikitang 'yuna'.
Alam niya namang ngayon ang balik namin diba?
Dianial ko ang number niya pero cannot be reached. Sinubukan ko pa siyang tawagan ng ilan pang beses hanggang sa cellphone ko na mismo ang tuluyang sumuko dahil bigla nalamang itong nag shutdown.
Nang makasakay kami sa van pauwi, agad kong hinagilap ang power bank ko at ichinarge ang phone ko doon. I waited for about 10 minutes hanggang sa maabot na nito ang sapat na percentage para makatawag ng kahit isa o dalawang beses. I Just want to jump out of the car and run when it stopped because of traffic. hayy I badly wan'na see my girl.
Nang maihatid ako nila kurt sa bahay, hindi na ako nagpaalam sakanila, at agad-agad na kinuha ang mga gamit ko at nag martsa papasok ng bahay. Their's a possibility na baka umuwi si yuna sa bahay nila pero hinalughug ko parin ang buong lugar hanggang sa sumuko na ako dahil sa pagod.
Umakyat ako sa kuwarto ko at inilapag sa carpet ang mga gamit na dala ko bago ako nahiga sa kama at pumikit. Saglit akong napaidlip at nagising nalang ng maramdamang may tubig na tumulo sa pisngi ko. I opened my eyes and saw yuna infront of me. Naka bathrobe siya at basang-basa pa ang maikli niyang buhok. Agad akong napabangon at napatingin sakanya.
YUNA'S POV
Maaga nanaman akong nagising. Siguro ay mula ng umalis si ken papuntang palawan ay lagi ng madaling araw ang gising ko. I don't know, hindi ako sanay na mag isang matulog sa kama.
5am palang ng maisipan kong maligo dahil ngayon babalik si ken at plano kong sunduin siya sa airport, pero ng makita ko ang bath tub ay naisipan kong magbabad na muna roon. Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagyan ng kung ano-anong pampabula bago ko hinubad ang damit ko at nahiga roon.
Inangat ko ng kaunti ang kurtina sa likod ko at tinignan ang labas. Hindi na gaanong madilim ang kalangitan, hudyat na papasikat na ang araw, marami na rin akong natatanaw na bukas na ilaw mula sa mga kalapit naming bahay.
Muli kong isinara ang kurtina at inayos ang higa sa bathtub. Maaga pa naman, hindi na siguro masama kung magbababad muna ako sandali pero unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko habang pinaglalaruan ang mga bubbles.
Nagising ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni ken. Mas maliwanag na sa loob ng bathroom dahil sa sikat ng araw mula sa labas.
Tumayo ako at isinuot ang bathrobe ko tsaka ako naglakad palabas ng banyo. I saw ken lying on his bed, kaya naman lumapit ako para tignan kung tulog siya. I was about to leave para magpalit ng damit ng bigla siyang magising.
His hair's a bit messy at mapungay pa ang kanyang mga mata, pero mas lalo lamang naging manly ang itsura niya. Napalunok ako at tinignan ang pagbuka ng bibig niya habang nagsasalita.
"I've been calling you!" worried na sabi nito at tumayo para lapitan ako. Bahagya naman akong napatingala sakanya ng halos isang metro nalang ang pagitan namin.
"You did?" inosenteng tanong ko at inabot ang cellphone ko mula sa center table bago ko ito inisccroll para makita ang notifications at nakita ko nga ang mga missed calls and messages niya.
"Ah, sorry... Nakatulog ako sa bathtub, Susunduin pa sana kita sa airport" sagot ko at ngumuso habang nakatingin sakanya. Nanatili lamang siyang nakakunot noo at humakbang papalapit kaya naman umatras ako.
"You need to be punished" seryosong sabi niya habang patuloy parin ang paghakbang papalapit saakin habang patuloy naman ang pag atras ko. Napahinga nalang ako ng malalim ng maramdaman ko ang pader sa likod ko.
"Stop it, ken... I already said sorry, diba?" reklamo ko habang pilit na pinipigilan ang sariling mautal habang nagsasalita. He smirked at my answer at ikinulong ako sa pagitan ng mga bisig niya.
"Ken!" Gulat na sigaw ko at napatingin sa kanya. He's looking at my lips kaya agad kong itinikom ang bibig ko.
"I love it when you look uncomfortable" he uttered with a husky voice. Napalunok nalang ako at nag iwas ng tingin. He held my chin to meet my eyes.
"Next time, don't pout while saying sorry" nakasmirk na sabi niya at siniil ng halik ang labi ko. My eyes are still wide open samantalang nakapikit na ang mga mata niya. Nararamdaman ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya na sumasabay sa ritmo ng puso ko.
My knees are getting weaker as the kiss becomes deeper. Nakapikit na ang mga mata ko at nakapulupot na sa leeg niya ang braso ko. It's midday, imposibleng dulot lang ng gutom o antok ang kakaibang sensasyong nararadaman ko.
I was pre-occupied by my thoughts kaya hindi ko na namalayang nasa kama na pala kami. He was on top of me nang bigla siyang tumigil. Hindi ko alam kung madididsmaya ba ako o matutuwa ng umalis siya sa ibabawa ko at sunod na hinalikan ang noo ko.
"I'm sorry, I wasn't able to control myself" sagot niya at tumayo mula sa kama
"S-san ka p-pupunta?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mautal at mag iwas ng tingin.
"Bathroom" tipid na sagot niya at dali-daling pumasok sa banyo. Nang maisara na niya ang pinto, saka ko palang nakuha ang ibig niyang sabihin kaya biglang naginit ang pisngi ko.
Nakapagbihis na ako ng lumabas siya sa banyo. He was half naked at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa pang ibabang bahagi ng katawan niya dahil kakatapos niya lang maligo.
Maraming beses ko ng nakita ang katawan niya, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan ang pag init ng pisngi ko ng makitang iyon lamang ang suot niya. Siguro ay dahil sa nangyari kanina. Hindi iyon ang first kiss namin... pero that was the wildest. Napailing nalamang ako sa kung ano-anong naiisip at nagpaalam na maghahanda na ng pag kain. And so I did.
Inabala ko ang sarili ko sa pagluluto at pagaayos ng pagkain naming dalawa. The atmosphere was awkward habang sabay kaming kumakain. Napapansin ko ang maya't mayang pagtitig niya kaya wala na akong ibang magawa kundi ang pag irap sakanya na mahinang tinatawanan niya. Although it turned out that way... Bumalik naman sa normal ang lahat pagsapit ng hapon.
Maybe we're so used with each other kaya nakakaya naming burahin agad ang awkwardness... besides we're both adults kaya marapat lang na maging mature kami sa pag iisip at sa pag handle ng relationship.
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
أدب المراهقينSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...