[River Phoenix Gang Vs. Red Devil Gang]
Franz's POV
Hindi ko alam kung bakit nagdeclare ng dismissal ang headmaster pero ayokong umalis ng headquarters. Baka naman pwedeng dito nalang kami.
"Wala ba kayong balak umuwi?" Tanong samin ni Francis.
"Wala" we all answered in chorus. Pumunta na akong kwarto ko at natulog na.
Ianne's POV
"Sigurado kabang wala ng estudyante ang naiwan sa BDA?" Tanong ko kay nathan.
"100% sure sapphire" sagot nya.
"Kung ganon ihanda ang mga tauhan at papasukin sa BDA yung iba pretend as teachers na nagkaklase. Hailee ipamigay mo sa kanila ang mga uniform na susuotin nila. Ian, maghanda na kayo at dumiretso sa gate ng BDA as guards. Bilis!" Sigaw ko at nagsikulusan na sila. Nagbihis narin ako ng uniform ko at sa bag ko ay ang mga baril na gagamitin ko. Handa narin ang kasuotan ng isang Mikaela Montecarlos or Sapphire. 4:30am palang pero naghahanda na kami. Mahirap nang masabutahe ang plano. Sinuot ko rin ang earpiece na nakakonekta sa buong gang pati narin sa mga tauhan. Madami ang tauhan namin, at libu-libo sila.
Nang makarating ako sa Academy ay 7:00 na. Pinauna ko na sila para hindi mahalata ang plano. Pagtapat ko sa gate. Tinanguan ko sila Ian na nakabihis pang guard na. Nang makapasok narin ang mga tauhan sa loob ng academy ay isinara na nila Ian ang gate.
Naglalakad ako papuntang room ng may mapansin akong hindi kasama sa plano namin. Teka, si Lancaster yon ah.
"Ms. Gonzales!" Dinig kong tawag sakin ni Lancaster. Argh! Anong ginagawa ng mokong nato dito!?
"At anong ginagawa mo dito Lancaster!?" Pagtataray ko sa kanya.
"E bakit ikaw? ANong ginagawa mo dito? Diba nag declare ng dismissal ang Head Master?" Tanong namn nya. E shunga pala to e, alam pala nyang nagdismiss e bakit nandito tong gagong to? Imposibleng pinapasok to nila Ian sa gate.
"E alam mo palang dismissal bakit nandito ka?" Tanong ko pabalik at nakacrossed arms pa.
"H-ha? A-ano, wala lang. Sige una nako ha?" Paalam nya at nagtatakbo. Problema non?
Tinawagan ko si nathan gamit ang earpiece ko.
"Gypsum!" Bungad ko sa kanya.
"Is there any problem Sapphire?" Tanong nya.
"There is!" I shouted.
"What?" Nagtatakang tanong naman ni gypsum sa kabilang linya.
Napabuntong hininga muna ako para pakalmahin ang sarili ko. "Ang sabi mo sakin, 100% clear na walang naiwan sa buong academy, but still Lancaster is here! What is he fuvking doing here Gypsum!" Mariin kong sagot sa kanya.
"You mean? Steven Lancaster? The member of Bad Blood Gang? And the SSG president of this school?" Tanong nya.
"I dont care kung sino sya, ang atupagin nyo ay kung paano paaalisin ang Lancaster na yun, and as a punishment, tanggalin sya sa pagkapresidente!" Mariin kong sagot pa sa kanya.
"Copy" sagot naman nya at pinindot ko na ang earpiece ko para marinig ang lahat ng gang at ang kinikilos ng mga tauhan.
Franz's POV
Ang akala ko ay dismissal ngayon, pero bakit ang daming estudyanteng nagkalat. Pero kung titingnan ay parang may mali.
"Franz!" Dinig kong sigaw ni Steven.
"Problema?" Tanong ko.
"Nakita ko si Gonzales, ang taray, natakot ako e, kaya yun tinakbuhan ko na lang" sagot nya at napailing naman ako.
"Balik nalang tayo sa headquarters" sambit ko at naglakad na kami papunta dun.
Naabutan naman namin yung lima na nanunuod at kung ano anong ginagawa.
"Akala ko ba dismissal ngayon?" Tanong samin ni Van.
"Yun din ang akala namin e" sagot ni Steven. "Pero sarado ang SSG office pati narin ang Detention Room" saad pa ni steven.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
"8:30" sagot ni France.
Teka kung 8:30 na e bakit sarado pa ang detention at ssg office, may mali talaga dito e. Kanina habang naglalakad ako papuntang CR walang babeng nagsisitilian at yung makikita mong mga babae sa labas ay seryoso lang. Ano bang meron?
"Hayaan na la----" hindi natapos ni van ang sasabihin nya ng may marinig kaming putok ng baril.
Ianne's POV
[Andito na sila] dinig kong warning ni Ian sa earpiece.
"Lahat kayo, Gawin ang lahat ng sinabi ko, walang papalpak! Maliwanag!?" Sigaw ko sa kanila.
[Neh!] Sagot naman nila.
PaPunta na akong CR para magpalit. Bilang Sapphire.
Dinig ko ang putok ng baril mula dito. Naglalaban na. At alam kong nasa loob narin si Sincerity ang leader ng RDG.
Lumabas na ako at sinuot ang mask na lagi kong ginagamit sa laban. Isa rin tong paraan para sa privacy bilang sapphire or mikaela montecarlos. Dahan dahan akong naglakad papunta sa gym dahil alam kong dito pupunta ang mortal kong kaaway,para magtanim ng bomba. Ayon kay nathan, balak nitong pasabugin ang buong academy kapag hindi nagpakita si Mikaela o Sapphire sa kanya.
Nang makarating ako dun, hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko syang may dalang pala at bomba.
"Its nice to meet you again Sincerity" bungad ko sa kanya habang naglalakad ng dahan dahan papalapit sa kanya. Mukha namang naalarma sya at tinutok ang baril sakin.
"Sapphire" sabi nya at ngumiti ng nakakaloko. "Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita" sabi pa nya at lumapit sakin, hindi naman ako umatras at nanatili sa kinatatayuan ko. Tinutok nya ang baril sa ulo ko ng makalapit sya. "Ang tagal kong hinintay ang araw na mapatay kita Sapphire, or should i say? Mikaela Montecarlos?" Tugon nya na halatang nananakot. Anong akala nya sakin? Basta basta lang?
"Ang tagal ko ring hinintay na mapatay moko Sincerity" ngumisi ako pero hindi nya yon makikita dahil naka mask ako. "But i think, this isnt the time yet" sabi ko at siniko ko ang tyan nya dahilan para mapalayo sya sakin. Agad ko namang hinugot ang baril ko sa bulsa ko at itinutok yun sa kanya.
[Sapphire, where are you!] Sumakit ang tenga ko dahil sa sigaw ni Ian. Argh! May earpiece nga pala ako. Tinanggal ko yun at binato sa kung saan.
"Mukang may iba pang nakakaalam na nandito ka Mikaela" pang aasar na sabi ni sincerity nakatayo na sya at nagkatutukan na kami ng baril.
"Ang tagal ko ring hinintay na matalo ka, alam mo ba yon?" Sabi pa nya na parang nababaliw.
"Hindi ko kasalanan kung bakit mas magaling ako sayo sincerity" sabi ko pa at lumapit sa kanya na ikinaatras nya. "Alam mo bang wala naman akong balak patulan ka?, pero dahil nauna kang umatake sa grupo ko, hinding hindi kita palalagpasin" mariin kong sabi sa kanya.
"Wala akong pakialam!" Sigaw nya at ramdam ko ng ipuputok na nya ang baril na nakatapat ngayon sakin. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatayo .
Hindi ko namalayan na naputok na nya ang baril kasabay ng pagputok ng baril ko na nakatutok rin sa kanya. Ramdam ko ang sakit at hapdi sa tyan ko na ngayon ay dumudugo na. Napaluhod ako at Napahiga sa sahig at nabitawan ang baril.
"SAPPHIRE!!" dinig kong sigaw ng isang lalaki. Pero hindi ko na sya maaninaw dahil nanlalabo na ang paningin ko. hanggang sa isang iglap. Everything went black. .
-------------