[Im back]
"Ianne wake up!!" Dinig kong sigaw ni Ian. Argh!
"Bakit na naman baaa!" Inaantok kong tanong sa kanya
"E kung sabihin ko sayong alas otso na ng uma---" hindi ko na sya pinatapos dahil napabalikwas na ako sa kama at dire diretsong nagtungo ng bathroom.
"Okay ka na ba? Wala ng masakit sayo? Baka naman tinitiis mo lang para magkita na kayo ng 'Detention' mo?" Sunod sunod na tanong ni Ian habang kumakain kami ng almusal.
Gagong to, 6:30 pa lang naman pala, At tulugan pa ang mga pinsan ko tss. kung makasabi ng alas otso e hindi naman pala tunay hmp.
"Wala ng masakit okay? Ako yata si Ianne Mikaela Gonzales Montecarlos." Sabi ko sa kanya.
"Sus, yabang" sabi nya. Nagtawanan na lang kami at pagtapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanya, hindi na ko nagpahatid dahil wala na naman akong magagamit na sasakyan pag uwi.
7:00am na at saktong kadarating ko lang din sa academy. Pinark ko na ang sasakyan sa parking at pununta na ng classroom.
"Goodmorning Ms. Guillermo, im back" energetic kong bati sa kanya . Tumango lang sya kaya pumasok na ako sa loob.
Pagkaupo ko kinamusta agad ako nung tatlo.
"Oh my gosh, okay ka na ba ianne?" Wendy
"Dapat kasi hindi ka nagpapalipas ng gutom ayan inulcer ka tuloy" malungkot na saad ni Faye.
"Oo nga, ilang araw ka tuloy hindi nakapasok, ang dami mo ng namissed na lesson" zia.
"Tss, kahit naman nandito ako marami pa rin akong namimissed na lesson" biro ko sa kanila. Totoo namn ah, lagi nga akong nasa detention e.
Napangiti naman sila dahil nandito na ako at nakinig na ulit kay mam. Tss disscusion na naman. Boringgg.
*krrriiinnnggg
Pag ka bell pa lang nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas. Nagpaiwan naman ako dun sa tatlo dahil tinatamad akong lumabas. Habang nagliligpit si mam kinuha ko ang phone ko.
"Himala, Ms.Gonzales, hindi ka nabored sa klase ko" sabi nya habang palabas na ng pintuan.
"Ngayon lang po yan mam" nakangiti kong pahabol sa kanya at kita ko ang pagkagulat at inis sa kanya. Sinasabi ko sayo mam, wag na wag mokong kakausapin ng ganyan hindi maganda ang kalalabasan AHAHAHAHAHAH.
Maya maya lang may pumasok na limang lalaki, yung lima na pinagtitilian ng mga girls the first day, psh, diko nalang sila pinansin at nagdudutdot sa phone ko.
*bzzzz.
"I need to talk to you about sincerity, proceed to the H.M's Office" a text message from Nathan. Naguguluhan man pero dali dali kong hinablot ang gamit ko at tatakbong lumabas ng classroom patungong h.m office.
Dylan's POV
Papasok kami ng classroom at nagulat kami ng si Ianne lang ang tao dun. Pumwesto kami sa likuran nya at tahimik na nagsesenyasan pero hindi nya pinapansin. Naramdaman namin ang pag vibrate ng phone nya, pero maya maya lang dali dali syang nagtatakbo palabas ng classroom. Bakit kaya?
Ianne's POV
"What about him?" Tanong ko kay nathan ng makaupo ako sa tapat ng table nya.
"May nalaman ako sa kanya. His name is Loujean and he has a brother, private ang info ng brother nya kaya Hindi ko alam ang pangalan nya. Here" sabi nya at inabot sakin ang folder .
Tiningnan ko yun at binasa lahat ng info nya. Private talaga lahat lalong lalo na sa kapatid nya
"Sige, mas pagbutihin nyo ang research about dyan. Wag kayong titigil. Hindi natin alam kung kelan sila gaganti, lalo nat ang alam nilang pumatay kay sincerity ay ako. Gawan nyo rin ng paraan para mahanapan ng info ang kapatid nya at pag nalaman nyo na, dalhin nyo sya sakin para masabi natin ang totoo, Alamin nyo rin kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Loujean o mas kilalang Sincerity. Icheck ang CCTV sa buong gym kung may nadetect na iba pang tao bukod saming dalawa doon. Hanapin nyo ang taong yun at dalhin sakin para malaman narin natin kung kalaban ba sya o kakampi, Maliwanag ba Nathan?" Sabi ko sa kanya at tumayo na.
"copy" sagot nya.
"Magkita na lang tayo sa mansion" sabi ko pa bago tuluyang lumabas ng office nya.
Nalalakad na ako pabalik ng classroom ng makasalubong ko si Lancaster kasama si Magnaye.
"Hey Lancaster ,Im back" bungad ko sa kanya.
"Oww, mabuti naman at ayos kana?" Sabi nya .
"Akala namin mamamatay kana" sarkastikong singit naman ni Magnaye. Aba bastos ang tabas ng dila ng lalaking to ah.
"Uh, akala ko nga rin katapusan ko na" umakto ako na parang malungkot "pero buti na lang naisip ko si Detention, niligtas nya ko, ang galing no?" Sarkastiko kong sabi sa kanya sabay ngiti. Hmm, kala mo ha? Kaya kong sakyan ang trip mo, Dont me . Nakita ko nmn ang pagseryoso ng muka nya .
Tiningnan ko si Lancaster na nagpipigil ng tawa.
"Lancaster, wala ka bang trabaho as president ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon nya na para bang may nasabi akong hindi dapat? "Uhm, sad to say Ianne, wala na ako sa posisyon, as my punishment galing sa headmaster dahil nahuli ako dito nung oras ng dismissal, buti nga hindi nakita to sila Franz , nasa headquarters kasi sila." Sabi nya, bigla ko naman naalala na inutos ko nga pala yun kay Nathan, pero sino ng papalit sa kanya? Teka, nandito din sila Magnaye?. "Pero okay lang, makakabalik narin ako sa tungkulin ko sa gang. " saad pa nya na mas lalo kong ipinagtaka.
"T-teka, ibig mong sabihin may Gang ka?" Naguguluhan kong tanong. Kumunot naman ang noo nya.
"Hindi mo ba alam? Ang tagal mo na dito, pero wala kang alam samin?" Nagtataka nyang tanong.
""Wag ka ng magtaka steven, Hindi talaga sya INTERESADO satin" sabi ni magnaye, at diniinan pa talaga yung word na 'interesado' psh.
"Uh, yeah, Just like what he said im not interested. " ngumiti ako bago sila tinalikuran at umalis.
This can't be bigla akong kinabahan. Posible kayang ang isa sa kanila ang may kinalaman sa pagkamatay ni sincerity?
---------------