[Its okay, Im fine]
Ian's POV
Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si ianne. Kinakabahan na ako.
"Ian, kailangan mong kumain, para pag nagising si Ianne, may lakas ka" sabi ni Hailee.
"Pag nagising sya malakas na ako, hayaan mo na ko dito sige na kumain nalang kayo dun" sabi ko ng hindi sya nililingon. Hawak hawak ko parin si ianne at iniintay magising.
Austine's POV
"Hindi parin ba sya kumakain?" Tanong ko kay hailee na kalalabas lang ng kwarto ni Ianne.
"Ayaw nga e, pag nagpatuloy sya ng ganyan, sya naman ang magkakasakit" sagot ni hailee na napapailing lang.
Pumunta kaming sala kung saan naroon din ang iba.
"Patay na si Sincerity" sabi ni Nathan na ikinagulat namin.
"Ha? Pano? Napatay sya ni Ianne?" Tanong ni TrueJohn.
"Ayon sa result ng bala na tumama sa katawan ni Sincerity, hindi ito nagtutugma sa baril na pagmamay ari ni Ianne." Sabi nya na ikinalaki ng mata namin.
"Ano? Pero pano, sino ang bumaril sa kanya?" Nagtatakang tanong ni hailee.
"Posibleng may ibang tao pa ang nasa loob ng gym nayon at binalak patayin si Sincerity, pero ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit nya papatayin si sincerity?" Nagtatakang paliwanag ni Nathan.
Nagtataka rin ako kung sino ang maaaring pumatay kay sincerity pero bakit?. Sino sya.
Ian's POV
Nagising ako dahil naramdaman kong gumalaw ang kamay ni ianne.
"I-ianne? Are you okay?" Tanong ko habang napapaiyak na sa tuwa dahil gising na sya .
"I-im fine ,K-kuya Ian" sabi nya at dahil dun tinawag kona ang lahat para makita nila si Ianne. Salamat sa dyos gising na ang kapatid ko.
"Okay ka na ba? Kamusta na ang pakiramdam mo? Gutom ka ba? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo lang sakin ah." Sunod sunod kong sabi sa kanya.
"Shh, ian its okay, im fine already. Masaya lang ako na nandito ka, kayo." Sabi nya at tumingin sa aming lahat.
"Syempre naman, Nandito lang kami para sayo" sabi naman ni Nathan.
"Sige na magpahinga ka muna, bawal kang mapagod e" malungkot na sabi ni Jared.
"Oo nga, magpagaling ka agad ha?" sabi naman ni Ken.
Tumango naman si Ianne at ngumiti.
Nang makalabas na sila pinakain ko muna si Ianne.
"Are you sure? Okay ka lang?" Tanong ko habang sinusubuan ko sya ng pagkain.
"Im fine Ian, thankyou sa pag aalaga" sabi nya at ngumiti.
"Wala yon, ikaw yata ang reyna ko" asar ko pa sa kanya na ikinatawa nya.
"Sus, corny mo ah" natatawa nyang sagot.
Natawa nalang din ako at sinubuan sya ulit pagkain.
Franz's POV
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Bumangon naman ako at lumabas ng kwarto.
"Ang ingay nyo!" Reklamo ko sa kanilang anim na parang mga batang nagkakantahan at naghaharutan. Tss.
"Makisali kana lang dre!" Sigaw ni Dylan.
Umiling nalang ako sa kanila at bumalik sa loob. Tiningnan ko ang oras na at 8:00pm na pala. Natulog na lang ulit ako..
"Fanzz! Gising!!" Dinig kong sigaw ni Steven .
"Bakit ba?" Inaantok kong tanong sa kanya.
"8:00am na, papasok ka pa ba!?" Tanong nya na ikinagulat ko. Napabalikwas ako sa kama at ipinagtulakan sya papalabas ng kwarto at dumiretso ng cr para maligo.
Naglalakad na kami papuntang room, buti nalang at mag uumpisa pa lang ang klase. Pero bakit wala sya!? Nasa detention kaya yon? Jeez! Bakit ba nagpatanggal tong si steven sa pagkapresidente, hindi tuloy ako makapasok dun tss ..
Nasa kalagitnaan kami ng pagkaklase ng may mag excuse kay Ms. Guevarra , ang filipino teacher namin na adviser namin. Nagdismiss narin sya ng klase kaya heto nasa canteen kami para kumain.
"Napapansin ko, ang sipag na natin pumasok sa "classroom" ah" sabi ni blaze.
"Oo nga, mula nung lumipat si Ianne dito" sabi naman ni Francis
"Speaking of Ianne, nakita nyo na ba sya?" Tanong ni Carlos
"Hindi nga e, ano na kayang nangyari dun?" Tanong naman ni dylan.
"Nung huli ko nga syang nakita e yung nandito sya sa academy pero nung dismissal yun" sabi naman ni steven.
"Hindi kaya may nangyare sa kanya?" Tanong ni francis . Napaseryoso naman ako bigla. Pano nga kung meron?
"May nakaalam ba kung san yon nakatira?" Tanong ko
"Wala e, masyadong private ang infos nya" sagot naman ni Dylan.
Napatango naman ang iba at ng matapos naming kumain ay nagdesisyon kaming umuwi sa kani kanilang bahay.
Ianne's POV
Tatlong araw na pala akong walang malay at ngayon lang ako nagising. Hindi pa ako masyado makakilos dahil mahapdi pa ang tyan ko.
"Ian, gusto ko ng pumasok, baka magtaka sila kapag hindi ako pumasok." Sabi ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig na iinumin ko.
"Nakausap ko na si nathan, sya na daw ang bahala tungkol dyan. Nasabi na rin nya sa adviser nyo na si Ms. Guevarra yata yon kung bakit ka absent." Paliwanag nya at pinainom ako ng tubig.
"Eh, anong excuse naman ang sinabi nya?" Pag usisa ko.
"Na inatake ka ng ulcer mo kaya dinala ka sa ospital" nanlaki ang mata ko dahil dun.
"Teka nga! Wala naman akong ulcer ah!" Sigaw ko sa kanya.
"Wag ka ngang sumigaw, mamaya sumakit yang tyan mo sige ka" asar pa nya hmp. Kahit kailan talaga to e. "Sige na mapahinga kana muna, dito lang ako sa tabi mo" sabi pa nya at dahil dun napangiti naman ako at ipinikit na ang mga mata.
------------