Chapter Eight

11.9K 369 56
                                    

NAKA-PLASTER pa rin ang ngiti sa mga labi ni Zyren habang magkasabay silang naglalakad ni Konrad paakyat sa grand staircase.

"Sir, ano'ng gamit mong pabango?"

"Bakit, hindi mo pa ba alam? 'Di ba, nagamit mo na 'yon?"

Aba, ang taray ng lolo. "Pasensiya na, Sir. Kanina pa kasi tayo magkasama pero hindi tayo nag-uusap."

"Wala namang importanteng dapat pag-usapan."

"Meron. Salamat nga pala sa pagpapasakay mo sa akin sa kotse mo."

He gave her a sideway glance. "You did hate your former boss, didn't you? Kaya hindi mo ako magawang igalang."

Oops. Ngayon lang din niya napansing hindi niya gaanong nabigyang-galang ito bilang amo. Kasi naman, hindi naman talaga amo ang tingin niya rito.

"Sorry ho."

"Don't say it. Unless you mean it." He opened the door to his room and walked in. Nakakunot ang noo nito nang harapin siya. "Bakit nandito ka?"

"Eh, 'di ba, Sir, ihahanda ko ang pampaligo mo?"

"Hindi na kailangan." Nagtungo ito sa closet, pagkatapos ay dumeretso ito sa banyo. "Bumalik ka na lang sa ibaba."

"Sir, baka may gusto pa kayong iutos. Tutal, nandito na ako."

"Iniuutos kong bumalik ka na sa 'baba."

Bubulong-bulong siya habang naglalakad palabas. "Pambihira ka naman. Pinasunod-sunod mo ako rito, 'tapos, pabababain mo rin pala ako. Mabuti sana kung madaling umakyat sa hagdan na iyon."

"May sinasabi ka?"

"Wala ho!"

Nagulat siya nang malakas na lumapat ang binuksan niyang pinto. Konrad had pushed it closed and was now standing right beside her, wearing only his bathrobe.

Shit! Wala bang towel scene uli?

"May problema ka ba sa akin, Zyren?" tanong nito. "Dahil kung may problema ka, sabihin mo lang."

"Wala nga ho."

"Talaga?" He had put his hands on his robe's pocket and moved even closer. Nasamyo na naman niya ang bango nito at parang gusto niyang mawala sa kanyang sarili. Tila kasi inaakit siya ng amoy nito. "Let's get something clear here. Ako ang amo rito at katulong ka lang. Wala kang ibang gagawin kundi sundin ang utos ko. Kaya kapag sinabi kong bumalik ka na sa ibaba, bumalik ka sa ibaba."

"Ano pa nga ba ang ginagawa ko? Ikaw lang naman diyan ang malabong kausap. Sinabi mo kanina na ihanda ko ang pampaligo mo pero ayaw mo naman nang sundan kita rito. 'Tapos ngayon, gusto mo akong umalis pero pinipigilan mo naman ako. Aba'y ano ba talaga, Kuya?"

"Hindi kita pinipigilan."

"Bakit nakaharang ka sa daraanan ko?"

Halatang nagulat ito sa sinabi niya kaya mabilis na umalis ito roon. Nagsimula itong maglakad patungo sa banyo. "Huwag kang gagawa ng ingay paglabas mo. Kung hindi, ihahagis kita sa hagdan." Pumasok na ito sa banyo.

Pinukol niya ng masamang tingin ang saradong pinto ng banyo. Antipatiko. Pasalamat ka at gustong-gusto kita dahil kung hindi, ako ang maghahagis sa iyo sa hagdan.

She was about to exit when she saw Konrad blindly throw his clothes on the bed. Hindi umabot ang mga iyon sa kama kaya nilapitan niya ang mga iyon upang ipatong sana sa kama nang may kung anong mahulog mula roon. Dinampot niya iyon at namilog ang kanyang mga mata nang makitang D&G briefs nito ang hawak niya.

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon