Chapter Seven

11.8K 369 42
                                    

"SHIT! Ang hirap magbanat ng buto!" Zyren stretched out her body and looked at her wristwatch. "Anak ng kinalbong pusa! Ang sakit na ng balakang ko!"

Hindi niya inakalang ganoon ang sasapitin ng kanyang katawan nang magpanggap siyang katulong sa mansiyon na iyon. Ang akala niya, dahil air-conditioned naman ang mga silid ay wala na siyang gaanong lilinisin. Pero ang topakin niyang amore, pinag-trip-an siya.

"Hindi bale, para din naman ito kay Konrad bebeh ko." Nilingon niya ang nakasarang pinto ng banyo. "Bakit kaya hindi pa rin siya lumalabas? Mag-iisang oras na rin mula nang pumasok siya ro'n, ah."

Hindi kaya nalunod na ito? Napasinghap siya. Mabilis na lumapit siya sa banyo. Kakatok sana siya nang marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa dutsa. Nakahinga siya nang maluwag. Marahil ay nagpakasawa muna ito sa bathtub.

Napangisi siya habang ini-imagine si Konrad, with all those bubbles dripping down his magnificent body.

"Sayang, hindi ko nakita 'yon. Hindi bale, may next time pa naman."

Kahit siya ay gustong mapailing sa itinatakbo ng kanyang isip. Iyon kasi ang unang beses na naging ganoon siya ka-maniac sa buong buhay niya. It must be her hormones working overtime. Hmm, hindi na nga talaga siya bumabata. Her biological clock was ticking. But it was nice that someone like Konrad made her tick.

May kung anong natapakan siya habang pinipilit niyang ayusin ang kama. Dinampot niya iyon. It was a small teddy bear. Halos isang dangkal lamang ang laki niyon.

"Hmm, what are you doing underneath the bed?" tanong niya sa laruan. "May masama kang binabalak kay Konrad, 'no? Pero... maganda ba ang view riyan sa ilalim?"

Humagikgik siya. Naglakbay na naman kasi ang isip niya kung saan ang lahat ay X-rated na ang tanging artista ay si Konrad.

Nabalik lamang siya sa katinuan nang biglang may humablot sa teddy bear. Kasunod niyon ay dumagundong ang tinig ni Konrad.

"What the hell do you think you're doing?"

Napatayo siya nang wala sa oras. Nagulat kasi siya sa galit na nakita niya sa guwapong mukha nito. "Naglilinis lang naman ako—"

"Oo nga! Naglilinis ka at iyon lang dapat ang ginagawa mo! Wala kang ibang gagawin kundi ang maglinis at wala kang pakialam sa iba pang gamit dito sa mansiyon, lalong-lalo na sa mga gamit ko!"

Napaatras siya sa takot dito. Sa kabila niyon ay nangatwiran siya. "Iyon nga lang ang ginagawa ko."

"Get out of my room!"

Nagmamadaling lumabas siya ng silid. Nang makalabas siya ay pabalibag na isinara nito ang pinto.

"Zyrena, ano'ng nangyari?" humahangos na tanong ni Manang Sara. Kasunod nito ang ilang katulong. "Narinig namin ang sigaw ni Sir Konrad."

"Sinigawan niya ako at pinagbagsakan ng pinto," sagot niya.

"Hay, naku naman, bata ka! Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag na huwag mong gagalitin si Sir Konrad. Ano ka ba? Amo natin siya kaya hindi ka dapat gumagawa ng mga bagay na makakapagpainit ng kanyang ulo..."

Patuloy sa panenermon si Manang Sara. Sa palagay niya, ang walang patid na pagsasalita nito ang unti-unting nagpabalik sa katinuan niya.

"Wala akong ginagawang mali!" sigaw niya, saka binayo nang sunod-sunod ang saradong pinto.

"Susmaryosep!"

"Zyren, naku, tigilan mo 'yan!"

"Lalo lang magagalit si Sir Konrad!"

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon