Chapter 18

44 6 0
                                    

[Finding Evidence]

Ianne's POV

Ngayon ko lang nalaman na anniversary pala ng gang nila at nandito kami ngayon, nagkakasiyahan. Nagkekwentuhan ng kung ano ano, tungkol lang lahat sa teachers na palaging sinasagot sagot ni Magnaye. Wala naman akong makukuhang ebidensya dun e.

Maya maya lang dumating na si Magnaye.

"Dre! Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni dylan at lumapit kay magnaye na nasa may pintuan.

"Tss, may inutos lang si ate Thalia." Sagot nya at pumunta na sila dito sa sala.

"Teka, a-anong ginagawa nyan dito"nakakunot noong tanong nya kay dylan habang nakaturo sakin

"Ah, inimbitahan sya ni francis" sagot naman ni dylan at umupo na.

Franz's POV

Umupo na lang din ako. Pinigil ko ang pagkainis sa babaeng yun at nagsalin ng wine. Hindi pwedeng pasira ang araw ko ng dahil lang sa kanya. At isa pa, anniversary ng gang. Kaya dapat masaya lang. 3years na kaming magkakasama at sa japan kami nagsimula. 2years ago, 13 years old kami ng magkakila kilala kami sa japan at doon na nabuo ang grupo.

Nagkekwentuhan lang kami at nagtatawanan. Nagkasayawan rin kaya medyo napagod na. Uminom na lang ako ng uminom.

Ianne's POV

Nagkakasayahan lang sila at nagsasayawan ng maalala ko ang dapat kong gawin.

"Francis, CR lang ako ha?" Paalam ko sa kanya. Sya na lag kasi yung mukhang matino dito. Tss.

"Sige, dun ang CR" sabi nya sabay turo ng direksyon. Tumango naman ako at tumayo na.

Nasa may kitchen ang CR. Pagkarating ko dun lumingom lingon muna ako kung may cctv ba. pero Mabuti namn at wala.

'Kailagan kong makahanap ng ebidensya' yan ang tumatakbo sa isipan ko. Ginawa ko lang talagang excuse ang pag CR para makahanap na ako.

May nakita akong cabinet malapit sa dining. At binuksan ang pinakang unahan pero nakalock. I think there's something here. Hindi ko muna inintindi at yung baba nun ang binuksan ko pero puro school supplies lang like, scissors,tape,papers and pins.  Tss. Lumipat ako sa kabila pero nakalock din. Pati yung baba naka lock. Ano naman kayang meron dito? Binuksan ko ulit yung naglalaman ng school supplies at kumuha ng isang pin. Triny ko buksan yung pinaka unahan peroo --

"Ianne?" Dinig kong tawag ni Francis kaya napaupo ako sa sahig dahil sa gulat at nabitawan yung pin na hawak hawak ko.

"Ouch" daing ko habang hawak hawak ang balakang ko. Shit.

"Ianne! Nasan ka?" Tawag pa ni francis.

Nakta ko namang papalapit na sya .

"Ianne, are you okay? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nya.

"Natapilok lang ako" sagot ko habang inaalalayan nya kong tumayo.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong nya. Tumango naman ako.

Bumalik kami sa sala at umupo na.

"Anong nangyari?" Tanong ni Lancaster.

"Ah, natapilok lang ako paglabas ng CR." Sabi ko na lang.

"Lampa" dinig kong bulong ni Magnaye. Problema nya? Patayin ko sya dyan e. Tss.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at ng magkatinginan kami ay inirapan ko sya.

"Uwi na ko" sabi ko sa kanila.

"Hatid na kita" sabay na banggit ni Francis at Lancaster.

Nagkatinginan naman sila.

"Ako ng bahala, magpahinga kana lang dito dre." Sabi ni Francis kay Lancaster.

"Hindi, kaya ko pa naman, ako na lang" sabi pa ni Lancaster at tumayo na.

"Ako na, lasing kana, magpahinga ka na lang dito" sabi pa ni Francis na nakatayo na rin ngayon. Nakatingin lang sa kanilang dalawa yung buong gang na nakangiti ng nakakaloko habang si magnaye ay seryoso lang na nakatingin kay Lancaster.

Tumayo naman si Magnaye at inawat yung dalawa na nagkakatitigan.

"Tumigil nga kayong dalawa, ako ng maghahatid" sabi nya at lumapit sakin. hinila nya ang wrist ko palabas ng headquarters, nakita ko pa ang reaksyon nung dalawa na para bang dismayado.

Pagkalabas namin binitawan na nya ako.

"San ka ba nakatira?" Walang emosyong tanong nya.

"Hindi ko kailangan ng maghahatid sakin kaya bumalik kana dun" pagtataray ko sa kanya at tumalikod na.

Franz's POV

Hindi ako makapaniwalang pag aawayan ng dalawang yun ang basagulerang babaeng to. Tss.

Nakakagago talaga! Ako na nga ang nag offer na ihatid sya sa bahay nya ayaw pa. Tinalukaran pa ako. Bastos na babae. Tsk. Napailing nalang ako at bumalik ng headquarters .

"Nahatid mo na ba sya?" Tanong ni francis pagkapasok ko pa lang.

"Bakit ang bilis?" Tanong pa ni Lancaster. Sinilip ko yung iba at ayun tulog na sa sofa.

"Hindi ko sya hinatid" cold kong sagot sa kanila.

"Ano!" Sabay nilang sigaw sakin. sinamaan ko naman sila ng tingin

"Pasensya na dre." Sabi ulit nila. Tsk.

"May gusto ba kayo sa babaeng yun ha!?" Sigaw ko sa kanila .

Nagkatinginan naman sila at tumakbo papuntang kwarto nila. Tss .mga gago.

Umupo naman ako sa sala at uminom na lang . 3rd Anniversary ng gang. 13 years old kami mula ng mabuo ang grupo. Sa japan kami nagkakila kilala. Madami na kaming napagsamahan at ayaw naming masira yun.

Ianne's POV

Pagkadating ko sa mansion bumungad sakin si Ian.

"Anong oras na! Ngayon ka lang umuwi? San ka ba galing ha!" Sigaw na naman nya. Napahawak ako sa braso nya ng biglang sumakit ang ulo ko. Marami siguro akong nainom kanina. Arghh.

"A-ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong nya. Hindi na ako nakaimik at tuluyan nang napabagsak sa kanya at tuluyan ng nawalan ng malay.

Ian's POV

Inakyat ko na sya sa kwarto, alam kong nag iimbestiga sya ngayon sa gang na pinaghihinalaan nyang pumatay kay sincerity. Nalaman ko yun dahil sinabi sakin ni Nathan. delikado ang ginagawa nyang pagkilos mag isa.

Napapailing na lang ako sa pinaggagagawa ng kapatid ko.

Bumaba ako saglit para ipagluto sya ng makakain.

"Wow, para samin ba yan?" Tanong ni truejohn

"tss, kay ianne to" sagot ko habang piniprito yung paborito nyang tocino.

"Mahal mo talaga ang kapatid mo" singit naman ni austine.

Napangiti naman ako sa kanya.

Pagkatapos kong lutuin yun ay nilagay ko na sa pinggan at inakyat sa kwarto nya.

"Magluto na lang kayo ng sainyo" pahabol ko sa mga pinsan ko at umakyat na.

Pagkapasok ko tulog parin sya kaya pinatong ko muna sa study table nya ang pagkain. Tinakpan ko muna yun at umupo sa tabi nya.

Kung titingnan , napakaamo ng mukha ng kapatid kong to na hindi mo aakalaing marunong pumatay.

"Tss, sleep well princess" sabi ko sabay halik sa noo nya. Kumuha ako ng ballpen at isang sticky notes at nagsulat dun. Nilagay ko yun sa ibabaw ng pinggan sa stuy table nya at lumabas na ng kwarto..

Inaasikaso ko pa rin ang mga papeles sa business ni grandpa kaya hindi pa ako makapagimbestiga sa mga kalaban. Alam kong ginagawa na ni ianne yun pero gusto kong maging ligtas sya kaya minamadali kong asikasuhin ang lahat para matulungan ko sya. Kung sino man ang pumatay kay sincerity ay kailangan na agad syang mahanap.

---------------

Hello guysuee . Ayaw pa pong magpublish ng chapter 19. Pakihintay nalang po huhu. Thankyouuu. ^_^

Hot Mess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon