Chapter Three

14.2K 366 20
                                    

INAMOY-AMOY, niyakap, at idinampi-dampi ni Zyren sa kanyang pisngi ang coat ng lalaki sa convenience store. Minsan pa nga ay hinahalikan pa niya iyon.

"Zyren, okay ka lang? Nasa katinuan ka pa ba? Kailangan ko na bang mag-panic?"

Hindi niya pinansin si Maira. "I found him, Maira. I found the man of my dreams. Ang aking Prince Charming. Ang aking kapalaran." Idinampi uli niya sa kanyang pisngi ang coat. "He gave me this coat."

"I'm going to call up Tita Fe."

"Sige, tawagan mo si Mommy. Sabihin mo sa kanya na magpapakasal na ako." Tumingala siya sa kisame at inalala niya ang mukha ng kanyang kapalaran. "He's so handsome. Tall, suave, elegant, possesses a bedroom voice, single, and available. Haaayyy..."

Umiling-iling ito. "Nababaliw ka na. Isang beses mo pa nga lang na nakita ang lalaking iyon, bumuo ka na agad ng mga pangarap para sa inyong dalawa. Paano kung may asawa na pala 'yon?"

"Wala siyang asawa dahil wala siyang suot na wedding ring."

"Karamihan sa mga lalaki ay hindi isinusuot ang mga wedding ring nila kapag wala sila sa tabi ng kanilang mga misis. Para nga naman makaiskor sila sa mga babae."

"He's different. I know he is still single."

"Paano ka nga nakakasiguro?"

"Malakas ang vibration ko. Kaya huwag kang kontra nang kontra diyan."

"Binibigyang-liwanag ko lang naman ang inaagiw mong utak, pinsan. There's no such thing as love at first sight."

"There is. And I just met my love. At first sight. Haaayyy..."

"You're not in love with him. You're just fascinated with him. At excited ka dahil sa wakas ay nakita mo ang lalaking nagpi-fit in sa pangarap mong lalaki."

Binato niya ito ng throw pillow. "Huwag ka sabing kumontra."

Ibinalik nito iyon sa kanya. Mas malakas ang pagkakabato nito kaya sa pakiwari niya ay lumipad ang kanyang utak nang tumama ang throw pillow sa kanyang mukha. "Aray! Ano ba?"

"Ewan ko sa 'yo. Magmumuni-muni ka nga at nang hindi kung ano-ano ang mga pinagsasasabi mo riyan."

"Naiinggit ka lang dahil nakita ko na rin sa wakas ang perfect guy ko."

"Oo. Perfect guy mo na one of these days ay iiwan mo rin siya dahil sa Canada ka na maninirahan kasama ng pamilya mo. Magiging Canadianese ka na."

Niyakap niya ang coat. "Much more na dapat kong makita ang lalaking iyon. Hindi ako puwedeng umalis nang hindi ko man lang nalalaman ang kanyang pangalan. O kung saan siya nakatira. O kung ilang anak ang gusto niya."

"Anak? Eeehhh!"

Tumayo siya nang makita niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding. "May ipapabili ka ba sa convenience store?"

"Wala. Bakit?"

"Wala rin. Masama bang magtanong? Sige, maiwan na muna kita. May bibilhin lang ako."

"Ang sabihin mo, aabangan mo na naman ang lalaking iyon."

"Kailangang maging vigilant ako. Kung magpapapetiks-petiks ako, walang mangyayaring kasalan sa pagitan namin. I have to make him realize we're meant to be together. Na ako ang babaeng nakatakdang maging misis niya."

"Yet you're still leaving the country soon."

"Yes."

"Kung gano'n, bakit nag-aaksaya ka pa ng panahon sa lalaking iyon?"

"Hindi ko rin alam kung bakit. Magulo ang mundo ko. Ganoon din ang puso ko. Pero masaya ako sa kaguluhang ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kabaliwan." Tumingala siya sa kisame. "Could this be love?" tila nangangarap na wika niya.

"No. That's insanity," sagot ni Maira.

"I'm in love..."

"You're hopeless. Good luck na lang sa 'yo. Hoy, aalis ka nang nakaganyan?"

"Pampasuwerte ang coat na ito. Bigay ito sa akin ng love ko."

Habang naglalakad siya patungo sa convenience store ay hindi lamang miminsang nakatanggap siya ng kakaibang tingin mula sa mga taong nakakasalubong niya sa daan. Katirikan kasi ng sikat ng araw ay naka-coat siya na sampung beses yata ang laki sa kanya. Halos hindi na nga makita ang shorts niya dahil ang haba rin niyon.

Pero wala siyang pakialam. She felt good wearing it. Anyway, talagang dinala niya iyon para magkaroon siya ng valid reason na makalapit at makausap ang lalaking nagbigay niyon sa kanya. Base kasi sa naobserbahan niya noong una silang magkita ay hindi ito basta-basta nakikipag-usap kung hindi rin lang naman importante ang pinag-uusapan.

Gaya ng dati, madaraanan niya ang pinakamalaking bahay sa subdibisyong iyon. Paglalaruan na naman sana niya ang doorbell nang matigilan siya. Hindi tinted ang mga bintana ng Mercedes-Benz na kasalukuyang papasok sa malaking gate kaya kitang-kita niya kung sino ang nakaupo sa backseat.

O, irog ko! Dumaan ang kotse sa tabi niya at hindi talaga siya puwedeng magkamali. It was that guy! Sinaluduhan ito ng mga guwardiya bago binuksan ang gate. Ngunit bago tuluyang makapasok ay ibinaba nito ang bintana ng kotse upang kausapin ang isang unipormadong maid na may dalang karatula.

"Ano 'yan, Manang?" tanong nito.

"S-Sir, nagtanan ho kasi si Aurelia. Kaya magpapaskil ho kami ng karatula para makakuha ng kapalit niya."

"Magpa-ad na lang kayo sa diyaryo o kaya ay kumuha kayo sa mga agency. Itapon mo na 'yan."

"O-oho, Sir."

Base sa mga narinig niya, ang nagmamay-ari ng pinakaayaw niyang bahay ay ang Prince Charming niya. Dahil doon, mula sa araw na iyon ay iyon na ang favorite house niya. And speaking of houses, mukhang nangangailangan ang mga ito ng katulong.

Mabilis na nilapitan niya ang katulong. 

I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon