[DETENTION ROOM]
Ianne's POV
Nagtagal ako kakahanap kung nasaan ba ang Detention Room.
At sa wakas, nakita narin kita.
Pagkapasok ko palang sa detention ay agad na bumungad sakin ang nakataas na kilay ng lalaking kaedad ko lang.
"You are?" Tanong nya.
"Ow, Ianne, Ianne Gonzales" pakilala ko at umupo sa tapat ng table nya. New School. New Prof. New Detention and New President. Awesome.
"I see, im Steven Lancaster" pakilala nya .
"What's my punishment?" Tanong ko agad sa kanya na medyo ikinabigla nya.
"Well, aware ka ba na ikaw ang kauna unahang bumagsak dito sa Detention Ms. Gonzales?" Tanong nya na ikinataas ng kilay ko.
"I dont care" mabilis kong sagot na medyo ikinanganga nya. Bakit ba? Ano bang problema nila? E sa gusto ko dito e.
"A-ahm, so, just read those 5 books, thats your punishment for now" sagot naman nya. Psh. 5 books? Ang dali naman. Tiningnan ko muna ang wrist watch ko at it says its 2:30 in the afternoon, well hanggang Labasan na'to. Yes!
Tapos ko nang basahin ang apat na libro pero bakit 3:10 palang!? Tapos ang labas ko pa e 4:00. Argh! Nagbasa nalang ulit ako. Ilang minutes pa at natapos narin ako. Sa kakabasa ko ng libro everytime na mababagsak ako sa Detention ay nasasanay narin akong magbasa ng mabilis.
"Im done, Mr. Lancaster" seryoso kong tugon. Napatingin naman sya sa gawi ko at di makapaniwalang tiningnan ako pati narin ang mga librong nasa gilid ng mesa.
"That was so fast Ms.Gonzales." he says.
"Im used to it Mr. Lancaster" direktang sagot ko sa kanya.
"Y-youre always reading werent you?" Tanong nya na may pagkamangha.
"Yeah, everytime, uh always rather. Kapag babagsak ako sa detention room sa dati kong school. Thats why im used to it." I said straightly at nginitian sya. Lalabas na sana ako pero tinawag pa nya ako.
"Are you serious?" Halata sa muka nya ang pagkabigla.
"Im damn serious Mr. Lancaster" at pagkasabi ko nun isinara ko na ang pinto at lumayas na. Maglalakad na naman ako pauwi dahil lang sa hinatid na naman ako ng Ian na yun! Hays.
*bzzzz
"Wh--" he cut me off
"Go home now and take care" and with that he ended up the call. Nakakabastos lang kapag tatawag sya tapos pag nasabi na nya yung gusto nyang sabihin e ibababa na nya ang tawag.
"First Day na First Day mo sa school mo tapos sa detention agad ang bagsak mo! Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak mo?" I wonder kung pano nya nalaman its because of the owner of that fucking school Nathan Montecarlos. My Cousin. Since im the only one who enters the Detention Room that they called Hell. The news is now casted. Duh? As if i care?
Nakakainis. kauuwi ko lang pero heto, binubungangaan na naman ako ng magaling kong kapatid.
"Hindi ka ba proud sakin Ian? Ako ang kauna unahang estudyante na pumasok sa Detention nila which is tinatawag nilang Hell. Isnt it Amazing?" Nakangiti kong tanong na may pagkasarkastiko. Aasarin kona lang to para naman hindi na lumaki pa ang gulo.
Napailing nalang sya at tinalikuran ako. Aba bastos to ah. Hmp. Umakyat ako sa kwarto ko at humiga. Nagpalit ng pangbahay at bumaba para kumain.
"You know what Ian. I miss the gang." I said habang kumakain kaming dalawa.
"Me too," sagot naman nya. Ang boring nya kausap ah.
"Ian, wag mo na akong ihatid bukas. I can handle myself" sabi ko pa sa kanya.
