Hello sa pinagdedicatean ko ng chapter nato na best friend ko yieeee. Ahm, keep on reading bee. Iloveyouu mwaa HAHAHAHAHHA. Yun lang ^_^
[Bad Blood Gang]
Ianne's POV
Sabado ngayon at maaga akong nagising. Ang dami kong tanong sa utak ko at gusto ko ng mga kasagutan.
Gang? Lancaster? Magnaye? Dapat ba akong mag ingat sa inyo!? Arghh!
"Hello, nathan, alam kong nasa academy ka at marami kang inaasikaso pero kailangan kita ngayon, dalhin mo na din ang information about sa Gang ni Lancaster. Bilisan mo" sabi ko da kanya.
"Copy" sagot namn nya at ibinaba ko na ang tawag.
Hinimas ko muna ang ulo ko dahil kailangan kong pag isipan ang lahat.
Nandun sila. Nasa headquarters sila nung umatake ang RDA sa BDA. At ang headquarters nila ay nasa loob ng Academy. Pero saan? Wala akong nakikitang pwedeng maging headquarters sa loob.
Sa kalagitnaan ng pag iisip ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Tulog si ian dahil sa pagod kakaasikaso ng business na ipapamana sa kanya ni grandpa."Sapphire, its me Nathan" sabi nya.
"Pasok" sigaw ko at bumukas naman ang pinto at pumasok si ian na may dalang envelope.
"Eto na ang pinapadala mo," sabi nya sabay abot ng envelope. Kinuha ko naman agad yun at binuklat agad ang folders
"Teka, bakit nga pala bigla kang nagka interes sa grupo ni Magnaye?" Tanong naman nya .
"Wala, nasabi lang nya sakin na may gang sila at kahapon ko lang nalaman. You know me nathan, i dont have time para alamin kung sino sino ang mga nakakasalamuha ko, pero gang sila. Gusto kong malaman kung kalaban ba natin sila" sabi ko ng hindi sya tinitingnan at patuloy na nag sesearch sa folders ng mga info ng BBG.
"Ganun ba. Sige baba na ako" paalam nya . Hindi ko sya pinansin pero dinig ko naman ang pagkakasara ng pinto, sign na nakalabas na sya.
Bad Blood Gang..
Leader: Franz Vincer Magnaye
Co-Leader: Steven Lancaster
Members:
Dylan Reyes
Van Mendez
Carlos Arellano
Francis Lim
Blaze Villano
'Each members has its own code names'
"Code names?" Bulong ko sa sarili ko. Triny kong hanapin ang code names ng gang nya pero wala akong makita. Nilabas ko rin ang laptop ko at nagsearch sa Bad Blood Gang. Pero walang result ang lumabas. Ganun na ba sila ka sensitive at pati sa internet wala silang info!? Arghh!.
Niligpit ko muna lahat ng papel na nakakalat sa mesa ko at sinarhan ang laptop. Bumaba ako at dumiretso sa firing station dito sa loob ng mansion para magrelax.
may archery area rin.Pagkapasok ko sa loob ng station ay katatapos lang ni hailee.
"Its your turn now Mika" sabi nya sabay abot sakin ng salamin at headphone. Kinuha ko rin ang baril sa tapat ng table at pumwesto na.
Itinapat ko sa target ang baril.
1st target- BullsEye!
2nd - BullsEye!
3rd - BullsEye
4th - BullsEye!
Matapos ko patamaan lahat ay binaba kona ang baril at tinanggal ang headphone at salamin.
"Your always good mika" nakangiting komento ni hailee. Nginitian ko lang sya at lumabas . Tuwing sabado, Ganito ang ginagawa ko pati ang magbasa ng mga napag aralan ko na dati para hasain muli ang utak ko. Naalala ko nung nasa korea pa lang ako , i was 5years old that time at pinag aaralan ko na lahat na pang elementary, highschool, at college na lessons. Tuwing sunday naman nagdidrifting ako at nagwowork out . Naalala ko rin nung nasa japan naman ako at nag didrifting, palagi akong nangunguna sa record at walang kahit sino ang naka Beat nun.
Binuksan ko ang secret shelf at pumasok sa loob . Ito ang library ko , walang nakakaalam nito bukod saming dalawa ni Ian . Ako ang nakaisip ng ganitong ideya at pati pagbubukas nito ay hindi basta basta. Kailangan ng palm scanner at amin lang ni Ian ang nakadetect dun. Marami pang mga secret rooms sa mansion nato na tanging kami lang din ni Ian ang nakakaalam. Pagkapasok ko pa lang ay pumili na ako ng librong babasahin at umupo sa swivel chair para magbasa na.
Franz's POV
Nasa bahay kami ni steven ngayon dahil sabado at wala kaming magawa. Bored narin kami sa headquarters. Nasa workout room kami para mag workout .
Nagpupush ups ako at tinatry ma beat ang 300push ups ni Ianne which is kanina ko pa ginagawa pero hindi ko magawa .
"Argh! Ayoko na!" SIgaw ko at tumayo na sabay sipa dun sa sahig. Nakakainis! Ayun na yun e! 291 na, bakit bigla akong naramdam ng pagod. Ang daya ! Nakakabakla lang kasi talagang isipin na talo ka pa ng babae pagdating sa mga ganito.
"Hoy dre, okay ka lang ba?" nakangiting tanong ni Dylan.
"Oo nga, ano bang ginawa sayo ng sahig?" Tanong pa ni Carlos.
"Break na ba kayo?" Nakangiti ng nakakalokong tanong ni Van.
"Official na ba?" Francis.
"Ano bang pinag awayan nyo?" Blaze.
Dahil dun tiningnan ko sila ng masama. Buti na lang wala si steven, hindi na ko nag abalang hanapin pa ang mokong dahil alam kong nandyan lang yun. Lumabas ako dun at nagpuntang archery area.
Pumwesto ako at hinawakang mabuti ang pana at palaso. Itinapat ko na ito sa target at nakita ko naman ang mapang asar na muka ng ianne na yun. Kaya nawala ako sa pagcoconcentrate at sala ang pagkakapana ko. Shit . Lumipat ako sa kabila pero ganun parin. Triny kong umiling iling pero ganun parin nandun parin ang itsura nya.
Pinakawalan ko ulit ang pana pero sala na naman ito. "Shit! Umalis ka dyan!!" Sigaw ko ng makalipat na ako sa pangatlo at dahil naiinis na talaga ako ay tinira ko na ang huli at... Bulls Eye! . Bwisit na pagmumuka ng ianne na yan nakakadistract. Tsk.
------------