Chapter 17

38 7 0
                                    

[BBG's Hidden Headquarters]

Ianne's POV

"I-zoom mo pa nga" utos ko kay nathan. Habang pinapanuod ang CCTV footage sa gym ng BDA nandito kami ngayon sa Office nya at pinapanuod ang CCTV.  Nakatago ang lalaki sa isang pader at nakamask ito.

"Kilala mo ba sya?" Tanong ni nathan

"Hindi ko ma-identify kung sino sya" sabi ko. Dahil narin siguro sa kalabuan at nakamask ang lalaki ay hindi ko talaga sya maaidentify.

"Maghanap ka pa ng ibang footage na kuha nya" utos ko sa kanya at lumayo ako saglit para isipin kung sino ba yun.

Imposibleng si Lancaster to.

"Nathan, alam mo ba kung nasan ang headquarters ng gang ni Magnaye?" Tanong ko sa kanya.

"Ah yon ba? Ang alam ko, nasa likod yun ng building ng room nyo." Sabi nya at binalik ang atensyon sa cctv footage.

Nang wala talaga akong mahanap na ideya sa lalaking nacaptured sa cctv ay nagpaalam nako kay nathan na aalis nako. Pagkalabas ko ng H.M's office ay pumunta ako sa parking at kinuha ang susi ko sa bulsa , pero bago ako pumasok sa loob naisipan ko munang pumunta sa likod ng building ng room namin at maghanap hanap ng pwedeng maging headquarters ng gang na yun.

Nang makarating ako dun ay naglakad lakad lang ako habang pinapaikot ang susi sa kamay ko .

Maya maya lang nakarinig ako ng yapak ng mga paa sa sahig. Agad akong nagtago sa likod ng isang balde .

"Oh dre, nasan kana ba?" Teka boses ni Lancaster yun ah?

"Sigee hintayn kana lang namin sa headquarters, bilisan mo" sabi pa nya. Narinig ko naman na palayo na sya kaya lumabas na ako dun at pinagpagan ang suot ko.

Nalaglag naman ang susi ng kotse ko kaya pinulot ko yun at..

"Ianne" napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng isang lalaki at nahulog ulit ang susi ko.

"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat ha!?" Sumbat ko naman kay Francis. Tsk.

"Eh ano bang ginagawa mo dito?" Nag aalalang tanong nya.

"Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? Tsk" pagtataray ko sa kanya at tumingin tingin sa baba para hanap hanapin ang nawawala kong susi. Shit! Pano ako makakauwi kung hindi ko yun makikita!?

"May hinahanap ka ba" tanong pa nya.

"Obvious ba!?" Sigaw ko sa kanya at naglakad lakad para hanapin yung susi ko shit talaga!.

"Ah, kaya ka ba nandito?" Tanong pa nya.

"Pwede ba!? Tama na ang daldal! Tulungan mo na lang akong hanapin ang susi ko! Bilis!" Sigaw ko sa kanya at nataranta naman sya sa paghahanap tsk.

"Dre ta---" napatigil si Lancaster sa pagsasalita ng makita ako.

"I-ianne, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nya. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paghahanap.

"Nakita ko na!" Dinig kong sigaw ni Francis. nagtatakbo naman sya papalapit sakin at inabot sakin yung susi..

Napalawak ang ngiti ko ng makita yun. Akala ko talaga mawawala na syaaa. Huhu.

"San mo nakita?" Tanong ko.

"Dun sa gilid ng balde" sagot naman nya. Ah, dun lang pala sa pinagtaguan ko kanina tsk.

"Salamat ah" sabi ko at tumalikod na.

"Teka, uwi ka na?" Tanong ni Francis.

Napatingin naman ako kay Lancaster na nakangiti.

"Ah, oo , kaya ko nga hinanap to para makauwi na e." Sagot ko.

"Ganun ba, may party kasi ang gang gusto sana kitang imbitahan" sabi pa nya at napakamot sa batok nya.

"Talaga?, sige game ako dyan, san ba ang party?" Nakangiti kong tanong.

"Sa Headquarters namin" singit ni Lancaster at lumapit sakin.

Napatulala naman ako dahil hindi nako maghihirap sa paghahanap ng hidden headquarters nila diba? Tsk.

Hinila nako ni Lancaster. Nakita ko naman ang pagbago ng ekspresyon ni Francis. Anyare dun? Nagalit ba sya? Bakit? Tss. Bipolar din ang isang yun.

Pagkapasok namin sa loob, nagsasayawan na yung apat, diba pito sila? Kasama ko yung dalawa. Nasan ang isa? Tss. May party lights din na para bang nasa bar kami. Sakto lang ang volume ng sounds nila at Malaki ang headquarters nila pero mas malaki yung samin.

"Dre, wala pa ba si Franz?" Tanong ni steven kay .. dylan? argh! Kailangan ko ng mamemorized ang names nila.

"On the way na daw dre, teka , ianne?" Tanong nya . Mukhang ngayon nya lang ako napansin ah. Nagsilapitan naman yung iba at tiningnan ako.

"A-anong ginagawa nya dito?" tanong nung Carlos. Anong problema? Bawal ba.

"B-bawal ba? Sige alis na lang ak---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan ni Lancaster at Francis? Ang wrist ko.

"Dito ka lang" sabay nilang pagkakasabi.

Kumunot naman ang noo ko sa ginawa nila at binawi ang magkabila kong wrist sa pagkakahawak nila.

"Love triangle" bulong ni carlos dun kay ... dylan.

"Ano!?" Sigaw ko sa kanila.

"Ah, sabi ko, Love is triangle lets Partyyyy!" Sigaw ni carlos at nagtatakbo sa gitna at nagsasayaw. Nagsunudan naman yung dalawa at naiwan kaming tatlo na nakatayo.

"Tara" yaya ni lancaster at umupo kami sa sala. So, nahanap ko na ang headquarters nila ang kailangan kong gawin ngayon ay maghanap ng ebidensya na isa sa kanila ang taong naka mask na bumaril kay sincerity. Who would it be?

-----------------

May idea ba kayo kung sino ang pumatay kay Loujean? O mas kilalang sincerity?? Wahhh. Comment

Hot Mess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon