[They Meet]
Ianne's POV
Nang maasikaso na ni Ian ang pag atake ng Red Devil Gang ay nagdesisyon sya na mas lalong higpitan ang pagbabantay saakin. Dahil ako mismo ang puntirya ng gang nayon, Marahil ay nabalitaan na nila ang pag-alis ko sa Korea. At dahil hindi naman nila kilala ang itsura ko at ang tanging palatandaan lang nila sakin ay ang tattoo ko sa left arm ay ligtas parin ako bilang Ianne Gonzales. Yun nga lang dapat na mag ingat ako dahil maaaring nagkalat lang sila sa paligid ng hindi namin namamalayan.
Nakatitig lang ako sa kisame ng maramdaman ko ang pagkaboring.
"Ano hanggang titigan nalang ba tayo ha?" Tanong ko sa kisame. Tsk. Mababaliw ako dito e. Hindi naman ako makalabas dahil ang daming tauhan ni Ian na nagkalat sa buong mansion, nakakainis. Para kang preso sa sarili mong mansion. Psh.
Nasa kalagitnaan ako ng pagka occupied ng biglang may pumasok sa utak ko.
A brilliant idea para makalabas.
Nilock ko muna ang pinto at nagbihis . High waist Skinny jeans at loose gray shirt, at yung rubber shoes ko . Nagdala rin ako ng small bag na kakasya ang revolver calibre 38 ko , hindi ako sanay ng hindi ko dala ang baril ko. Nakatago yun kaya hindi basta basta makikita ng guards sa mall . Sumilip muna ako sa baba ng balcony ko at tumalon. Mabuti nalang at walang bantay. Sa likod ako dumaan para walang makakita sakin. Nang makalabas ako ng mansion ay nagmadali na akong lumabas para magpunta sa mall. Magpapalamig lang ako. Ano bang masama dun? Diba? Diba ? Diba!? .
Taas noo akong naglalakad mag isa habang patungo sa National Book Store. Madami daw bagong books ngayon kaya trip kong bumili kahit isa man lang.
Nang makapasok ako dun ay nagtingin tingin muna ako.
*bzzzzz
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ito. Shocks! 50missed calls? Seriously? Binuksan ko ang text message ni Ian sakin.
"Mikaela Montecarlos! Where are you! Umuwi kana bago pa kita pasundan dyan sa mall."
Pagkabasa ko nun ay napabuntong hininga nalang ako. I wonder kung bakit nya alam na nandito ako. Tracking Device Hayst! Nireplayan ko sya pero habang nagtatype ay naglalakad lakad ako para naman hindi ako mapagkamalang ewan na nakatayo lang dun diba duh? .
"Just wait Ian, bibili lang ako ng isang book. I promise. " reply ko sa ka----
"What the heck!" Sigaw ko ng may bumangga sakin. Nakakainis!
"Im sorry mi----" napatigil sya ng makita nya ang itsura ko. Teka, anong meron? B-baka kalaban to ah. Pasimple kong dinukot ang baril ko sa bag at---
"Its you again!" Inis na sambit nya. Teka nga sino ba to?.
"What me? Are you crazy Mister?!" Pagtataray ko sa kanya at sinara na ulit ang bag ko. Muka namang hindi to kalaban e.
"Anong what me! Ikaw yung sumipa sa junior ko! And how dare you para gawin yun ha!" Ay shocks! Sigawan daw ba ako? Oh ayan, nasa amin na tuloy ang attention ng mga tao dito. Teka nga, so sya pala yun?
"Oh, so its you. Well then, im sorry mister who-ever-you-are. Im in a hurry that time kaya yun." Nakangiti kong paliwanag sa kanya. Aalis na sana ako pero hinila nya ako papalabas ng NBS. Gosh. Whats his problem!
Hilahin daw ba ako hanggang parking area. Which means kaming dalawa lang. Gosh! Isang maling galaw lang ng lalaking to at malilintikan sya sakin.
"What your fucking problem!? Sigaw ko ng bitawan nya ako.
"Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sakin!" Sigaw nya. Wow.
"Okay, magkano ba?" Sarkastiko kong tanong at binuksan ang Shoulder bag ko.
"I dont need your fucking money!" sigaw pa nya dahilan para mainis ako. Sa lahat ng ayoko ay ang sinisigawan ako.
"Eh bakit kaba sumisigaw ha!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Hindi ako sumisigaw!!" Aba, hindi paba sigaw yun? Gago to ah.
"E anong tawag mo dyan!" Sigaw ko din pabalik.
"Bakit! Sumisigaw ka din naman ah!!" Palusot pa nya at dahil dun nainis na talaga ako. Tinalikuran ko na sya at umalis nakakagago yon ha.
"Hoy! Sisingilin pa kita!" Sigaw nya .
Tinaas ko ang kamay ko at binigyan sya ng dirty finger patalikod. Gago.
"Mula ngayon, hindi kana pwedeng lumabas mag isa! Kung gusto mong mag mall, magsama ka naman kahit isang body guard lang, Ghad Ianne! Youre driving me crazy" sumbat na naman sakin ni Ian pagkauwing pagkauwi ko pa lang.
"Youre always crazy Ian" pagtataray ko sa kanya.
"Now, wheres the book?" Tanong nya. Gago bato? Hanapan daw ba ako ng libro? Ano ako library?
"What book?, Mukha ba akong library?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Argh! Yung libro, yung librong bibilhin mo? Bumili ka ba talaga!? Teka nga, ako ba Mikaela Montecarlos ay pinaglololoko mo ha!? Ginawa mo lang sigurong excuse ang pagbili ng libro para hindi ako mapilitang pasundan ka ano!?" Mahabang sumbat na naman nya sakin. Ano bang utak meron ang kuya kong to At sobrang OA. Nakakagago e.
"Alam mo Ian, napaka O.A mo ano? Hindi ako natuloy bumili dahil ang haba ng pila. At alam kong mas magagalit ka kapag nagtagal ako kaya imbes na magpakatagal tagal sa paghihintay sa pila pagbabayad ay umuwi nalang ako gets mo!?" Palusot ko sa kanya. Buti nalang at active ang utak ko para magpalusot sa kanya. Psh.
Napailing naman sya at tumayo na. Hays. Pumunta nalang rin akong kwarto ko at sinara na ang pintuan.
*bzzzz
"Hey Ianne, How are you?" Bungad naman sakin ni Hailee.
"Im fine Hailee, Where are you?" I ask.
"School, medyo boring ang class kaya nag excuse ako na mag CR." Sagot nya.
"Ganun ba?, dapat nagcutting kana lang " pagbibiro ko.
"Hahahaha, i dont think so."
Sagot naman nya.
"Kamusta nga pala ang gang?" Tanong ko.
"Were fine, Wala naman masyadong nakakaaway since tahimik ang gang natin ngayon. "
"Oh i see. I gotta go Hailee, see you tomorrow sa school."
"Arasso. Annyeong" [I understand, Bye] sagot nya.
Pagkababa ko ng phone ay humiga na ako sa kama ko. Medyo napagod ako. Mula ba naman mall? Hanggang dito sa mansion ay nilakad ko? Part of privacy daw para walang makaalam na dito ang mansion ng mga Montecarlos. E gago pala sila e, kilalang pamilya ang Montecarlos at malamang sa malamang ay madami ng nakakaalam dito. Tsk.
Napahikab na ako at pinikit nalang ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
------------