PAGPASOK ni Zyren sa silid ni Konrad nang umagang iyon ay kakaibang gaan ng pakiramdam ang naramdaman niya. Bago sila naghiwalay nang nagdaang gabi, sa tingin niya ay nagkasundo na ang kanilang mga puso kahit wala pa silang sinasabi sa isa't isa. And she was more than happy to accept it as it was.
Napansin niya ang teddy bear na nakapatong sa ibabaw ng kama. Suot na niyon ang isa sa tatlong damit na iniregalo niya kay Konrad. Dinampot niya iyon at kinausap.
"Hello. Ang cute-cute mo ngayon, ah. Bagay sa iyo ang bago mong damit. Nagustuhan mo ba?"
"Oo."
Napatayo siya sa kama nang marinig niya ang boses ni Konrad. He was leaning against the frame of the door leading to the veranda. Her heart jumped as she watched him watch her with a pleasant smile on his lips.
"You can play with it if you want," wika nito. "Hindi na kita sisigawan."
Ibinalik niya sa kama ang teddy bear. "No. This is your child's. Ikaw lang dapat ang humawak niyan."
"Paano ba 'yan? Nahawakan mo na rin 'yan."
"Sorry."
His smile reached his eyes and he became even more handsome in her eyes. Tuluyan nang binura ng imaheng iyon ang lahat ng crush niyang bidang lalaki sa mga Koreanovela na napapanood niya. Dahil totoo si Konrad at hindi lamang likha ng imahinasyon ng mga magagaling na Korean romance writer.
"You don't have to clean my room today, Zyren. Take a rest. Or take the day off."
"Wala naman akong gagawin, eh. Kaya sa paglilinis din ang bagsak dahil ayoko ng walang ginagawa." Nilapitan niya ito. "Ang ganda pala ng view rito. Kitang-kita ang buong subdivision. Puwede pa yatang magpalipad ng saranggola rito."
"Malayo ang mga linya ng koryente at telepono kaya libreng-libre kang magpalipad ng saranggola."
"Nah. I'd rather enjoy the view." Nakita niya ang lugar kung saan inakyat niya ang mga bintana noon ni Konrad. "Ang taas pala ng inakyat ko dati. No wonder na nagwala ka."
"Kaya huwag mo nang uulitin 'yon."
"Hindi na talaga. Ang hirap yatang makipag-away sa 'yo." Ilang kilo rin ng sama ng loob ang naipon sa kanyang dibdib noon bago siya na-pacify nito.
"Salamat nga pala kagabi, Zyren."
"Ha?" Tila kandilang natulos siya sa kinatatayuan niya nang sa pagbaling niya sa direksiyon nito ay lumapat ang isang kamay nito sa kanyang mukha at hinalikan siya sa pisngi.
"You made me realize a lot of things last night. Thanks."
Hinawakan niya ang kanyang pisnging hinalikan nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kasabay ng tila pagkiliti sa kanyang puso. Anak ng patis! Kinikilig na naman siya. At ang kanyang mga tuhod, parang bibigay kaya napasandal siya sa veranda.
"Are you okay?"
Tumango siya.
"Good. So, pagkatapos ng gig mo rito bilang katulong, ano na ang mga plano mo?"
"Ha?"
"Alam ko naman na hindi ka magtatagal dito. You have a degree and a good track record in your last job. You can't stay being a housemaid."
"What's wrong with being a housemaid?"
"Nothing. It's just that, marami pang opportunities na naghihintay sa iyo. Alam kong hindi mo pakakawalan ang mga iyon. Gusto ko lang malaman ang ilan sa mga plano mo."
At sino siya para hindi ito payagan na maging bahagi ng future niya? She loved him and she could feel he also felt something for her. "I want to put up a business. Since sa food and beverages business ako nanggaling, baka restaurant o bar ang ipapatayo ko."
"That's nice."
"Kaya lang, kailangan ko ng malaki-laking kapital. That's why I'm planning to work abroad."
"Abroad? Where?"
