[That Shoes]
Ianne's POV
"GoodMorning Cervantes" bati ko sa kanya pagkapasok ko pa lang ng detention.
Hindi nya ako pinansin at nakatutok lang sa ginagawa nya. Tss.
Umupo nalang ako sa tapat ng table nya at nakapalumbaba. Maya maya pumasok si bitch at padabog na umupo sa harap ko habang nakatingin ng masama sakin. Kinindatan ko lang sya.
"Hoy Cervantes! Punishment!" Sigaw ko sa kanya at nabigla si Farah na nasa harap ko sabay tingin kay cervantes.
He cleared his throat at tumingin sakin.
"Just clean the science lab Gonzales. And you, read those books" sabi nya at lumabas na ako ng detention. Kawawang transferree nadetention kaagad Bwahahahahaha. *evil laugh*
Naglalakad na ako papuntang science lab ng makasalubong ko si Francis.
"Oh francis, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Ah sa gym, magbabasketball, gusto mong manuod?" Nakangiting tanong nya. Napaisip naman ako. Bahala na si Cervantes sa punishment na binigay nya. Duh? Ianne Gonzales yata to ^_^
"Sige" sabi ko at hinila na sya. Excited much.
"Teka, kukunin ko pa ang bola sa headquarters e" sabi nya .
"Ganun? Edi kunin muna natin, tara na" sabi ko ulit at pumunta na kaming headquarters.
"Hintayin moko dito ha?" Sabi nya at umupo muna ako sa sofa . Pumasok sya sa isang kwarto. Kanya yata yun.
Nagtingin tingin naman ako sa buong headquarters nila. Para natong bahay e.
Isang sapatos ang umagaw ng pansin ko na nakalagay sa shoe rock sa gilid nung pintuan. Lumapit ako dun at tiningnang mabuti. T-teka, ito yung puma shoe nung lalaking papuntang CR. Tiningnan ko pa yung nasa second row at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung sapatos na suot nung bumaril kay Sincerity. Clark shoe.
"No,no,no, this cant be" bulong ko sa sarili ko at yumuko.
"Ianne? Tara na" dinig kong sabi ni francis at nilingon ko sya. May hawak na syang bola at palapit na sa direksyon ko.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya ng makalapit sya sakin. Great. I need to calm down. Inhale. Exhale.
"Y-yeah, im fine" nakangiti kong sagot sa kanya.
"By the way, kaninong sapatos to?" Nilaksan ko ang loob kong nagtanong.Mikaela Montecarlos mode. Tinuro ko yung puma shoe.
"Ah yan ba? Kay Franz yan" sagot nya. So hindi sya yung pumatay.
"Eh eto?" Turo ko dun sa second row na clark shoe. Nakakunot na ang noo ni Francis marahil ay nagtataka sya pero wala akong pakialam .
"Kay Steven, bakit mo tinatanong?" Ayan curious narin sya.
"Wala, ang ganda e, aarburin ko sana. " nakangiti kong sagot sa kanya. Napatawa naman sya at umiling uling sabay gulo ng buhok ko na parang bata.
"Tara na, hinihintay na ng gang ang bola" sabi nya at hinila ako. Pero kailangan ko ng umuwi para makapagplano.
"T-teka" sabi ko sabay hila ng kamay ko. Nandito na kami sa may hallway.
"Bakit?"
"Sumakit kasi bigla ang ulo ko, uuwi nalang muna ako." Sabi ko sa kanya at hinilot hilot ang sintido ko. Wooo! Best actress kana nyan ianne.
"Ganun ba? Gusto mo hatid muna kita?" Nag aalalang tanong nya. Pero umiling lang ako.
"No, kaya ko na. Just go" sabi ko sa kanya at tumalikod na. Narinig ko pang tinatawag nya ako pero hindi ko na sya pinansin. Napangiti ako ng makarating ako sa parking. Best Actress kana talaga Ianne. 'I need to make a plan' yan yung nasa utak ko habang nagmamaneho na pauwi.
Franz's POV
Matapos ng klase kanina kay Guillermo ay pumunta nalang kaming gym para maglaro.
"Oh dre, bakit ang tagal mo?" Bungad ni steven kay Francis.
"Wala" sagot na lang nya at hinagis ang bola kay steven na agad naman nyang nasalo.
Hinagis ni steven ang bola sakin na nasalo ko at ishoshoot kona sana sa ring ng may humarang sa bola. Si Shawn, yung lalaking mayabang na bumangga sakin nuon. Kinuha nya ang bola at hinagis sakin na sinalo ko naman. Gago to ah. Hindi pa nadala.
"One on one" hamon nya. Yabang ng lalaking to ah.
"Hinahamon ka dre" nakangising bulong ni dylan.
"Kaya mo yan" sabi pa ni steven sabay tapik sa balikat ko.
"Tsk, hindi nadadala ang gagong yan ah" Van.
"Game" sabi ko sa kanya at drinible ang bola. Nasa may bench na ang gang at kaming dalawa lang ng gagong to ang nasa court.
"Unang maka three points" sabi nya .
"Kapag natalo ka, gagawin kong impyerno ang buhay mo" nagbabanta kong sabi sa kanya na ikinangisi lang nya. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang nito. Ipinasa ko sa kanya ang bola at agad na nagdribble sya. Nakaabang lang ako sa bola para maagaw pero nakangisi lang sya , sinubukan kong agawin ang bola sa left side nya pero nilipat nya agad yun sa right side at umikot sabay shoot ng bola sa ring. Nakapoint tuloy ang gago. Teka, three points daw diba? Hmm. Wala naman rule. Kaya okay lang. Dinig ko ang cheer ng nga babae dito sa gym. Shit dumadami na ang nanonood tsk. Nagdribble ulit sya at nakangisi. 'Magpakasaya ka lang. Mamaya impyerno na ang buhay mo.' Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya ng matiim habang nagdidribble sya. Triny ko ulit agawin, at yun ulit move nayun ang ginamit nya. Yun lang ba ang alam nya? Tss. Pathetic. Two points na. Its now my turn.
"Go Franz! Whoooooo! We love youuu!"
"Kaya mo yan Franzzz!!whoooo!"
Dinig kong sigaw na naman ng nga babae. Hindi ko sila pinansin at inagaw ang bola sabay takbo sa three points line at duon nag dribble. Nakaabang si Shawn na mukhang nakaramdam na ng balak ko. Sinubukan nyang kunin yun sa left hand ko pero nilipat ko lang sa right. Kinuha nya ulit pero nilipat ko ulit sa left . Nakikita ko na ang pagkairita sa mukha nya . Inangat ko na ang bola at shinoot na sa ring. Umikot ang bola na ikinatahimik ng lahat.
"Whooooooooo!!!! WE LOVE YOU FRANZ!!!" Sigaw nung mga babae. I won.
Tinapik ko si shawn sa balikat na halatang dismayado.
"Congrats dre!" Bungad sakin ni steven at naghighfive.
"Celebrate na yan! Whoo!" Sigaw ni Dylan. At nagtatawanang lumabas kami ng gym.
----------------
Every Friday po ang Update ^_^