CHAPTER 39
Kurt's POV
Nang mapansin kong malalim na ang gabi at medyo inaantok na rin ako, bumalik na ako sa pampang ng bigla akong mapa-aray dahil sa bagay na naapakan ko.
Inis akong napatingin at nakita ang isang itim na bracelet. May nakasulat roon pero hindi ko makita dahil madilim at hindi sapat ang liwanag ng buwan para mabasa ko ang nakasulat. Napansin ko din'g medyo nasira ko ito dahil sa pagkakaapak ko. Tss, babayaran o nalang ang sira o ipapagawa ko kapag may nag hanap. Inilagay ko nalang iyon sa bulsa ng shorts ko at naglakad na ako pabalik ng hotel.
Nag half bath ako at tuluyan ng natulog dahil sa pagod.
Maaga akong gumising kinabukasan dahil ngayon ko kakausapin ang business partner ni daddy. Tulog pa sina ken kaya hindi ko na sila ginising dahil madaling araw na rin silang natulog kagabi. Malapit lang rin naman ang hotel sa office building ng business partner ni dad, kaya hindi ako natagalang marating iyon.
Malugod naman akong tinanggap ng mga empleyado ng office building na iyon. Nagtungo ako sa front desk at sinabing may appointment ako kasama ang may-ari ng resort . At medyo nairita pa nga ako dahil naging mabagal ang galaw ng babae sa front desk dahil mas nakatuon pa ang atensiyon niya saakin kaisa sa pagtingin sa sinasabi kong appointment.
After a few minutes, I didn't expect na mag pi-prisinta pa ang staff sa front desk na ihatid ako sa kung nasaan si Mr. Ramirez. I have been with a lot of girls before, not that I'm proud,pero obvious ang ginagawang pagpapapansin ng babaeng ito kaya hindi ko maiwasang mairita. She was staring at me the whole time habang nakasakay kami sa elevator, samantalang diretso lang ang tingin ko at hindi siya pinagtutuunan ng pansin.
"Here we are sir" sabi ng babae ng marating namin ang tamang floor, nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalamang ako, hanggang sa huminto siya sa tapat ng dalawang darkwood doors ata agad na kumatok.
"come in" narinig kong sabi ng tao sa loob kaya marahang binuksan iyon nung staff na kasama ko bago siya nagpaalam at umalis kaya pumasok na ako sa loob.
I was expecting to see an actual office pero nagkamali ako dahil may living room, kitchen at king sized bed akong nakita. Yes, may isang malawak na table at swivel chair, pero mas nangingibabaw ang pagiging regular home space nito kaisa sa pagiging office.
"Good day sir, nasa veranda po sila Mr. Ramirez" sabi nang isang babae ng makita ako. Sa tingin ko ay siya ang secretary ni Mr. Ramirez dahil sa ayos niya. Tumango nalamang ako at sinundan siya papunta sa veranda.
"Oh, you're early... Good moning iho!" Bati ng isang lalaki. Malaki ang katawan nito and he's actually good looking despite his age.
"Good morning Mr. Ramirez, I'm kurt rivera" Nakangiting bati ko at inilahad ang aking kamay na agad naman niyang tinanggap
"Have a seat" alok niya kaya agad akong umupo.
"You look a lot like your father, iho" panimula niya kaya ngumiti nalamang ako bago sumagot
"Oh, I get that a lot sir... so, shall we start discussing about business?" sagot ko na ikinatawa naman niya.
"Parehong-pareho talaga kayo ng daddy mo. Both business minded, okay let's start" sagot niya kaya ngumiti nalamang ako at nagsimula ng idiscuss ang dahilan ng pagpunta ko rito.
"Okay! then it's a deal Mr. Ramirez"Nakangiting sabi ko matapos kong idiscuss ang tungkol sa negosyong gustong itayo ni dad.
"Yes, It's a deal" Nakangiting sabi nito at pinirmahan na ang kontrata
BINABASA MO ANG
Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)
Fiksi RemajaSabi Nila, ang true love daw ay unconditional, hindi nakakapagod O nakakasawa Pero, masasabi mo na bang hindi totoo ang love kung nakaramdam ka ng pagod? Hindi na ba totoo ang pag-ibig kung ninais mong makatanggap ng pagmamahal na katumbas ng kaya m...