"Canada." They had been through a lot these past days. Hindi nga niya inakalang mai-in love siya nang husto rito. Pero heto nga at hindi na niya mabawi ang kanyang puso rito. Kaya hahayaan na niya itong tuluyang maging bahagi ng kasalukuyan at hinaharap niya. "Nasa Canada na ang buong pamilya ko. Ako na lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Gusto nilang kunin ako at doon na rin manirahan kasama nila."
"So you're leaving for good?"
Could she? "Hindi ko alam. Ang totoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon. Gusto ko rito. Pero gusto ko ring makasama uli ang pamilya ko. Eighteen years na sa Canada ang parents ko dahil doon sila idinestino ng kompanyang pinapasukan nila noon dito sa Pilipinas. Mula noon ay binibisita na lang nila kami rito ng mga kuya ko. Ako ang pinakamatagal na hindi nila nakasama dahil ako ang bunso at pinakabata nang umalis sila. Ngayon ay kukunin na nila ako rito para magkasama-sama na kaming lahat sa Canada. And I miss them so much."
It was only now that she was thinking about it did she realize how much she really missed her family. Gusto niya ng kasama sa bahay na masasabi niyang pamilya talaga niya. Gusto niyang maramdaman ang pangangalaga ng kanyang ama at ina. Nais din niyang makaasaran uli ang mga kuya niya.
"If you're leaving, paano na ang plano mong magtayo ng negosyo?"
"Puwede ko namang ituloy ang plano kong iyon sa Canada. My parents promised they would help me with everything. I guess iyon ang paraan nila para makabawi sa mga panahong wala sila sa tabi ng kanilang bunso."
Katahimikan ang sunod na umiral sa pagitan nila. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito nang mga sandaling iyon. Pero ipinagdasal niyang sana ay pigilan siya nitong umalis. Kahit isang hint lamang na tumututol ito sa pag-alis niya ay papatulan niya. Dahil tuwing maiisip niyang hindi na uli niya makikita ito ay nagdadalawang-isip siya kung itutuloy ang pagtungo sa Canada. But he kept his mouth shut. At nang magsalita naman ito, hindi pa gaya ng inaasahan niya ang mga sinabi nito. "You'll have a lot of opportunities there. Masipag at matalino ka kaya siguradong lalago ang anumang negosyong papasukin mo roon."
Kinutkot niya ang pintura ng kinasasandalang dingding. "Siguro nga. Mas marami ring guwapo ro'n, 'no? Baka hindi lang dalawa o tatlo ang maging boyfriend ko pagdating ko ro'n. Nabalitaan kong patok ang exotic beauty ng mga Pinay sa mga Puti."
"Tatlong boyfriends?"
"Yeah. I've been without a boyfriend since I don't know when. It will be a new experience having three White boyfriends, don't you think?"
"At the same time?"
"Kaya ko 'yon."
"I'll talk to your parents."
Natawa siya. "Joke lang! Wala akong hilig sa mga Puti. Mas type ko pa rin ang mga Asian men—black hair, brown eyes. Classic pero astig."
"I still want to talk to your parents."
"Bakit?"
"Kung hindi mo man type ang mga Puti, hindi ka pa rin makakasiguro na tatantanan ka nila."
"Ikaw naman, Konrad. Huwag mo namang masyadong purihin ang kagandahan ko." Nagustuhan niya ang reaksiyon nito. Para kasing nagseselos ito sa mga lalaking posibleng manligaw sa kanya sa Canada.
Konrad, bebeh, kung magsasabi ka lang na ayaw mo akong umalis, hindi ako aalis. I'll be with you till the end.
Ang kaso, ayaw magsalita ng mokong. Kaya pinasaya na lamang niya ang kanyang sarili sa isiping sapat na ang mga nakalap niyang alaala kasama ito.
Tumunog ang kanyang cell phone. It was her cousin. "O, Maira, bakit?"
"Umuwi ka agad. Nandito si Tita Fe."
"Si Mommy?"
BINABASA MO ANG
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)
RomancePangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her exist...