Chapter Fourteen

11.4K 355 6
                                    

DINALA ni Zyren kay Yvonne ang tubig na galing sa gripo. Nagdala pa siya ng extra na isang pitsel. "Hayan, pakalunod ka."

The woman immediately got pissed off. "I will not be insulted like this by some low-life!" Iyon lamang at nagmartsa ito palabas ng mansiyon.

Nilingon niya si Konrad na nakasunod sa kanya. Umupo ito sa dating puwesto nito.

"Sit down, Zyren."

"Hindi mo ba susundan ang fiancée mo?"

"I want to talk to you first." Iminuwestra nito ang upuan. "Sit down."

Hinila niya ang isang upuan na naka-display sa di-kalayuan at doon siya umupo. Wala siyang balak na madikitan kahit ng essence lamang ng Yvonne na iyon.

"Hindi mo dapat tinrato nang gano'n si Yvonne. She's my visitor. And your attitude is way out of line."

Patuloy ito sa panenermon ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi man lang nakarating sa kanyang tainga. She was an expert in blocking the things that didn't interest her and focusing her attention to something else. Kaya nga hindi niya matandaan noon ang mga sinabi ni Manang Sara tungkol sa rules and regulations sa bahay na iyon.

Ano kaya ang nagustuhan ni Konrad sa babaeng iyon? Maganda lang naman ito. Pero ang ugali nito, ugali naman ng unggoy. O baka nga mas matitino pa ang mga unggoy dahil cute ang mga iyon. Ang impaktang iyon, well, impakta siya. Siguradong mahihila sa impiyerno si Konrad kapag nadikit siya sa babaeng iyon. Sayang ang mukha nito. Subalit ang mas ikinatatampo ng kanyang puso ay nang hindi man lang ito tumanggi sa mga utos ni Yvonne. Samantalang sa kanilang mga kasama nito sa bahay ay malinaw ang batas nitong walang sino mang maaaring mag-utos dito. Wala pa man, under the saya na ito.

Sa akin, kahit minsan ay hindi ka maa-under the saya.

Kakaibang depresyon din ang naramdaman niya nang tumimo sa kanyang isip ang isang katotohanan sa pagdating na iyon ni Yvonne sa eksena. Na kahit kailan ay hinding-hindi nga sila puwede ni Konrad. Kahit sa pangarap. Dahil pag-aari na ito ng iba.

Was this what it meant to really fall in love and get your heart broken at the same time? Ang saklap naman.

She remembered her cousin's warning. Ang yabang pa niya noon nang sabihin niyang hindi siya masasaktan. Kaya tuloy, heto siya ngayon at kina-karma. And she was not feeling good about it.

"Zyren, are you listening to me?"

"No." Biglang-bigla ay nawalan na siya ng gana sa buhay. "Hindi maganda ang pakiramdam ko, Sir. Puwede bang saka na lang tayo mag-usap?"

"Are you sick?"

"I don't know. Maybe..."

He extended an arm to feel her forehead. Ngunit iniiwas niya ang kanyang noo. "Uuwi na muna ako sa amin, Sir."

"Sa inyo?"

"Oh, come on, Konrad. Don't tell me hindi mo pa rin alam kung ano ang tunay kong pagkatao?" She stood up and sighed. "I live with my cousin. Her house is three blocks away from here."

Saglit na natahimik ito. "I see," mayamaya ay sabi nito. "So, what else do I need to know about you?"

That I'm in love with you. "Wala na. Iyon lang."

"What's your reason for working here?"

"I'm bored."

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon