[Piece of Paper]
Ianne's POV
Pagkagising ko nakauniform parin ako. Argh!
Tumayo na ako at may nakitang pagkain sa study table ko. Kinuha ko yung note.
'Kainin mo'to kapag nagising ka, ako ang nagluto nyan, wag kana munang pumasok, alam kong masakit pa ang ulo mo. Arasso?'
Pagkabasa ko nun ay kinain ko na ang niluto nya. Infairness masarap. Si Ian talaga baduy HAHAHAHAHA.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako para magpractice sa archery area.
Franz's POV
"Dre gising!" Dinig kong sigaw ni dylan habang hinihila ang comforter ko.
"Bakit baaa!" Inis kong sigaw sa kanya habang hinihila pabalik ang comforter ko.
"Tss, late na, papasok kapa ba?" Tanong nya. E gago pala to e,
"Kelan ba ako pumasok ha!?" Sigaw ko at tuluyan ng hinila ang comforter ko at nagtalukbong.
Narinig kong nagsara na ang pinto ng kwarto .
'Aish! Bakit hindi ako makatulog!" Sigaw ko sa isip ko at kung ano anong style ng paghiga ang ginawa ko pero hindi parin ako makatulog.
Bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto. Pumunta akong kusina at naghilamos. Papasok na sana ako ng CR ng may makita akong piraso ng papel sa tapat. Kinuha ko yun.
"Sapphire" pagbasa ko dun sa nakasulat. Kumunot ang noo ko dahil wala akong idea kung ano yun.
Bumalik akong kwarto dala yung papel. Kinuha ko ang laptop ko at nagsearch.
Nagscroll lang ako nang nagscroll nang may isang result ang umagaw ng atensyon ko.
A picture of a girl with a mask, showing off her rose tattoo at her left arm.
"Legendary Sapphire, who leads a powerful gang" pagbasa ko dun ng may pagkamangha.
Tiningnan kong mabuti ang picture. Hindi kita ang buo nyang mukha dahil sa mask na suot nya. Yung mga mata nya, I think, I saw them before.
"Dre!" Sigaw ni steven pagkabukas ng pintuan . Naisara ko naman agad ang laptop ko dahil sa pagkabigla.
"Mwo!?" Sigaw ko pabalik at tumayo.
"Ah wala, hindi kasi pumasok si ianne, baka alam mo kung saan pa sya pumunta kahapon?" Tanong nya na ikinatunganga ko sa kanya. Yun lang ang pinunta nya dito?
Napapailing akong lumapit sa kanya at tinapik tapik ang balikat nito bago nagtungo sa CR para maligo.
Steven's POV
Pagkapasok ni franz sa CR ay napasimangot na lang ako. Ano pa bang aasahan kong sagot sa gagong yun? Tss. Napailing ako at napalingon naman ako sa ginagawa nya kanina. Kinuha ko yung papel na nakapatong sa ibabaw ng laptop nya. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat dun. 'Sapphire'.
Ianne's POV
Pagkatapos ko mag archery ay pumunta akong kwarto at tinawagan si nathan.
"Nathan,ano ng balita sa mga pinapagawa ko?" Bungad ko sa kanya, pagkasagot na pagkasagot pa lang nya ng call.
"Wala pa sa kapatid ni sincerity, pero sa footage meron." Sagot nya.
"What is it?"
"Chineck ko na at cinopy sa usb ko. Kung titingnan magkaiba ng sapatos ang suot ng dalawang lalaki na nacaptured sa footage." Sabi nya na ikinagulo ng isip ko.
"What? Paanong nangyari yun?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"I do---" i cut him off.
"Where are you?" Tanong ko kaagad
"Nasa condo k--" i cut him off again at kinuha ang coat n nasa wardrobe ko at lumabas ng mansion. Dali dali kong pinaharurot ang kotse at pumunta sa condo ni nathan.
Franz's POV
"San mo nakuha to?" Nabigla ako sa nagtanong at napaatras sa CR. Shit. Anong ginagawa ng mokong nato dito?
"Yeogiseo mwohago issni!?" [What are you doing here]. Sigaw kong tanong sa kanya. Aish! Teka, kanina pa ba sya dyan? Tss.
"Saan mo nakuha to?" Cold nyang tanong habang hawak hawak yung piraso ng papel.
"Ah yan ba? Nakuha ko yan dun sa tapat ng CR. Bakit ba?" Sagot ko sa kanya at umupo sa kama habang pinupunasan ng towel ang buhok ko.
Nakatulala lang sya sa tapat ko na parang shunga.
"Yah! [Hey], may problema ba?" Sigaw ko sa kanya at mukha namang natauhan sya.
"Ah, w-wala. Ayos lang" sagot nya at dali daling lumabas ng kwarto. Problema nun.?
Third Person's POV
"Nahanap nyo na ba sya?" Tanong ko sa mga tauhan ng kuya ko.
"Hindi parin Master, masyado syang tago" sagot ni josh. Isa sa myembro ng RDG
"Kung ganun, pumasok kayo sa eskwelahan na pinangyarihan ng gulo ng araw na mamatay ang kuya ko" sabi ko sa kanila at tumango naman sila.
"Masusunod Master" sagot nilang lahat at lumabas na ng office ko.
Nasaan ka ba sapphire? Humanda ka, mahahanap din kita ■
-----------------
Sino kaya si Master Unknown?
Votes and comments are highly appreciateddd. ♥♥♥