II- Isang Kasalanan

2K 40 7
                                    

Ikalawang Kabanata

WARNING:
May mga sensitive scenes po sa chapter na 'to na maaaring hindi kayo kumportableng basahin. Kailangan ko po kasing isulat para sa development ng kwento. Please read at your own risk. Maraming salamat.

***

INIMBITAHAN siya ni Angelo na dumalo sa birthday party ng ama nito na alkalde ng bayan. Subalit hindi siya sanay sa sosyalan kaya nakapagdesisyon siyang hindi na lang pumunta. Tiyak kasi na mapupuno ng mga mayayamang tao ang party na iyon at maa-out of place lang siya. Sinubukan siyang i-convince ni Angelo ngunit wala itong nagawa sa huli. Humingi siya ng paumanhin at naintindihan naman nito ang dahilan niya.

"Biglaan kasi apo, eh. Pasensya ka na, ah," sabi ng lola niya. Kinuha raw ito bilang isa sa mga servers para sa kaarawan ng Alkalde. Tinanggap nito ang trabaho dahil kailangan nila ng pera. At dahil matanda na ang kanyang lola, naisipan niyang tulungan ito sa trabaho para naman hindi ito gaanong mapagod.

"Okay lang po, 'la. 'Wag po kayong humingi ng pasensya. Natural lang po na tutulungan ko kayo. Hindi ko naman kayo pwedeng pabayaan na magtrabaho do'n mag-isa kung pwede ko naman kayong tulungan."

Nagkatinginan ang kanyang lolo't lola saka nagngitian. Sabay siyang niyakap ng mga ito ng mahigpit.

"Napaka-swerte talaga namin sa'yong bata ka," wika ng kanyang lolo na bakas sa boses ang pagmamahaln para sa nag-iisang apo.

"Ano ba, nagda-dramahan na tayo dito. Sige na, 'la, magbibihis na ako at nang makapunta na tayo sa mansyon."

"O, sige. Bilisan mo't baka maiwan tayo ng service na maghahatid sa'tin do'n."

Naisip ni Martina na kahit pala hindi niya tinanggap ang invitation ni Angelo, makakapunta pa rin pala siya do'n. Iyon nga lang, hindi bilang isang bisita kundi bilang isang sirbedura. Wala naman iyong problema sa kanya. Masaya na siya na makikita niya ang boyfriend niya kahit hindi niya ito malalapitan. Excited na rin siya sa magiging reaction nito 'pag nakita siya nito mamaya sa party. Tiyak na magugulat ito.

"Isu-surprise ko siya," masaya niyang wika habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng buhok.

Isinuot niya ang bagong biling puting blusa na hanggang binti ang tabas. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot at nakahantad rin ang kanyang balikat. Wala naman sigurong masama kung magpapaganda siya. Hindi porke't hindi siya kasingyaman ng mga bisita sa party ay hindi na siya pwedeng magmukhang presentable. Gusto niyang maging mas maganda para kay Angelo.

Tama nga siya, punung-puno ng mga mayayamang tao sa kanilang bayan ang party. Halos mangliit siya sa sarili nang makita ang suot ng mga tao ro'n. Pero hindi na siya nagkaro'n ng oras na hanapin pa si Angelo dahil kailangan na nilang magtrabaho.

"Sino'ng nagsabi sa'yo na ganya'n ang suotin mo?" istriktang paninita ng mayordoma sa kanya.

"Bakit po? May problema po ba sa suot ko?"

"At talagang nagtatanong ka pa? Syempre, may problema! Magrereklamo ba ako kung wala?"

"Pasensya na, pero wala naman akong nakikitang masama sa suot ng apo ko," depensa ng kanyang lola.

"Ay, Lola, pasensya na rin, pero katulong kayo dito, hindi bisita. Eh 'yang suot ng apo ninyo, parang gusto pa yata niyang makisali sa party, eh. Mga katulong po tayo dito. Matuto tayong ilugar ang mga sarili natin."

Madre MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon