[Lancaster's Punishment]
Ian's POV
"SAPPHIRE!" sigaw ko sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa lupa. Nagtatakbo ako papalapit sa kanya at ginising gising sya pero nagpikit na sya ng mata nya.
Pinindot ko ang earpiece at ininform ang lahat na linisin ang lahat ng naapektuhan sa loob ng academy at umalis na.
Diniretso ko si Sapphire sa Headquarters at pinatawag ang private doctor ng buong Montecarlos.
"Doc! Gawin mo ang lahat para mabuhay ang kapatid ko!" Sigaw ko sa doctor habang ginagamot si sapphire sa loob. Hindi ko mapigilang pumatak ang luha ko dahil sa kapabayaan ko. Kung alam ko lang na may pinaplano syang ganun ay napigilan kopa sya pero Hindi!
Nagsidatingan naman ang buong gang at halata sa mga muka nila ang pag aalala.
"Kamusta si Sapphire?" Bungad ni Nathan.
Umiling lang ako at sinuntok ang pader.
"Ian, tama na yan, magiging maayos din ang lahat, please, Kilala natin si Sapphire, lalaban sya para satin" pigil sakin ni Hailee na humahagulhol na sa iyak.
Maya maya lang lumabas na ang doctor.
"Doc, kamusta si sap--, si Mikaela?" Tanong ko sa doctor.
"Naalis na ang bala sa tyan nya pero unconscious parin ang lagay nya, kailangan lang nya ng pahinga bago magising" sabi ni doc at dahil dun nakahinga naman ako ng maluwag.
"Thankyou doc, upo muna po kayo sa sala" aya sa kanya ni Nathan at Ken.
Pumasok ako sa kwarto ni mikaela dito sa headquarters.
"H-hey, m-mikaela, please w-wag mong iiwan ang kuya h-ha?" Humahagulhol na sabi ko sa kanya. Seeing her like this makes my heart broken. Hinawakan ko ang kamay nya habang umiiyak . Wala akong balak umalis dito hanggat hindi nagigising ang reyna ng buhay ko. Minsan ng nawala si mommy, at hinding hindi ko na hahayaang mawalan pa ko ng isang babaeng minamahal.
Franz's POV
Pagkabalik ko ng headquarters ay tinanggal ko na ang mask na suot ko.
"Oh Franz! San ka galing?" Tawag sakin ni Steven.
"Oo nga, may nangyari ba?" Van
"Bakit ganyan ang itsura mo?" Carlos
"Ano bang nangyare?" Francis
"Nakita mo ba si Ianne?" Blaze
"Nasan sya?" Dylan
Huminga ako ng malalim at hinarap sila, "Hindi ko sya nakita, nakaalis na siguro sya bago pa man ang gulo" kalmado kong sagot sa kanila.
"Ano bang nangyare sa labas? Bakit nagkaputukan? E yung ibang estudyante?" Sunod sunod na tanong ni Steven.
"Hindi ko alam e, pero ang narinig ko may naghahanap dun sa Mikaela, tapos yung mga students, iba sila. Para bang planado ang lahat?, tapos armado lahat ng estudyante. Tauhan yata sila ng mikaela. " sagot ko na lang sa kanila at napatango naman sila.
"Kaya siguro nagpadismiss ang Head Master dahil dun, pero bakit? Anong kinalaman nung headmaster natin dun sa Mikaela?" Tanong ni Dylan.
"Hindi ko alam" sagot ko na lang at nagkibit balikat. Iniwan ko na sila dun at pumasok ng kwarto. Tsaka natulog para makapag pahinga.
3days Later....
"GoodMorning!" Bati ni Dylan.
"Tara na pumasok, ikaw ba Franz? May balak ka bang pumasok?" Tanong ni Van.
"Oo naman, pero mamaya" sabi ko.
"Sige una na kami" paalam nilang anim. Tumango naman ako at bumalik ng kwarto para maligo at magbihis.
Steven's POV
Humiwalay na ako sa gang at dumiretso sa Office ng board of trustee para kunin ang mga papeles na pinapaayos ng Head Master. 3 days narin kasi kaming hindi nakakabalik dito dahil dismiss parin ang klase, dahil siguro sa nangyaring labanan. Mula nung araw na yun, may nagpasabi samin na isasara ang academy kaya nagsibalikan kami sa kanya kanya naming condo.
"Good morning Board of Trustee" bungad ko sa kanya at akmang kukunin ang mga papeles pero pinigilan nya ako.
"Hindi pa ba napaparating sayo ang parusa?" Tanong nya na ikinagulat ko. Parusa? Bakit?
"Mukang hindi mo pa alam Mr. Lancaster. May nakakita sayo dito sa loob ng academy nung araw na pinadismiss ng HeadMaster ang Klase. Halos lahat ng estudyante dito ay hindi pumasok, pero ikaw lang ang nasa loob?" Napatulala naman ako sa sinabi nya. Teka wala namang ibang nakakita sakin dito ah bukod kay .... Ianne. Nung magputukan nasa loob na kaming lahat ng headquarters at tanging si Franz lamang ang lumabas at nakamask.
"Now, as your punishment Mr. Lancaster, Youre no longer be the President of Supreme Student Government, and thats the order from the HeadMaster. You may now go" lumabas sya ng kwarto at naiwan akong nakatulala sa loob.
Franz's POV
Nang makapasok ako sa loob ng room ay nakita ko agad ang lima. Pero wala si Ianne. Where is she? Late ba sya? Tss . That girl. Hindi pa kami tapos ng basagulerang babaeng yun. *evil smile
Nasa kalagitnaan na ng klase pero wala pa rin sya, baka naman nasa Detention na kaagad? Napapangiti naman ako sa naiisip ko, suking suki talaga sya ng Detention.
*kringggg
Nagring na ang bell at pumunta agad akong Detention, hindi ko na hinintay ang gang. Nang makarating ako dun naabutan ko si Steven na nagliligpit .
"Dre, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa lanya
"Nagliligpit" seryoso nyang sagot.
"Hindi ba nadetention yung Gonzales?" Tanong ko sa kanya.
Napangiti naman sya ng nakakaloko at tinitigan ako.
"Hoy, anong tinitingin tingin mo ha?!" Tanong ko.
"Namimiss mo sya no?" Pang aasar pa nya.
"Gago hindi, bakit ba nagliligpit ka ha!?" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi nako president dre, tinanggal ako ng headmaster, pero okay lang yun, makakasama ko na sa klase si Gonzales HAHAHAHA" aba gago to ah, wag nyang sabihing may gusto sya sa babaeng yun tss tumawa sya ng malakas na ikinainis ko.
"Tara na" yaya nya pero natatawa parin. Naglakad na sya dala ang isang kahon at umalis na,. Naiwan ako dito. Nasan kaya yun? Tatlong araw na ang nakalipas pero wala pa rin sya? Tss. mukang postphoned ang paghihiganti ko dun ah tsk.Bumalik nalang akong headquarters at nagpahinga.
---------