"ANO BA 'to? Ang pangit naman. Distorted ang mukha." Nakatingkayad si Zyren sa harap ng mga pocketbook na nakalagay sa ilalim ng estante ng mga magazine at diyaryo. Doon muna siya dumeretso para sana bumili ng mga pocketbook pero nauwi lamang siya sa panlalait sa mga cover illustrations. "Ito namang isa, mukhang tomboy na bakla. Ay, ano ba 'yan?"
Pagdampot niya ng isa pang pocketbook para pag-trip-an ay bigla siyang natigilan at napapikit. May naamoy siyang mabango. Amoy-guwapo. Amoy-mayaman.
Dahan-dahan siyang tumayo at sinundan ang kaaya-ayang amoy na iyon. And when she finally opened her eyes, she almost sucked in her breath because standing in front of her was the most gorgeous guy she had ever met on the planet. Para siyang nakarinig ng mga nag-awitang anghel. Hindi siya magtataka kung bumukas ang langit at magliwanag sa tapat ng lalaki. He was so handsome. Kahit pa hindi ito nakangiti habang nakatitig sa kanya.
Nakatitig ito sa kanya! Oh, my gulay! Hindi niya napigilang mapangiti. "Hi. Kumusta?"
He didn't answer. Instead, he continued to flip the stacks of newspaper.
Anak ng pitong kuba! Ang ganda rin ng profile nito. Perfect ten! Matangos ang ilong at napakaganda ng korte ng mga labi nito. Parang ang sarap-sarap halikan ng mga iyon.
"Kumusta naman ang mga balita sa bansang ito?" tanong pa niya. "Hindi na kasi ako nakakapanood ng balita sa TV, eh. Teka, si Borgy Manotoc na ba ang presidente natin ngayon?" Napansin niyang bahagyang kumunot ang noo nito. Ah, good. Naririnig naman pala nito ang kanyang sultry voice. "What do you think? Effective ba siyang mamuno ng bansa? For me, I don't care who sits on the throne, just as long as hindi siya kurakot. God knows this country needs someone like that."
Wala pa rin itong reaksiyon at tila hindi man lang siya nito nakita nang basta na lamang siyang tinalikuran nito para magtungo sa counter. Ngayon ay mas napagmasdan niya ito nang husto. He was elegantly tall and exquisitely slick in his black tailored suit. Parang gusto niyang pumalakpak. Because she just met the man of her dreams. And he was a true-blue Pinoy!
Basta na lang siya dumampot ng diyaryo at sinundan niya ito sa counter. Sa likuran nito siya pumuwesto. Ang bango talaga ng irog ko! Ang sarap pang panoorin. Hindi nakakasawang titigan. Hindi talaga mapakali ang kanyang puso. Kinikilig siya. It must be love...
"Miss? Miss?"
Hindi niya pinansin ang tumatawag sa kanya. Abala siya sa pagmememorya sa mukha ng kanyang irog. Ano kaya ang pangalan nito? May asawa na kaya ito? Tumingin siya sa kamay nito. Wala itong suot na wedding ring. Umaayon sa kanya ang tadhana.
Lord, salamat po at ibinigay Ninyo sa akin ang Prince Charming ko! Ang guwapo-guwapo na, ang bango-bango pa niya.
Tumunog ang cell phone nito. Kumilos ito para sagutin iyon. "Ayoko sa lahat ay mga taong walang pakialam sa oras. You're five minutes late so I'm canceling our deal."
Ang ganda rin ng boses nito. Pakiramdam niya ay ipinaghehele siya. "I don't care if it's worth millions. The deal is off."
"Miss—"
Lintik! Hinarap niya ang nangungulit na lalaki sa likuran niya. "Ano ba? Huwag mo nga akong kulitin!"
"Sorry." Nagkamot ito sa ulo. "Pero kasi may... may t-tagos ka yata."
"Ha?" Nagpabiling-biling siya upang tingnan ang kanyang pang-upo. "Naman. Bakit ngayon pa?" I just met the man of my dreams, for golly's sake!
"Do you mind?"
Napalingon siya sa guwapong lalaki nang marinig niya ang boses nito. Nakatingin ito sa kanya kahit medyo iritado ang hitsura. Gayunman, hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan nito. "I'm talking to someone."
"P-pasensiya na." Itinakip niya ang hawak na diyaryo sa kanyang pang-upo. "Sige, continue your talk."
Hindi pa rin siya mapakali kaya pilit niyang tiningnan ang kanyang pang-upo. Nakakaasar talaga! Malas! Ano ang gagawin niya? Paano siya makakauwi nang maayos? Naka-shorts pa mandin siya. Narinig niyang pumalatak ang guwapong lalaki. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto nang hawakan siya nito sa braso. Iyon nga lang, muntik na rin siyang himatayin sa kahihiyan dahil tiningnan nito ang kanyang pang-upo.
Mabilis na itinago niya iyon dito. "A-ano ba'ng ginagawa mo?"
"Kanina mo pa ako iniistorbo. And I can't take it anymore."
Hinubad nito ang suot na coat at ibinigay iyon sa kanya.
"Ano'ng gagawin ko riyan?"
He turned off his phone and wrapped the coat around her waist.
Natameme siya.
"Huwag mo na uli akong iistorbuhin. Go and do whatever you were supposed to do." Nagbayad ito sa counter, pagkatapos ay tinungo nito ang exit ng convenience store. Bago lumabas ay may kausap na uli ito sa cell phone.
Naiwan siyang nakasunod ang tingin dito. Gentleman pala ito. At dahil doon, in love na talaga siya rito.
BINABASA MO ANG
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)
RomancePangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her exist...