"Fine" sagot naman nya. Teka nga bakit ba ganyan sya? Ang cold nakakainis.
"May problema ka ba?" Tanong ko.
"Uhh, wala medyo busy lang " sagot naman nya. Psh. Kumain nalang ako at ng matapos ay umakyat nalang ako sa kwarto para magpahinga na.
Franz's POV
Nang matapos ang klase ay nagsibalikan ang gang sa headquarters.
Gabi na pero dito namin napag isipang matulog. Dahil may ikekwento daw silang kakaiba tungkol dun sa transferee. Sya pala yung sinasabi ni blaze na new transferee .
"Ano ba yon ha?" Inis na tanong ko kina dylan.
Kanina pa kasi sila . Porket nakasama nila sila Faye sa pag kain nagkakaganyan na.
"Ako may ikwkwento din" sabat naman ni steven.
"Ano naman yon?" Tanong ko.
"Tungkol dun sa kauna unahang babae na nakapasok ng Detention" sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Hoy steven! Si gonzales ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Blaze sa kanya.
"Kilala nyo sya?" Nagtatakang tanong naman ni Steven
"Gago ka ba,? Kaklase naten yun. Ang kaso nga lang president ka, so wala kang time para pumasok.Malas mo" tumawa naman si blaze ng nakakaloko.Habang yung tatlo ay nagcecellphone. sila Dylan,Carlos at Van.
"Ikwento nyo na" sabi ko dun sa tatlo. Si Blaze, Steven at Francis.
"Ganito yun, pagkapasok namin ni Francis sa classroom nakita namin si Gonzales na nagsusulat napatingin sya sa direksyon namin pero walang reaksyon at nagsulat na ulit. Partida dre, nasa likuran nya lang kami pero hindi nya kami napapansin, at nung matapos sya magsulat, nakita naming ginasumot nya yung papel at binato nya yung papel sa unahan. Bulls Eye! Sakto sa muka ni Ms. Guillermo, Awesome!" Kwento ni Blaze at nagdemo pa sya na parang nagpashoot ng bola sa ring.
"At nung basahin ni Ms. Guillermo yung sulat ay namula ang muka nya at ihinarap samin yung papel na nakasulat this class isnt interesting, its boring you know? Na mas lalo nyang ikinagalit. At nung tiningnan namin si Gonzales, nagtaas sya ng kamay, ang akala namin ay tatanggi sya but were wrong. Sinigawan sya ni Ms. Guillermo at pinapunta sa Detention Room" manghang manghang kwento nung dalawa. At si Steven? Ayun nakanganga. Isinara ko nga.
First Ever Lady who enters the Detention Room with no fear. Who are you Gonzales? . Bigla ko namang naalala yung palaging kinekwento sakin ni Yuan na babaeng nasa detention room. Parehas sila.
"At eto pa, nung nasa detention room ako para ayusin ang papeles na ipinaaayos ng headmaster ay biglang bumukas ang pinto. Nabigla ako sa babaeng pumasok at tinanong ang pangalan. Its Ianne Gonzales. Mukang hindi nya ako kilala dahil ang tinawag nya sakin ay Mr. Lancaster. Hindi ko sya makitaan ng kahit anong kaba. Para bang sanay na sya sa punishments. At ang mas ikinabigla ko pa, ay ang mabilis nyang pagbabasa . Biruin mo yun? 5thick books ? She finish it in just 1 hour. At nung tinanong ko sya about dun, she answered she used to it lalong lalo na sa dati nyang school na pinapasukan. And eto pa, sa dati nyang school, palagi syang nasa detention at sumasabak ng kung ano anong punishment" patuloy ni steven. At nang marinig ko yung word na 'dating school' ay bigla kong naalala yung Ms. Detention Room na nagustuhan ni Yuan. posible kayang sya lang din yun? Pero imposible, bakit naman sya lilipat?.
Medyo napanganga na pala ako kaya isinara ni Francis ang bunganga ko.
------------