Epilogue

2.3K 64 10
                                    

"KRISTINA, anak, patawarin mo ako. Patawarin mo ang Daddy. Mahal na mahal kita."

Napabalikwas siya ng bangon nang makarinig ng pamilyar na boses. Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Walang ibang tao. Siya lang. Subalit nakabukas ang bintana. Dahan-dahan siyang bumangon at bumaba sa kanyang kama upang isarado iyon. Napadaan siya sa kinalalagyan ng orasan at napag-alamang alas dose na ng hatinggabi. Nang maisara niya ang bintana ay babalik na sana siya sa kanyang kama. Ngunit natigilan siya nang...

"Inutil ka, Kristina! Wala kang silbi! Sinabi kong huwag mong pababayaan ang kapatid mo, hindi ba? Ano'ng ginawa mo? Inuna mo ang sarili mo! Ngayon, pati siya ay kasama naming nagtitiis sa impyerno! Wala kang kwenta!"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Halos hindi siya makakilos. Boses iyon ng Mommy niya. Subalit hindi niya ito makita kahit ilang beses na niyang sinuyod ang kanyang kwarto.

Masakit ang mga binitiwan nitong salita. Mahirap tanggapin ang galit nito. Hindi niya ginusto ang mga nangyari sampung taon na ang nakakalipas. Masakit para sa kanya iyon. Para  na rin siyang pinatay. Hindi na naging mapayapa ang buhay niya mula nang gabing iyon. Tuluyang nagbago ang buhay niya bagaman nakaligtas siya.

"Ate... Ate..."

"Ernie?" Napaluha siya nang marinig ang boses ng kapatid.

"I miss you, Ate."

"I miss you, too, Ernie. Miss na miss na kita." Tuluyan siyang napahagulhol. Sobra-sobra ang pangungulila niya sa kanyang pamilya.

"I love you," masiglang wika nito bagaman hindi niya nakikita.

"I love you, too. I love you, too, Ernie. Ate loves you so much."

"No, you don't." Biglang nagbago ang tono nito. Nagkaroon ng kakaibang intensidad, punung-puno ng emosyon... ng galit.

"Ernie, that's not true. I love you. Mahal na mahal ka ng Ate at nami-miss na kita."

"Liar! I hate you!"

"Ernie, please—"

"Iniwan mo ako. You're selfish, Ate! Selfish ka!"

"Ernie, please forgive me. Hindi ko sinasadya." Subalit hindi na ito muling sumagot. "Ernie? Ernie, naririnig mo ba ako? Mahal ka ng Ate. Hindi ko ginustong iwan ka. Mali ako. Please, patawarin mo ako. Mommy! Patawarin mo ako. I'm sorry I failed you."

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa mapansin niyang nagpatay-sindi ang ilaw. Kinilabutan siya.

"Kristina..."

Mula sa kaharap na salamin ay nakita niya ang isang pamilyar na imahe na nakatayo sa kanyang likuran. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan sa kabila ng paglipas ng sampung taon. Nakatatak na ang imaheng iyon sa kanyang memorya.

"Madre Martina."

Bigla ay hindi siya makagalaw. Tila may pwersang pumipigil sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng malalamig nitong kamay sa kanyang balikat.

"Ano'ng kailangan mo?"

"May regalo ako para sa'yo."

Napansin niya ang hawak nitong itim na crucifix. Unti-unting ikinabit iyon ng Madre sa kanya. Ayaw niya. Gusto niyang manlaban subalit mas malakas ito. Matagumpay nitong naikabit ang crucifix sa kanya. Kasabay niyon ay nakaramdam siya ng kakaibang init na bumalot sa kanyang katawan.

"A-ano'ng... ano'ng ginawa mo..."

"Shhh..." Inilapit nito ang bibig sa kanang tenga niya habang nakangisi. "Mula sa gabing ito ay susundin mo ang lahat ng ibubulong ko."

Tumindig ang balahibo niya. Isang pwersa ang tila nag-utos sa kanyang tumango, bagay na ginawa naman niya nang labag sa kalooban.

"Masaya ka na ngayon, hindi ba? May bago ka ng pamilya na kumupkop sa iyo. Minahal ka nila at itinuring na parang kadugo nila."

"Ano pa ba'ng gusto mong mangyari, Madre Martina?"

"Sirain mo sila."

"A-ano?"

"Napapansin mo ba ang madalas na pagtitig ng Papa mo tuwing bagong paligo ka? Nakikita mo ba ang apoy sa kanyang mga mata tuwing nasa trabaho ang Mommy mo at nasa eskwelahan ang kapatid mo?"

"H-hindi kita maintindihan."

"Pagbigyan mo siya."

"Ano?!" Nahindik siya sa narinig.

"Sa gabing ito, habang magkatabi silang natutulog ng Mama mo, papasok ka sa kwarto nila. Gigisingin mo ang Papa mo. Dadalhin mo siya sa kwartong ito at ipapatikim mo sa kanya ang langit dito sa lupa."

"P-please... 'wag..."

"Isang sanggol ang mabubuo sa gabing ito."

WAKAS

Madre MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon