Chapter Six

12K 338 74
                                    

ZYREN filled her lungs with Konrad's familiar muscular scent the moment she closed the door.

"Heaven ito!"

Mayamaya ay dumilat siya. Napangiti siya nang tumambad sa kanyang paningin ang may-kadilimang silid nito.

"Ito ang tinatawag na kapalaran." Wala kasi sa hinagap niya na darating ang ganoong pambihirang pangyayari sa kanyang buhay kung saan matatagpuan niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Bagaman walang amor sa kanya si Konrad—sa ngayon— binigyan naman siya ng tadhana ng pagkakataong maipakita sa binata na siya ang nakatadhana rito. Sapat nang tinulungan siya ng tadhana na magkita sila. Masipag naman siya kaya gagawin niya ang lahat para ma-realize ni Konrad na siya ang babaeng nakalaan dito.

Humiga siya sa kama nito at ibinalot niya sa kanyang katawan ang kumot nito. Sininghot-singhot niya iyon. "Oh, Konrad, my bebeh!"

Tinawanan niya ang kagagahan niya. Maybe her cousin was right about her. She was insane. Pero hindi pa siya tapos sa kabaliwan niya. Ang mga gamit naman ni Konrad ang pinag-interesan niya. Dinampot niya ang botelya ng pabango. Polo Blue iyon. Binuksan niya iyon at sininghot. Iyon nga ang pabangong gamit nito. Naglagay siya niyon sa kanyang sarili para kahit wala ito ay naaamoy niya ito.

Nang magsawa ay tiningnan niya ang kabuuan ng silid. "Ano naman kaya ang kailangang linisin dito? Malinis naman ang lahat."

Isang pinto ang nakita niya. Nilapitan niya iyon at binuksan. It was Konrad's closet. Doon ay maayos na nakasabit ang mga polo, amerikana, at mga pantalon nito. Sa ibaba ng closet ay maayos na nakahilera ang mga sapatos nito. Kumuha siya ng isang coat at isinuot iyon. Kapareho niyon ng amoy ang coat na ibinigay nito sa kanya.

Yumuko siya at isinuot niya ang isa sa mga sapatos nito. Pagkatapos ay humarap siya sa salamin at pumorma.

"Bakit ganyan ka kung makatingin?" aniya sa pinababang tinig. "Ang angas mo, ah. Baka gusto mong pulbusin ko ang dibdib mo? Ano?"

Naglakad siyang parang modelo para ibang anggulo naman niya ang masilayan niya. Ang problema, nakalimutan niyang itali ang sintas ng sapatos kaya natapakan niya iyon at nadapa siya.

"Araaay..." Someone picked her up though. Ang guwapo ngunit seryosong mukha ni Konrad ang sumalubong sa kanya. Mabilis na hinubad niya ang coat at sapatos nito. "K-kanina ka pa ba riyan, Sir? Pasensiya na. Medyo... medyo nawala lang ho ako sa konsentrasyon sa ginagawa ko."

"Wala ka pa pala sa konsentrasyon ng lagay na 'yan."

Bantulot na ngumiti siya. Nakita kaya nito ang mga ginawa niya? Obviously, with the kind of reaction he had now.

Nagpasya siyang ibalik sa closet ang mga gamit nito. Ngunit paghakbang niya ay pinigilan siya nito.

"I don't wear dirty clothes." Inihagis nito ang coat sa laundry basket. "Ano ba ang pinasukan mong trabaho rito?"

Masama yata ang gising ng irog ko. "Katulong ho."

"Anong trabaho ang nakatoka sa 'yo?"

"Maglinis ng kuwarto mo at ng mga guest room." Parang gusto na rin niyang mapakunot-noo nang magsalubong ang mga kilay nito. "Eh, Sir, pasensiya na. Hindi na mauulit ito. Ilalabas ko na lang ho ang maruruming damit—"

"At ano'ng gagawin ko sa maruming kuwartong ito?"

"Sir, malinis naman—"

"Marumi 'yan."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon