Chapter 12

45 8 0
                                    

[THE NEW PRESIDENT]

Third Person's POV

Sapphire. Yun lang ang alam kong info nya. At ang palatandaan ko ay ang rose tattoo sa left arm nya. Never ko pang nakita ang mukha nya dahil sa mask nya at never kong nalaman ang tunay nyang pangalan. Tanging si kuya lang ang nakakaalam kung sino sya pero pinatay nya. Sapphire, hahanapin kita, magbabayad ka sa pagkamatay ng kapatid kong si Loujean .

Franz's POV

Nandito ako sa bahay kasama ang mga maids. Hindi pa nauwi ang ate thalia ko kaya naman ako lang mag isa dito .

*bzzzz

"Napatawag ka yuan?" Bungad ko sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalam na sa Black Domino Academy na ako papasok" sabi nya at dahil dun nanlaki ang mata ko.

"T-talaga? Sounds good, nasan ka ba?" Tanong ko.

"Nasa Academy na, iniintay lang ang board of trustee, .. oh nandito na sya , lets just talk again later" sabi nya at pinatay na ang tawag. Teka, bakit sya nagpalipat? Tumayo na lang ako at nagbihis na ng uniform para pumasok.

Pagbukas ko ng headquarters nadatnan ko sila dylan na kumakain.

"Hoy steven! Sino nang bagong president?" Bungad ko sa kanya. Iba ang kutob ko sa pagtawag sakin ni yuan. May pakiramdam din ako na sya ang papalit kay steven since sanay sya sa ganung responsibilidad.

"Chill, bakit ba? Tatakbo kabang presidente? Ayos yan dre" asar pa nya habang kumakagat nung cookies. Tss.

"Hindi, Ikaw ang tumakbong presidente. Bago ka pa maunahan ng iba!" Sigaw ko sa kanya at dumiretsong kwarto. Shit.

Steven's POV

"Problema nun?" Tanong ko kina francis na nakikikain din ng cookies.

Nagkibit balikat lang sila at kumain na. Loko talaga yung si Franz.

Nandito na kaming lahat sa room at iniintay na lang ang adviser namin.

Maya maya lang dumating na sya.

"Goodmorning class" bati nya at bumati naman kami pabalik .

"So, i have something to say about Ms. Ianne Gonzales." Napatutok naman ang tenga namin ng marinig namin ang pangalan ng babaeng inaabangan namin dito sa classroom. "She's now at the hospital at kasalukuyang nagpapagaling dahiL inatake sya ng ulcer, thats why dinismiss ko kayo last meeting at nakausap ko ang guardian nya about that" paliwanag pa nya. Kaya pala ilang araw na syang wala dahil dun. Nag alala tuloy ako. Tiningnan ko ang reaksyon ng buong barkada at bakas sa mga muka nila ang pag aalala at lungkot. Tss mga bading. Bakit ganun? Ang lakas ng epekto namin sa babaeng yun? E basagulera naman, laging nasa detention, laging late, walang ganang mag aral. Pag sya ang pinag uusapan ang titino namin. Ay ewan.

Hindi ko namalayan ang oras at break na. Nagpunta kaming headquarters para kainin yung natitirang cookies.

Nang biglang tumunog ang speaker sa buong school.

"I would like to call the attention of all students in Black Domino Academy, Let me introduce our new President from RockCrystal Academy the best among the awesome Mr. Yuan Cervantes. Thankyou." At namatay na ang speaker . Pakiramdam ko parang naagawan ako ng pwesto pero ayos na rin yun. Para naman makapagrelax na ako at makasabak na muli sa mga labanan.

"Sinasabi ko na sayo, tumakbo ka ulit na president ayan naunahan kana" sumbat sakin ni Franz na iiling iling . May point naman sya dun kaso hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng Head Master .

Ianne's POV

"Pwede kana daw madischarge mamaya, masaya kana?" Tanong ni Ian na nililinis ang pinagkainan namin.

"Miss ko na si Detention" malungkot kong sagot na ikinakunot ng noo nya.

"Baliw ka talaga, gusto mo magpalagay ako ng Detention Room sa mansion? Tapos kapag papagalitan kita sisigawan kita ng 'MS.GONZALES! PROCEED TO THE DETENTION ROOM NOW!' " sabi ni Ian at nag ala teacher pa. Nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa inasal nya.

"loko ka talaga, kamusta nga pala yung si Sincerity?" Tanong ko sa kanya na ikinaseryoso nya.

"May problema ba?" Tanong ko ulit.

"Patay na sya" sagot nya na ikinabigla ko.

"Ano!? B-bakit? Napatay ko ba sya?" Nagpapanic na tanong ko. Imposible yun. Dapat daplis lang dahil una nyakong binaril kaya naout of balance ako at naiputok ko ng bigla ang baril.

"Shh, calm down mika, ang sabi ni Nathan, hindi nagtutugma sa baril mo ang balang tumama sa katawan nya at konti lang ang nakakaalam nun dahil gusto nilang palabasin na ikaw mismo ang pumatay sa kanya" paliwanag nya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. "Sige na magpahinga kana ulit, malamang napagod ka dahil sa sinabi ko" asar pa nya. Loko talaga to.

"Sige na nga, tutulog nako. Iloveyou kuya " sabi ko sa kanya .

"Iloveyoutoo my queen" sabi nya naman at hinalikan ako sa noo ko.

------------

Hot Mess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon