V- Ang Katapusan

2.9K 49 1
                                    

Ikalimang Kabanata

***

"SABIHIN mo sa akin ang totoo, Padre Simon," seryosong wika ni Padre Arturo, ang kura paroko ng kanilang simbahan. Kasalukuyan silang nag-uusap sa loob ng opisina nito.

Nakayuko siya, hindi alam kung ano ang sasabihin. Gusto niyang magsinungaling subalit hindi niya alam kung kaya niyang panindigan ang mga kasinungalingang balak niyang sabihin. Paano kapag imbestigahan siya? Paano niya lulusutan ang krimeng ginawa niya?

"P-Padre...."

"May isang nakakita sa inyong dalawa ni Madre Martina na magkasama nang hapong iyon."

"S-sino?"

 Namilog ang mga mata niya. Sinigurado niyang walang kahit isa ang makakakita sa kanila nang magtungo sila sa aborsyonista. Naging sobrang maingat siya dahil ayaw niyang mabulilyaso ang plano nila. May nakapatong pang sarong sa ulo ng Madre upang walang makakilala rito.

"Hindi na mahalaga kung sino. Ang tanong ko ang sagutin mo, paano namatay si Madre Martina?"

Mahabang katahimikan ang namayani. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya habang namamawis ng malamig.

"H-hindi..." Inumpisahan niyang magsinungaling subalit natigilan siya. Nakarinig siya ng umiiyak na sanggol. Iginala niya ang paningin sa paligid.

"Ano'ng problema, Padre Simon?"

"Kaninong sanggol ang umiiyak?"

"Sanggol? Wala akong naririnig na sanggol."

Mula nang mamatay si Madre Martina apat na araw na ang nakakalipas ay palagi siyang nakakarinig ng iyak ng sanggol. Hindi siya pinapatulog niyon.

"Meron, Padre. May sanggol." Tumayo siya habang nagpaikut-ikot sa opisina.

Bumuntung-hininga si Padre Arturo, tila nauubusan na ng pasensya.

"Padre Simon, wala akong panahon para makipaglokohan sa iyo."

"Hindi ko kayo niloloko. Totoong may umiiyak na sanggol! Apat na araw ko na siyang naririnig!"

"Maupo ka, Padre Simon."

"Pero—"

"Maupo ka!" malakas nitong sigaw na nagpagitla sa kanya. Napilitan siyang sumunod. Naupo siyang muli at hinarap ito. Kasabay niyon ay ang paghina ng iyak hanggang sa tuluyan iyong nawala. Bahagya siyang kumalma. "Ayaw naming magbigay ng statement sa mga pulis hangga't hindi ka pa namin nakakausap. Kaya sabihin mo sa akin ang totoo, pakiusap."

Magulung-gulo ang kanyang isipan. Kung sasabihin niya ang totoo, matatanggal siya sa pagka-pari at makukulong. Para saan pa na pinatay niya si Madre Martina at ang magiging anak nila?

Subalit ayaw siyang patahimikin ng kanyang konsensya. Buong-buhay siyang magdurusa kapag hindi niya sinabi ang totoo.

Madre MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon