[Meet Him]
Franz's POV
Kagagaling ko lang sa RockCrystal Academy dahil sa kaibigan ko at Kadarating ko lang din sa school namin dahil sumakit ang junior ko, Walangyang babae yun, matapos akong banggain, sya pa ang may ganang manakit. Hindi nya yata kilala ang isang Franz Vincer Magnaye.
Dumiretso agad ako sa headquarters ng grupo para magpahinga.
*bbzzzzz
Nagvibrate ang phone ko at tiningnan ang callers ID.
"Yuan?" Bungad ko sa kanya.
"Nakauwi kana ba?" Tanong naman nya.
"Nasa school namin, why?" Tanong ko pabalik habang naglalakad patungo sa kwarto ko sa loob ng headquarters. Nasa loob ang gang at busy sa kani kanilang gawain.
"Kagagaling lang nya dito" cold na sagot nya.
"Kagagaling? Bakit? Diba nga dyan lang sya hanggang lunch? E bakit mo pinaalis?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. Weird kasi yung babae kaya nagkainteres ako ng konti. Konti lang naman. Bihira lang ako makaencounter ng isang babaeng palaging nasa Detention Room. At mukang natamaan ang kaibigan ko sa kanya. Well, ngayon ko sana imemeet kaso nakaalis na pala.
"You wouldnt dare to know Fire." Sagot pa nya. Tss.
"Well i dare you. " paghahamon ko pa. Curious ako kung bakit e.
"Fine, Eto ang unang araw na nagalit ako sa kanya. Sa sobrang lakas ng ringtone nya e nainis ako. Inaasikaso ko pa naman ang pinapagawa sakin ng head , hindi ako makapagconcentrate dahil ring ng ring ang phone nya tapos nakatitig lang sya dun. Thats why i shouted her. And her reaction? Nginisian lang ako At dahil itinapat pa nya sakin yung phone nya e lalo akong narindi kaya pinalayas ko na sya dun. Mababaliw ako sa babaeng yun." Mahaba nyang paliwanag. Psh. Well, annoying pala sya ha.
"Well, maybe next time, ill meet her. Shes interesting" sabi ko pa at muka namang nagselos agad ang mokong at pinatayan ako ng tawag psh. That guy. Well, Ms.Detention Room we will meet soon.
"Hoy Franz, anong nginingiti ngiti mo dyan ha!?" Sigaw sakin ni Dylan na dire diretsong pumasok sa kwarto ko. Walangya din to oh, hindi marunong kumatok.
"Wala, may naalala lang" palusot ko na lang.
"Woahh, babae yan no?" Pang aasar naman ni Van at pumasok narin sa kwarto ko.
"Magtigil nga kayo! At sinong nagsabing pumasok kayong dalawa dito ha!? " tumayo ako at itinulak sila papalabas. Ng makarating kami sa sala. Binitawan kona sila.
"Announcement: Franz Vincer Magnaye, also known as Fire. INLOVE!" Sigaw ni Van at dahil dun napangiti ng nakakaloko ang buong gang. Shit! Binatukan ko naman sya dahil sa sinabi nya.
"Mga gago!" Sigaw ko at pumunta sa kusina para kumuha ng inumin. Narinig ko namang nagtawanan lang sila at nagsibalikan na sa ginagawa nila.
Bumalik ako sa sala at nakinuod nalang. Nang biglang pumasok si Francis .
"Hoy Francis! Saan ka naman nanggaling ha?" Bungad ni Steven sa kanya.
"Kararating ko lang" sagot nya naman.
"Nagugutom na ako, tara sa canteen!" Pagyayaya naman ni Carlos. Nagugutom narin naman ako kaya medyo sumang ayon ako sa kanya. Iniwan na muna namin ang ginagawa namin at dumiretso sa canteen.
Oh my G! Ayan na silaa.
Oo nga, ang gagwapoo
Shit, isang ngiti lang sakin ni Franz. Masaya nakoo.